FF#45: Life and Death II (SOF)

18 8 2
                                    

3rd Person's POV

Maagang nagtungo ang guro na si Tristan sa ward ni Sofia. May dala siyang bulaklak at prutas gaya ng dati parati siyang dumadaan bago pumasok, para bisitahin ang kanyang estudyante. Kumusta na kaya ito hindi siya nakadalaw kahapon.

"Miss, nasaan na ang babae sa ward na ito?"

"Hindi niyo po ba alam na wala na po ang pasyente sa ward."

"Anong ibig mong sabihin?"

Naantala ang kanilang pag-uusap ng tumunog ang intercom ng hospital.

"Ah sir excuse me lang po, hinahanap na po ako ni doc."

Agad na tumakbo ang nurse. Wala siyang balitang nagising na si Sofia imposible naman na inilabas na siya agad.

Hindi kaya????

P-patay na si Sofia?!

Hindi, malabo iyon baka gumaling na nga. Mabuti pa hintayin niya na lang ito makabalik sa klase. Nahihiya siyang tawagan si Sofia baka isipin nito masyado siyang concern sa kanyang Student-assistant.

Sa kabilang banda ay hindi pa rin nakakakilos si Sofia matapos itong magising kagabi ay nadischarge naman siya kinabukasan ng maaga. Halos isang linggo rin siyang nasa hospital.  Alam nilang lahat na hindi pa talaga siya puwedeng ilabas ngunit may impluwensya ang kanilang boss.

 Agad niyang hinanap si Gian, ang huling naalala niya ay namamasyal sila ng mangyari ang lahat. Inaasahan niya na makikita niya ito agad pagkagising niya. Hindi man lang nagparamdam ang binata.

May nangyari kayang masama?!

Mabuti na lang nariyan ang kanyang mga kaibigan na nag-aruga sa kanya. Ang mommy ni Kely na gumastos ng lahat ng hospital fees. Mahuhuli na siya lecture at siguradong magagalit sa kanya ang guro. Sino na kaya ang pumalit sa kanya bilang S.A.

Alam kaya ng kanyang guro ang nangyari? Dumalaw ba ito kahit isang beses? Ano bang pinagsasabi niya bakit naman mag-aaksaya ng oras ang kanyang guro.

Ang walang hiya! Sino kaya ang may kagagawan ng pamamaril? Magpapahinga muna siya kailangan niyang makabawi ng lakas. Hindi niya nakakalimutan ang bilin ng ginang na puntahan niya ito sa opisina matapos niyang lubusang makarecover.

Isang linggo siyang nakaratay sa hospital bed.  Limang araw naman siyang bumawi ng lakas sa unit, sa tulong ng pag-aalaga ng mga kaibigan kahit papano ay hindi na siya nanghihina.

"Lalabas muna ako, babalik din ako agad."

"Sandali sasamahan kita."

Akmang tatayo na si Clyde ngunit pinigil ito ni Sofia.

"Kaya ko na mag-isa."

"Pero..." pigil ni Clyde

"Bumalik ka agad," sabat ni Lav.

Bakit siya gustong makita ng ginang?

Sumakay siya ng taxi, diskumpyado siya na makakapagmaneho na siya ng motor.

Pagkarating ay may iniabot ang ginang.

"Buksan mo kapag handa ka na."

Iniabot ng ginang ang flashdrive at liham. Tahimik niyang tinanggap at isinilid sa bag ang mga iniabot sa kanya.

"Wag mo na siyang hanapin iyan ang huling sinabi niya sa akin bago niya ibigay ang mga iyan."

Hindi niya napigilan na pumatak ang kanyang luha.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon