3rd Person's POV
Matapos nilang makuhanan ng larawan ang mga taong kabilang sa inoobserbahan ay bumalik na sila kaagad ng klase. Sinigurado muna nila na naisend na ang larawan at ang kanilang lady boss na ang bahala kumilatis. Sa ngayon kailangan nilang magfocus muna sa acads.
Maghihintay pa sila ng sunod na order, hindi dapat magpadalos-dalos. Wala pa silang nasisimulan ay mauuwi na agad sa pagtatapos. Anila ay hindi pa nahuhukay ang lupang dinilig ng luha at dugo.
"Good morning class! Introduce yourselves agad so that we'll get to know each other," ani Prof. Topaz.
"Mukha namang mababait ang mga kasama ko sa klase. Maliban na lang sa prof na ito na ni hindi muna nagpakilala." Mahina lang na pagkakasabi ni Sof.
Sa isip ni Sofia ay may something sa mukha ng guro na parang nagsasabing isa ito sa professor na walang ibang gagawin kung hindi ang magpacute lang. Bago pa sila pumasok sa impyernong ito. They made some empirical research lalo na sa mga professor, pero siyempre subtle lang since confidential at may privacy issue.
'Ang unggoy na ito ay si Tristan ang tirador ng faculty, halos lahat na yata ng professor na babae at nurse nakafling niya na. Malamang sa malamang tirador din ito ng estudyante baka nga kabilaan ang mukha nito sa labas.' Ito agad ang pumasok sa isip ni Sofia.
"Listen magsimula na tayo sa likod," ani Prof. Topaz.
Isa-isang nagpakilala at dahil nasa unahan si Sofia, siya ang huling nagpakilala.
"Good morning! Sofia Ambrei Chrysanthemum speaking. Former student of Hayaka university."
"So, why did you transfer in Mirai? Hindi kaya dahil nandito ako?" Pabirong wika ni sir Topaz.
Nagpagulong mula kaliwa paitaas ang mata ni Sofia.
"Anyway, nakikipagbiruan ako but it doesn't mean na ituturing niyo na akong ka-level ninyo. You're my student and I'm your teacher. Since wala pang nilalabas na syllabus we're not going to have a proper lesson today. You can do what you want to do. Do you have questions?"
Marami ang nagtaas ng kamay at isa na ang dalaga roon.
"Yes? Ms. Sincerely not sorry," aniya sabay taas baba ng kilay nito.
"Hinahamon ata ako nito ah nagpakilala na ako kanina...It's Sofia, not Ms. Sincerely not sorry." Mahinang kibot ni Sofia sa tabi.
"Sir, you haven't introduced yourself and I believe my parents gave me a proper name," saad ni Sofia.
Ansama ng tingin sa kanya ng mga babae. Sinarili na lamang ni Sofia ang pagkairita sa mga babae. Aniya ay siya itong tinawag sa kung anong pangalan, siya pa lumalabas na mali. She strongly believes na parte ng karapatan ang freedom of speech at hindi niya gusto na tinatawag siya ng kung ano.
"I forgot to introduce myself," ani Prof.
Kumuha ang ginoo ng white board marker at nagsimulang sumulat sa white board.
"Class my name is Tristan Sephiel Topaz."
Nilabas ni Sofia ang libro ng entrepreneurship. Magbabasa na lang siya kaysa makipag-usap. Hindi niya alam kung kailan maglalabas ng order ang kanilang lady boss. Tiyak mawawalan na siya ng panahong magreview kapag may pinagawa na naman sa kanila.
"I'll answer 5 questions only, raise your hand if you want to ask something."
Nagtaasan ng kamay ang mga anak ni Jollibee.
"Sir, pwede personal?" Tanong ng babae sa unahan.
"Sure, but only for today."
"Ilang taon ka na, sir?"

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AcciónHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...