3rd Person's POV
Kapwa may ngiti sa mata ni Lavender at Flame habang pinagmamasdan ang ulap. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa papasikat na araw.
Gayunpaman napakaganda talagang pagmasdan ang pagsilip ni haring araw.
God has not forsaken them, kahit may pagkakataon na sinisisi niya ang dyos sa lahat ng kamalasan niya sa buhay.
Pati ang pagkamatay noon ni Kyohei ay sinisi niya sa dyos. Ang pagkakaroon niya ng pamilyang nagpasilaw sa kapangyarihan ay kasalanan din ng dyos. Pero mali siya dahil pagsubok lamang ang mga iyon sa kanyang buhay para mas maging matatag siya. Kinuha man sa kanya si Kyohei ay ibinigay naman nito sa kanya si Flame. Hindi niya aakalain na makakaligtas pa ito sa dami ng dugong nawala. Siguro nga ay hindi pa nito oras.
Nagbunga rin ang mga pagsasakripisyo nila. Napatunayan na may conspiracy na nagaganap sa pagitan ng tatlong bansa. Bukod sa mga ebidensya ay tumistigo rin ang kanyang ate at si Samuel.
Hindi alam ni Lavender kung anong nangyari kusang sumuko at nakipagtulungan si Samuel sa kanila. Natatandaan pa niya na may benda at cast ang kanang kamay ng ginoo nang magkita sila sa international arbitration. Kung hinidi pa sinabi sa kanya ni Clyde na siya ang bumaril sa ginoo. Hindi pinatay ni Clyde ang ginoo bagkus nakipagpalitan ito ng pabor. Kapalit ng buhay nito ay dapat itama niya ang mga pagkakamali sa buhay. Dala ng kunsensya at paguusig sa kanya ng alaala ni Kely ay lumambot ang puso ng ginoo.
Isinuko ng ginoo ang natapos na bioweapon, isang virus na magdudulot ng kamatayan sa sinumang dadapuan. Ang verdict ng U.N at iba pang sangay ay palitan ang namumuno sa bansa.
They were condemned as a threat to humanity.
Sa ngayon ay ikinulong ang mga namumuno sa bansa. ang pamunuan ay napunta na sa masa, pinamumunuan na ito ng mga taong karapat-dapat. Mga taong may tunay na malasakit sa bansa at sa nasasakupan. Sana lang kapag tumagal ay hindi sila masilaw sa kapangyarihan dahil kapag nangyari iyon mauulit lang ang lahat.
Sana matutuhan nila ang pagkakamali ng kasaysayan ay hindi dapat inuulit bagkus ay gamitin ito upang mapanatili ang matiwasay na pamumuhay.
"Dapat siguro sinabi natin sa kanila na darating tayo. Wala tuloy sasalubong sa atin."
"Edi mas maganda makakapagpahinga agad tayo pag-uwi."
Sabay taas-baba ng kilay nito. Natawa nang bahagya si Lavender sa kapilyuhan ng kanyang nobyo.
"Huwag mo akong matingnan ng ganyan susundutin ko iyang mata mo."
"Your majesty, napakabrutal mo naman."
"I'm no longer married to the king of Britain. Stop treating me like I'm still the queen unless gusto mo pa rin maging kabit lang?"
"Why not? You're my queen to begin with."
"Leche ka ang corny mo!"
"Ano kaya kung magpakasal na tayo?"
"Huwag ka ngang magmadali riyan gusto ko pa maging ganap na abogada."
"Nakakaselos naman bakit nagpakasal ka agad kay William?" May tampong wika ni Flame.
"I have my reason," ani Lavender.
"tss"
Madilim pa ang kalangitan dahil alas tres pa lang ng madaling araw ang lipad nila pabalik sa Pilipinas. Sinabi naman nila na dadalo sila sa kasal na gaganapin mamayang alas sais. Hindi alam ng mga ito na madaling araw pala sila darating.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AcciónHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...