FF#14: Savior (Zae)

61 19 33
                                    

3rd Person's POV

Malaki ang pasasalamat nila dahil wala namang napahamak sa nagdaang mission. Ayon sa kanilang boss ay magpagaling muna sila. Ibig sabihin ay hindi muna sila bibigyan ng misyon. Pokus muna sila sa pag-aaral masyado na ring lumalayo ang talagang pakay nila ay ang Mirai ngunit tila wala silang makita.

"Mauuna na ako mga sistah," paalam ni Clyde.

Nagkatinginan silang apat at mukhang iisa ang nasa isip nila, kakaiba ang sigla ng kaibigang si Clyde.

"Una na rin pala ako may pinapasundo si mommy sa airport," sumunod na paalam ni Kely.

Sabay-sabay silang tatlo nina Sofia, Lavender at Zae na tumungo sa Mirai. Hindi napansin ng dalawa na nag U-turn pala si Zae, ang akala nila ay nauna na ang dalaga. Sa isang flower shop huminto si Zae. Pinili niya ang santan dahil iyon ang paborito ng kanyang kakambal. Sinikap niyang hindi malagasan ni isa ang petal habang siya ay nagmamaneho.

"Kumusta ka na?"

Sabay pumatak ang kanyang luha. Lumuhod siya at dahan-dahang inayos ang bulaklak. Nagsindi siya ng kandila at pinagdasal ang namayapang kakambal hanggang ngayon ay pinagsisihan pa din ng dalaga ang nagawa sa kapatid. Pinangako niya sa sarili na babawi siya sa kakambal kahit pa kapalit ang sarili niyang buhay.

Pinasya niyang huwag na tumuloy sa klase. Sa mga oras na ito mas pipiliin niya na ang oras na kasama ang kakambal. Tiyak niyang malulungkot ito dahil wala man lang nakakaala-ala na dalawin siya sa kanyang death anniversary.

Tatlong taon na ang lumipas...Tatlong taon na naiwang mag-isa ang dalaga.

Tatlong taon na ang tanging naghahari ay kalungkutan at pagsisisi.

Natuyo na ang luha at wala nang maiipiga pa. Nakatulala sa kawalan lumipas ang ilang sandali umihip ang malamig na hangin na yumayakap sa kanyang pagkatao at siya'y hinele nito. Humiwalay ang kanyang kamalayan, tumungo ito sa lugar na kung saan nakayuko at hinihintay siya ng kakambal.

Tinawag niya ito, tumingin ang binata. Ngumiti ngunit tumalikod ito at lumakad palayo kasama ng mga taong walang mukha. Sinubukan niyang habulin ang anino ngunit tila hindi siya nakakalayo. Nabibingi siya sa naririnig na sigaw, sinubukan niyang hanapin ang pinagmumulan ng boses.

Nanghihingi ito ng tulong at tila pinasasakitan ito. Pumikit siya at sa kanyang pagdilat ay nakakapit sa kanyang paa ang nakahandusay na katawan ng binata duguan. Nakatingin ito ng masama sa kanya. Pilit na inaabot ang kanyang kamay.

"Ne...ne.. gising na nalubog na ang araw dilikado na sa daan."

Bahadyang nagulat ang dalaga. Agad siyang napaayos ng tayo at yumuko sa supoltorero. Inabutan niya ng 1000 ang matanda. Nagpasalamat siya dahil inaalagaan ng matanda ang puntod ng kanyang pamilya. Bago tuluyang umalis ay nag-iwan siya ng whisky sa puntod ng ama, cotton candy naman ang sa ina.

Mag-isa na lang siya sa buhay dahil walang kamag-anak ang kumikilala sa kanila. Tinakwil ng sarili niyang lola ang ama ng magpakasal ito sa kanyang ina. Sa huwes lamang ikinasal ang mga magulang niya.

May personal na galit ang pamilya ng ama sa pamilya ng kanilang ina kesyo hindi sila magtatagal dahil gold digger ang ina.

Gayunpaman hindi nagpatalo ang kanyang magulang nagpakalayo-layo sila at nagsama habambuhay dahil kahit na naunang pumanaw ang ina sa panganganak sa kanilang kambal ay nanatiling tapat sa sinumpaan ang ama hindi na ito nag-asawa pang muli.

Isinubsub nito ang ulo sa pagtatrabaho, bumagsak ang katawan ng ginoo hindi man nito gustuhing iwan ang mga anak. Natatandaan niya noon sa edad ni Zae na 14 ay pumanaw ang kanilang ama. Kakabit ang kalungkutan binagtas niya ang daan pabalik sa condo kung saan kahit papaano nararamdaman niya may tahanan siyang inuuwian.

May pamilya siyang nakakasabay kumain, may pamilyang handa siyang protektahan. Si Kely na kwela at kalog, si Clyde na mahilig mambara, si Lavender na topakin, at si Sofia na bookish at pinaka kalmado sa lahat.

Sobrang nagpapasalamat siya dahil binawi man sa kanya ang tatlong taong pinahahalagahan niya ay may kapalit naman.

Napansin niya na pumapagak ang motor. Tumigil siya sandali sa malapit na gasoline station upang magpa-gas. Bumaha ng sunod-sunod na missed call mula sa mga kaibigan niya. Malamang na nag-aalala ang mga iyon ni hindi man lang siya nakapag-iwan ng mensahe. Agad niyang tinawagan ang landline ng kanilang unit. Nasagot ito ni Sofia ipinaalam niya na ayos lang siya at pauwi na.

Wala ng traffic sa daan dahil diyes oras na nang gabi. Madilim na ang ilang bahagi ng daan ngunit malinaw na dumaan ang isang puting van at natangay nito ang isang dalagang naghihintay ng masasakyan.

Mag-isa lamang ito nakatayo sa gilid ng poste. Saktong napalingon siya sa bahaging iyon. Hindi na siya nagdalawang isip na sundan ang sasakyan hindi niya agad pinutukan ang gulong ng sasakyan hinintay muna niyang mapadaan iyon sa bahaging hindi nasasakop ng CCTV.

Nabutas ang isa nitong gulong bumaba ang isa sa tauhan. Bumulagta ng tamaan ng malakas na sipa. Nakatunog ang isa pa nitong kasamahan lumabas din ito. Hinintay muna ng dalaga na magawi ang armado sa bandang likuran ng sasakyan bago niya ito hinila at pinatulog sa lakas ng suntok.

Ang panghuli ay may hawak na baril ngunit bago pa nito mahawakan ang gatilyo ay nasipa na ng dalaga ang kamay nito tumilapon ang baril.

Nilumpo niya ang binata tinungo niya naman ang nanginginig na driver ng van. Inutos niyang pakawalan ang biktima, sumunod naman ito.

Wala pa ring malay ang biktima. Binuhusan niya ang dalaga ng mineral na tubig na nakita lamang niya sa loob ng van. Naalimpungatan ang babae, napatili ito sa gulat.

"Shut up and call a cop," walang emosyon niyang utos sa babae.

Nakahuma ang babae, tumawag muna ito sa kasintahan bago tumawag sa pulisya. Naunang dumating ang boyfriend ng dalaga, Alalang-alala ito sa kasintahan. Napairap na lang sa gilid ang dalagang nagligtas, naiirita siya sa kadramahan ng dalawa. Naalala ng dalawa na magpasalamat sa kanya hindi siya kumibo bagkus ay umangkas na siya sa motor.

Aniya ay bahala na sila magpaliwanag sa pulisya.

Ibig magalit ng dalawa sa tagapagligtas. Ngunit mas naisip nilang malaki ang utang na loob nila sa taong iyon na hindi man lang nakilala ni Claire dahil ni hindi naman niya nakita ang mukha ni Zae.

Sa kabilang banda ay kilala ng binata ang pinagkakautangan ng buhay ng kanyang kasintahan. Kahit hindi man nito inalis ang suot na helmet ay nakilala niya ang plate number ng motorsiklong gamit.

Nasa isip ni Marc na kailangan niyang bumawi sa kagandahang loob ng dalaga. Lihim na napangiti ang binata, humanga siya sa tapang ng dalaga. Una pa lang ay may kakaiba nang karakter ang dalaga hindi niya maitatanggi na ang cool ng dating ng dalaga para sa kanya.

Hindi naalis ang kanyang tingin sa kung saan dumaan si Zae. Kahit pa wala na roon ang dalaga ay parang nakikita niya pa ang astig na presensya nito.

 Kahit pa wala na roon ang dalaga ay parang nakikita niya pa ang astig na presensya nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon