FF#27: Who's the real Mr. black?

34 15 33
                                    

3rd Person's POV

Naagaw man kay Sofia ang camera tanda pa rin naman niya mukha ng tinatawag na Mr. black. Isa pa sa problemang kailangang lutasin ay kung sino ang balasubas na nakainkuwentro niya ng oras na iyon? Ano ang motibo ng taong iyon?

Napabuntung hininga siya ng panandalian, iwawaglit niya muna ang alalahaning iyon sa ngayon ay kailangan niya na ituon ang atensyon sa pag-aaral. Mahalagang maibalanse ang buhay bilang estudyante at bilang Spy at hit-woman.  Sa huli ang kailangan niya ay diploma, bonus na lamang kung malulutas ang problema sa pagkamatay ni Sophie.

Ayon naman sa napagkasunduan ay mananatiling sekreto ang pagkatao ng bawat isa at makakapamuhay sila ng naayon sa naisin ng bawat isa.

Malaking tulong talaga ang mommy ni Kely napakabait nito bilang boss. Lahat ng pangangailangan nilang magkakaibigan ay ito na ang nagbibigay, kapalit ng tapat na serbisyo na kung tutuusin ay may pakinabang din silang makukuha. Tinutulungan sila ng kanilang boss na lutasin ang mga kwestyon na lipana sa kanilang isipan.

Nauunawaan nila na mahirap matukoy ang mga taong kasangkot lalo na kung totoong bigating grupo ang may gawa, malinis at marami ang kapit nito kung kaya't hindi agad nahuhuli.

"Mag-iingat kayo girls mukhang hindi lang isa ang kaaway natin," paalala ni Lav.

"Sangayon ako," ani Sofia.

Gaya ng dati tikom lamang si Zae ngunit tila may kakaiba sa kinikilos nito, may kakaiba hind nila mawari kung ano ang nagbago sa kanya.

Parang hindi na ito ang Zae na nakakasama nila.

Parang hindi na nila ito kilala.

Kilala nga ba nila ang isa't - isa?

Lumilipad sa malayo ang isipan ni Sofia. Habang naglalakad hindi niya na namalayan na may nabunggo na pala. Humingi agad siya paumanhin dahil tumama ang balikat niya sa ibabang bahagi ng balikat ng gurong si Harsce.

Tinapunan siya ng tingin ng guro,  mula ulo hanggang paa, hindi kanais- nais ang nararamdaman niya ng oras na iyon.  Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin ng ginoo. Imbes na magalit ay nagpatuloy na lamang si Sofia sa paglalakad.

Hindi pa siya nakakalayo masyado, nagpasya siyang na lingunin muli ang guro. May napansin siya na letrang nakapaikot sa batok ng ginoo ngunit hindi niya naman maintindihan kung anong nakasulat bukod sa bahagyang natatakpan ito. Palagay niya ay may kung anong nakadrawing sa gitnang bahagi.

Bahagyang nagulat siya sa biglang kalabit ng bagong dating na si Tristan.

"Ms. Swift?"

Lutang ang isipan niya kaya hindi niya napansin na nakalapit na pala si Mr. Topaz.

"Ikaw pala sir, Good morning po."

"Bring this folder 'wag mo tingnan that will be your activity for today."

"Kala mo sa'kin?" Pabulong na sabi ni Sofia.

"May sinasabi ka ba?"

"huh? Kako may iba pa po ba?"

"You can go first may kukunin lang ako sa office pagpasok ko kailangan nasa table ko na yung previous activity."

"Noted, sir."

Kung hindi niya lang kailangan mapalapit at makapasok sa opisina, hindi niya naman tatanggapin ang maging assistant ng lalaking ito. Hindi sa naiirita siya sa presensya ng guro, siguro dahil sa hindi magandang background nito bilang cassanova.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon