Marc's Pov
Sa edad na 19 ay graduate na ako ng college hindi kasi ako inabutan ng first batch ng K-12 curriculum. Kaya maaga rin akong naging lpt.
Senior na nga pala ang hawak ko ngayong taon. Sa limang taon kong pagtuturo ay kota na ako sa isang taon sa first year higschoolers at tatlong taon na puro sakit ng ulo na dulot ng mga immature na freshmen student. Siguro naman dahil seniors na ay hindi na sila magiging sakit sa ulo.
"Hon, kain ka na muna," aya ni Claire.
"Later, Hon."
"Pinagluto pa naman kita."
"I have a class to attend."
"Okay. Babye na nga dumaan lang ako para dalhin tong niluto ko hoping na kakainin mo," saad ni Claire.
"I'm really sorry, 'Hon bawi ako next time."
"Hatid mo na nga ako sa office." Utos ni Claire.
Inihatid ko ang girlfriend ko sa banko kung saan isa siya sa bank teller. Bago siya pumasok ay hinalikan niya ako sa pisngi.
Oo clingy si Claire pero hinahayaan ko na lang, doon siya masaya. Hindi ko nga alam kung paanong natiis niya ako ng dalawang taon kahit na hindi ko kayang sakyan ang pagiging sweet niya. Sa totoo lang siya ang nanligaw sa akin hindi sa pagyayabang ang totoo niyan hindi ako marunong manligaw.
Tahimik lang talaga akong tao ni hindi ako nageeffort para makipagusap dahil mas gusto kong walang kausap. Pero nang dumating si Claire sobrang jolly niya nahawa na ako sa pagiging madaldal at alive niya.
Nakakatuwa siyang kasama kahit madalas na wala akong sinasabi alam naman niya na mahal ko na siya. Noong una tumango lang ako sa pangungulit niya, dahil nga ayoko ng gulo at naiirita ako sa tuwing may nangungulit pumayag ako at heto nga magtatatlong taon na rin naman kami.
Dahan-dahan lang ang pagmamaneho dahil pa u-turn na kailangang makakuha ng tamang tyempo. Bigla na lang may rumaragasang motorsiklo ang sumingit sa gilid ko. Nabasag ang kaliwang side mirror ko samantalang natumba ang motor at ang nagmamaneho nito.
Binuksan ko ang kaliwang bintana para silipin kung sino ang pusakal sa kalye. Base sa hubog ng katawan babae ito, hindi naitago ng itim na free size shirt nito ang ganda ng hubog ng katawan.
Pinagiisipan ko kung lalabas pa ba ako ng kotse o pababayaan na lang siya. Nagulat ako ng may nakalukot na papel ang tumalipon mula sa labas ng bintana at ang huling nakita ko ay ang plaka ng motor nito, bago tuluyang mawala na parang bula.
Ang huling naiwan ay alikabok at usok na sumaboy kasabay ng hangin.
Pinulot ko ang papel at napagalaman ko na calling card pala iyon na nilamukos. Napailing na lang ako akala ba niya pagbabayarin ko siya sa damage?
Pero sa kabilang perspektiba kung gusto niyang tumakas sa responsibilidad ay hindi na sana siya nagbigay ng numero niya.
Anyway tinatamad ako makipag-usap papaayos ko na lang mamaya.
Matapos maparada ang kotse ay lumakad na ako palabas ng parking area. Napansin ko ang isang pamilyar na motor at nang tingnan ko ay tugma ang plaka nito sa insidente kanina lang.
Nasaan kaya ang may-ari ng motor bike na iyon?
Nasaan ang raskal na sumira ng side mirror ko?!
Hindi ko na lamang inintindi. Kasalukuyan akong nasa department office, tumawag si Claire para ipaalala ang bento ko. Which is hindi ko alam na ipinasok pala niya sa likod ng kotse kaya naman napilitan akong bumalik sa parking area.
Palapit na ako sa Xperia napansin ko na hindi lang pala ako ang narito.
Tahimik akong lumapit sa dalagang nakatalikod. May kung ano talaga sa akin na gustong alamin kung sino ang astig na babaeng ito.
Kinalabit ko siya at nagulat ako nang bigla niya akong gamitan ng aikido gayong wala naman akong ginawa. Napaluhod ako sa sakit.
Nakalock ang kamay ko at may nakaabang sa bandang leeg ko.
Hindi ko akalain na may gantong klase ng babae —nakakatakot!
"f*ck papatayin mo ba ako?!"
Sa wakas inalis niya na ang siko niya sa bandang leeg ko kahit papaano ay okay na rin.
"Ayaw ko tumawag ng disciplinary I just want to ask Ouch!...this!"
Kung alam mo lang professor ako hindi mo magagawa sa akin ito. Sino ba itong babaeng ito?
Isa kaya siya sa lipana na mga fraternity? Kung gayon kalaban siya ng eskwelahan.
Ipinakita ko sa kanya ang lukot na papel, nakatingin lang siya sa akin na para bang nabobored siya sa pagpapahirap sa akin.
"Sinisingil mo na ba ako?"
"So, ikaw nga ang bastos na estudyanteng hindi marunong sumunod sa trapiko."
Kung tutuusin marunong din naman ako ng combat aikido kaya lang ay ayoko manakit ng babae. Binitiwan niya agad ako nang marinig ang grupo ng kababaihang papasok. Nakatayo na ako nang maayos at naipagpag ko na ang aking damit bago pa magawi sa amin ang mga ito.
"I'll pay after my class," anas ng maangas na si Zae.
"Miss!"
Isang huling matalim na tingin ang iniwan niya bago tuluyang lumakad palayo.
Napailing na lang ako ansakit pa rin ng balikat ko grabeng babae iyon. Sa susunod iiwas na ako baka resbakan ako ng mga gangmates. Hindi sa naduduwag mas maigi lang na umiwas sa gulo para sa mas tahimik na buhay.
"Good morning, class!"
Binati rin nila ako pabalik pero syempre hindi na kailangang tumayo pang secondary level lang iyon. Bago ako magsimula ay napalingon ako sa pinto dahil sa iilang estudyante ang napadaan sa corridor napakaingay. Kung makapagbungisngis parang nasa palengke, inis na inis talaga ako sa mga maiingay lalo pa't nasa public place.
Nahagip ko ng tingin ang nakaupo sa unahan sa gilid ng pinto, nagtama ang paningin namin. Nagulat ako at the same time kinabahan ako siguro dahil naalala ko ang aikido niya sakin kanina. Napahawak ako sa balikat ko na halos mabali. Hindi man lang nasindak ngayong alam niya na professor niya ako, kung makatingin wala man lang emosyon.
Isa-isa ko na tinawag ang mga apelyedo nila mula sa index card na pinasa nila. Ang pinakahuli ay si Ms. Scarlette Zae Lakspur.
Nagdiscuss ako saglit dinismiss ko rin naman sila 30 minutes higit na maaga sa totoong oras ng dismissal. Hinintay ko muna na makaalis ang lahat upang masiguro na wala nang naiwan. Sa lahat ng ayoko makita ay siya ring nagpaiwan. Kapag ako hindi nakatiis tatamaan sa akin itong amasona na ito.
Talagang sinusubukan ako, isang hakbang na lang at makikita mong hinahanap mong babae ka!
BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AzioneHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...