FF#13: Hidden enemy (extra chapter)

57 18 26
                                    

Dumagundong ang boses ng superyor sa galit at pagkadismaya. Naungasan na naman sila at hanggang ngayon ay hindi pa rin natitimbong ang mga nagpapatakbo ng illegal na droga.

Tunay ngang mahigpit na ang labanan sa bentahan ng illegal na gamot sapagkat sila-silang magkasusyo ang siguradong naglalaglagan at nagpapatayan. Nakatago sa alyas na Alucard ang namumuno sa nasabing grupo ang mga tauhan rin ay gumagamit din ng alyas upang protektahan ang kani-kanilang sarili.

"Sinasabi mo bang hawak mo na ang attache case nang mga sandaling iyon???" Ani superyor, nakatago sa pangalang alyas Alucard.

"Oo, pero naagaw sa akin magaling ang isang yun at kamuntik pa akong mabaog sa lakas ng sipa," sagot ng tauhang alyas Zilong. Naiinis pa rin ang binata sa tuwing naaalala niya ang pangyayaring iyon.

"Bueno alam mo ba kung gaano kalaki ang nawala sa atin dahil sa kapalpakan mo?"

"Alam mong hindi ko gusto ang trabahong ito kaya wag mo maisumbat sa akin ang kapolpolan na nangyari."

Palatak na lumabas ng opisina si Zilong pilit na pinakalma niya ang sarili kahit ang totoo ay kumukulo na ang dugo niya sa galit. kung hindi lamang sa isang tao ay hindi niya papasukin ang ganitong klase ng trabaho.

Hindi ito ang pinangarap niya para sa sarili ngunit ayaw niyang maging makasarili. Gusto niya ang tahimik at simpleng buhay ayaw niya ng putok ng baril at mas lalong ayaw niya ang mga katawan na hahandusay mismo sa kanyang harap.

Napadaan siya sa isang pampublikong cr, sa harap ng salamin pilit niyang kinilatis kung siya pa nga ba ang nasa loob ng katawang iyon.

isa...dalawa... tatlo kulang ang tatlong tilamsik upang linisin ang mga bagay-bagay at maging ang pagdaloy ng tubig sa kanyang kamay ay hindi malilinis ang bahid ng kasalanang nagawa niya.

Nagpasya na lamang siyang umuwi sa kanyang tahanan. Buong araw na hindi siya lumabas pakiramdam niya ay nararanasan niya ngayon ang pagiging 'emotionally drained'

mamaya pa ay nagring ang kanyang telepono.

Inaaya siya na kumain sa labas ng isang dalagang nagngangalang layla, hindi accurate ang pagkakatanda niya basta ang alam niya ay isa ito sa kanyang pinagkakaabalahan. Napabuntong hininga siya bago pumayag wala naman din siyang gagawin sa buong araw maigi pa maglibang na muna siya.

Puting V-neck shirt at khaki pants na tinernuhan ng puting nike shoes ang suot niya. Sa starbucks nais ng babae makipagkita kaya naman pinagbigyan niya na ito. Pagkapasok pa lang niya ay kumaway na ang babae nakakapagtakang hindi niya maalala ang mukha ng babae gaano na ba katagal ng huli niya itong makita?

"Namiss kita grabe isang buwan din tayong hindi nagkita, baka naman may ibang babae ka na?"

Umiling na lamang ang binata saka hinalikan sa noo ang dalaga bago tuluyang umupo sa upuang katapat. Habang nagkukwento ang dalaga sa mga nangyari sa kanya netong nakaraang buwan ay kunwari namang nakikinig ang binata.

Pasimple na lamang na lumilingon sa ibang deriksyon ang binata sabay babalik naman ang tingin niya sa dalaga upang hindi mapansin na hindi naman talaga siya nagbibigay ng atensyon sa bawat sasabihin nito.

Paano nga ba niya naging nobya ang babaeng ito?

Ayaw niya sa lahat ang madaldal ngunit ayaw naman niyang maging bastos kung puputulin niya sa pagkukuwento ang dalaga halata namang nasisiyahan ang babae at ayaw niyang sirain iyon. Kailangan niya na mag-isip ng dahilan para pormal na makipaghiwalay na hindi masisira ang kanyang dignidad.

Hindi na niya matiis kaya naman nagpaalam na lamang siya na magpupunta lang sa palikuran. Papalabas na siya noon ng may makasalubong siyang lalaki masama ang tingin nito sa kanya napailing na lamang siya.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon