3rd Person's POV
Gayak na ang lahat at akmang aalis na silang lima nang biglang sabay-sabay nilang matanggap ang mensahe na hindi matutuloy ang misyon. Nakatunog ang kabilang grupo kung kaya't tityempo ito ng pagkakataon. Kailangan sa mga oras na iyon ay naroon silang bataan ni lady boss.
Kailangan hindi sila pumalpak sa bawat misyon sapagkat nakasalalay dito ang buhay ng nakararami. May bakas ng pagkadismaya dahil sa naunsyaming aksyon sana, na panigiradong naganap kung natuloy lamang.
Kanya-kanyang panhik sila sa kanilang silid. Balik sa kanilang gawain.
Naunang pumanhik si Lavender, pinagpatuloy ang pagkakabisa ng mga seksyon ng saligang batas. Sabay naman na pumanhik si Zae at Kely. Nagpasyang matulog ang una samantalang magpupuyat sa panonood ng k-drama ang huli. Kahit na may edad na ay nahuhumaling pa rin sila sa oppa.
Sumunod naman si Clyde, pagkapasok ay humalik agad ito sa kanyang unan hindi para matulog kundi para matulala sa kawalan. Naiwan mag-isa si Sofia, lumabas ang dalaga upang maglakad-lakad. Upang sundan ang mga tala at damhin ang malamig ngunit maruming hangin ng kamaynilaan.
Habang naglalakad ay natanawan ni Sofia ang pamilyar na bulto, si Mr. Topaz. May kasama itong magandang babae. Nakasandal ang mga ito sa kotse, tahimik at nakatingin sa alapaap na naiilawan ng makikislap na anak ni haring araw at buwan. Hindi niya na tinapunan pa nang pansin ang mga ito, pakealam naman niya sa buhay ng kanyang guro.
Bakit nga pala narito malapit sa vicinity nila ang guro? Hindi kaya sa malapit lang ito nakatira?
Naalala ni Sofia na naiwan nga pala niyang nakasaksak ang kanyang cellphone tinakbo niya ang daan pabalik sa condo, halos pasira na ang elevator mabuti na lang at mabait ang ginoong sakay nito, naagapan pa nito ang pagsara.
Nagpasalamat siya sa ginoo, ngumiti lang ito. Saka lamang niya napansin na ang ganda ng ngiti nito, kahit na kabilang pisngi lamang ang may biloy. Pamilyar sa kanya ang ginoo para bang nakita na niya ito sa Mirai. Sa sobrang pagkahulog niya sa pagiisip ay namalayan na lamang niya na mag-isa na lang siya sa elavator.
Pagkarating sa unit nila ay hinanap niya agad ang cellphone. Matapos bunutin ito sa pagkakasaksak ay umakyat muna siya sa rooftop ng condo.
Ewan ba niya hindi siya dinadalaw ng antok mamaya pa siya babalik sa unit. Ipinahinga niya ang kanyang ngawit na binti. Isinandal ang likod sa upuang pinasadya upang magsilbing pahingahan ng mga nagookupa sa condo.
Tunay ngang masarap tanawin ang kulisap ng bituin habang namamahinga sa roof top ng condo. May bahagyang panghihinayang nga lamang ang dalaga. Mas masisiyahan siyang lubos kung may libro siyang nababasa habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Hindi napansin ni Sofia na naiwan na pala siyang magisa sa rooftop. Nauna nang bumaba ang apat na taong kanina lang ay kasama niya. Isang anino naman ang kasalukuyang nakatayo sa kanyang ulunan. Tumingin muna ito sa paligid upang masigurong walang tao.
Idinantay ng anino ang kamay sa balikat ng nakatulog na dalaga. Unti-unting naramadaman ni Sofia na may marahang tumatapik sa kanya at nang magmulat siya ay mukha ng pamilyar na lalaki ang nabungaran niya.
Humingi ng tawad ang binata sa paggising niya sa dalaga, nagalala ito na baka binabangungot ang dalaga. Naulinigan niya kasing humihikbi ito ng mapadaan siya sa pwesto ng dalaga.
Ngiti lang ang tugon ng dalaga, wala sa sariling tumayo. Walang lingon-likod ay naglakad siyang palayo...pabalik sa unit.
Mag-isa lamang siya sa elevator, nakatulala at inaalala ang dahilan ng paghikbi. Kasabay nang pagkirot ng kanyang puso ang pagbukas ng elevator.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AcciónHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...