3rd Person's POV
Bumungad agad sa balita ang kaso ng mga babaeng nawawala. Nakakaalarma dahil palala nang palala ang krimen sa mundo. Kasabay ng paglubo ng kahirapan ang pagkalat ng masasamang loob na handang sumira ng buhay ng iba.
Nakakaalarma ang mabilis na pagkalat ng karumihan, tila ito itim na usok na kayang bumalot sa kalangitan. Tila ito basura na kayang pumatay sa dating sigla ng malinis na katubigan.
Saan ba nagmumula ang krimen? Sino ba ang dapat sisihin sa pagkalat ng krimen?
Sinasabing kahirapan ang puno't dulo ng mga krimen. Saan nga ba nangagaling ang kahirapan? Sino nga ba ang dapat sisihin?
Marami pang katanungan sa isip ni Sofia ang hindi mabigyang kasagutan. Gaya ng pagkamatay ng kanyang kapatid, hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may sala.
Para siyang bulag na nangangapa sa dilim. Impossible man na masupla niya ang kriminal ay nanalig siya na magkakaroon ng divine intervention at lahat ng paghihirap niya ay masasagot. Pinangako niya sa kanyang ate na makakamit din nito ang hustisyang pilit niyang hinuhukay mula sa kailaliman ng lupa.
Makababalik lamang siya sa Japan kung mangyari man maibaon na sa lupa ang mga damuho kasama nang madumi nilang pagkatao. Gigil niyang pinupunasan ang basyo ng baril. Gigil siya sa tuwing naalala niya ang sinapit ng kanyang matandang kapatid na hindi man lang niya naabutan ang huling hininga bagkus ay isang malamig na bangkay ng maiuwi sa kanila.
Hindi na siya nagdalawang isip pang lumipad patungo sa bansang nabubulok, sumisingaw ang kabuktutan ng gobyerno. Nangingibabaw ang ngipin ng batas na hindi nahasa ng maigi, maluwag, tila asong ulol na hindi alam kung kanino ikakawag ang buntot, hindi tiyak kung kanino tatahol.
Isinukbit niya sa bulsa ang baril, pinalipad ang kahabaan ng Magallanes road gamit ang motor patungo sa lumang gusali. Nakabaon na naman sa lupa ang isang parte ng kanilang paa. Sa bawat misyon nila laging larawan ng kanyang kapatid ang nakikita niya. Hindi siya naniniwalang ito mismo ang tumapos sa sariling buhay. May iba pang rason at iyon ang aalamin niya.
Bago pa magkapalitan ng pera at illegal na parapernalya ay naunang pinutukan ng kabilang panig ang carrier ng droga. Hindi agad nakadepensa ang mga body guard nito kaya naman dalawa na lamang sa anim na body guard ang natira. May tama na ang mga ito sa balikat.
Nagkagulo ng biglang may punlong tumama sa isang bodyguard ng buyer.
'Anong nangyayari? Wala ito sa plano!' Giit ng utak ni Sof.
Alam niyang hindi lang siya ang nagulat kundi ang buong grupo.
Ang grupo nila ay hindi inaasaahan ang naganap. Walang ibang tao sa paligid hindi nila malaman kung sino ang panibagong kalaban, gayunpaman nagsimula na rin silang kumilos.
Ang bilin sa kanila ay kunin lamang ang droga. Pagkatapos ng misyon na ito ay maari silang magpahinga ng isang buwan at sa pagbabalik nila ay itutuon na lamang sa Mirai ang sentro ng pagsisiyasat.
Agad na nakasakay ng kotse ang buyer sa ilalim ng proteksyon ng sampung armadong body guard. Naiwan ang walo na nakikipagpalitan ng putok kina Clyde. Kasama naman ng buyer ang dalawa pa malamang gagamitin itong pansalag.
Ganiyan katuso ang mga drug lord, kaya nilang gamitin ang kasama nila na parang isa lamang kalasag at pagkatapos ay itatapon at papalitan lamang ng bago. Sa mga gaya ng drug lord ay malabong maintindihan nila ang bigat ng awa, dahil walang ibang laman ang kanilang utak kundi pera at pagsalba sa sarili.
"Putragis!"
Bulalas ni Sof sabay sinundan ang sasakyan, wala siyang pakialam kung saang impyerno pa sila mapunta o makarating. Ang alam niya lang ay kailangan niyang makuha ang bagay na iyon. Hindi maaring mawala sa paningin niya ang sasakyan. Pasirko-sirko ang takbo niya, sobrang tulin at nakakatindig balahibo. Iniiwasan niya na matamaan ng bala mula sa dalawang ulupong. Hindi lang pala siya ang humahabol katunayan ay nagaagawan sila ng isa pang nakamotor.
'D'Pota sino naman kaya ang epal na ito?'
Malayo na ang narating nila, Nagkandabuhol na ang pagmamaneho ng driver sumalpok ang sasakyan sa kakahuyan. Nasawi ang dalawang tauhan at driver. Samantala, sugatan at walang malay ang may ari ng sasakyan.
'Buhay pa ang animal! Tsk! Masamang demonyo talaga ay matagal mamatay.'
Nadanggil ang kanyang motor dahilan para mawalan ng balanse. Nawala sa konsentrasyon ang isa pang motor, gaya niya ay sumimplang din ito. Nagpaunahan sila sa pagtayo, nagkukumahog hagilapin ang isang lumang attaché case.
Una muna ay nagtinginan, kapwa nakasuot ng itim na oklahoba upang itago ang tunay na pagkatao. Sabay na napatingin sa attaché case at muling nagkatitigan, mas matagal at walang gustong magpatalo sa talas ng pangungusap ng kanilang mga mata gayundin naman ang kanilang kamay na tila walang gustong bumitaw sa hawak.
Walang gustong magparaya, lahat ay may pinaglalaban.
Nang hindi makatiis ay sabay nilang dinukot ang dalang baril, itinutok ito sa isa't-isa at parehong hawak ang gatilyo. Imbis na iputok ay ipinukpok lang ng binata ang punlunan dahilan para mabitawan nang dalaga ang attaché case. Agad na tumakbo pabalik sa motor ang binata.
Bago pa man maitayo ang motor ay hinabol ito ni Sofia at pinatid niya ito. Nawalan ng balanse at muntik pang humalik sa aspalto ang nakaaway niya. Magaling ito nagawa ng estranghero na kontrolin ang sariling timbang sa pamamagitan ng paglambitin sa ere. Kamuntik nitong maibalya sa ere ang hawak.
Sa galit ng dalaga ay nakipagbuno ito ng karate sa kaaway. Nahirapan siyang depensahan ang sarili. Magaling ang kalabanan kaya ng minsan makita niya ang oportunidad ay sinipa niya ang ibabang bahagi ng binata. Halos mapaluhod sa sakit ang kalaban. Agad namang umarangkada si Sof tangay ang attaché case at tanging usok lamang ng bumulusok na motor ang naiwan.
"Ang walang hiyang iyon! Bwesit sya! Bugbug ang inabot ko. Magdasal lang siya na hindi na kami magkita pa ulit dahil pipilayan ko siya ng tuluyan." Galit na galit na reklamo ni Sofia habang iniinda ang sakit ng katawan.
"Son of a bitch! Mahuli lang kita uubusin ko lahi mo." Gigil na sigaw ng binata ngunit hindi na ito narinig ni Sofia dahil nakalayo na ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AzioneHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...