FF#30: His everything (extra chaptie)

31 11 32
                                    

Clyde's POV

Wala naman masakit sa katawan ko, kaya agad naman akong nagtungo sa hospital. Pagkarating ko sa kwarto kung saan namalagi ang iba pang kababaihan na nadukot ay may dalawang pulis na nakabantay sa labas.

"Ano po ang pakay niyo sa loob?"

"I need to check Addy's condition."

"kaano-ano nyo po ba ang biktima?"

Sasagot pa lamang ako ng may biglang baritonong tinig ang nagsalita. Sabay  pa kaming napalingon ni manong pulis sa bagong dating na si Juslin.

"Pamangkin namin, now if you'll excuse us." Sabay abot nito ng isang valid I.D at isang recent I.D ni Addy.

Napataas ako ng kilay ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, hinatak niya ako papasok sa loob. Pagkapasok ay napahinto muna kami para hanapin ang chamber ni Addy. Nakapagtataka hawak pa rin niya ang kamay ko. Baka nakalimutan niya na hawak niya pa rin ang kamay ko, dala ng bigla at pag-alala siguro para kay Addy.


"TITA!!!" Sigaw ni Addy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"TITA!!!" Sigaw ni Addy.

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig, sa bandang dulo ay may nakahigang babae kakaalis lang ng pagkatalukbong nito ng kumot.

"Addy!!" Excited na wika ni Juslin

Agad itong lumapit kay Addy sa pagkakataong ito ay binitawan na niya ang aking kamay, samantalang nakasunod lamang ako sa likod niya. Hinalikan niya ang noo ni Addy, banaag sa mukha ng binata ang sobrang pag-aalala sa pamangkin na tinuring na nitong anak. Kahit naman ako ay labis din ang pag-alala kaya naisugal ko kahit ang aking sariling buhay. Napamahal na rin sa akin si Addy kahit sa maikling panahon hindi ako papayag na mapahamak ito.

Lalayo lamang ako sa bata kung ito mismo ang magtulak sa akin palayo o kung hindi naman ay kung mag-asawa na ang tiyuhin nito, tiyak hindi na ako kailangan kumbaga magkakaroon na ito ng legal na tita.

"TITO!!! hu!hu!hu! Takot na takot po akooo lagi niyo na po ako samahan tito ayoko na maiwan mag-isa."

Napahikbi sa trauma si Addy sobrang naawa ako,nagaadjust pa lang ito mula sa huling naranasang dahas dahil sa ex-boyfriend nitong adik ngayon naman ay panibagong trauma na naman. Masyado itong inosente hindi gaya niya na dilat na ang mata sa kasamaan ng mundo.

"Tell me what happened?"

"Naglalakad lang po ako sa may likuan tas may nakita akong nagyoyosi na guy na sumusunod sakin tas nakita ko po si Tita clyde, kumaway po ako sa kanya tas tatakbo na sana ako kaso biglang may dumaan na lalaki tas may isa pa ulit may tinakip sa mukha tas hindi ko na alam huling nakita ko na lang po tumakbo palapit si tita kaso may humarang din sa kanya."

"Paano mo pala nalaman na nandito si Addy?" Tanong ni Juslin sa akin.

Anong isasagot ko?

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon