FF#55: Intuition

17 6 2
                                    

3rd Person's POV

Nakapagtapos na silang lahat nakalabas sila ng Mirai na hindi man lang napatunayan ang tungkol sa laboratory. Kahit pa sinabi nila na hahanapin nila ito ay wala talaga silang makuha sa loob. Marahil ay alam ng kanilang aamo na hindi talaga nila mahahanap iyon kaya sila pinahinto na rin kahit pa iyon talaga ang dahilan kung bakit sila nasa Mirai. 

May kakaiba silang pakiramdam na may itinatago pa ang kanilang boss. Pakiramdam nila ay may mali. 

Ngayong buwag na sila ay ano na ang gagawin nila? Hindi na ata nila alam ang mamuhay ng normal parang hinahanap nila ang putok ng baril at ang tilamsik ng dugo nang masasamang nakakaenkwentro nila.

Sa ngayon ay naghahanap na sila ng trabaho.

Si Sofia nagkamabutihan na sila ng mga magulang at nalaman na rin nito ang bunga ng kanyang pagsisikap. Hinayaan na lamang siya na magdesisyon para sa kanyang sarili sa ngayon ay hindi pa niya balak bumalik sa Japan. Siguro susubukan niya munang magtrabaho ng tatlong taon sa pilipinas. Isa pa hihintayin niya na gumaling at bumalik na ang katinuan ni Gian tsaka lamang siya mapapanatag na iwan ito.

Tungkol naman sa kanila ni Tristan nagtuturo pa rin ito sa Mirai at kinukulit pa rin siya ng binata. Seryoso nga kaya ito o baka naman nachallenged lang ang isang iyon sa kanya. Inaamin niya minsan natutukso siya na bigyan ng chance ang binata. Kapag naaalala niya na womanizer ito ay nawawala ang interes niya na subukan. Hindi rin niya nalaman kung bakit umabot sila sa punto ng ligawan. 

Nagkaroon sila ng kanya-kanyang buhay sa susunod na buwan ay aalis na rin sila sa unit. Kahit pa sinabi ng ginang na babayaran nito ang kalahati ng bill para lang magkakasama pa rin sila, hindi nila iyon tinanggap naisip nila na kailangan na nila magkanya-kanya.

Kailangan nilang magpundar ng sarili nilang pag-aari hindi naman matatapos ang pagkakaibigan nila dahil lang sa hindi na sila magkakasama.

Isa silang bulaklak sa hardin kailangan nilang mamukadkad. Darating ang panahon ay malalanta ang ilan ang iba naman ay pipitasin ganoon ang buhay, magkakaiba ang kanilang kinabukasan.

Si Clyde ay nagpapart-time na tutor sa pamangkin ng dati nitong prof.

Si Zae naman ayun pumasok na intern sa isang tv station bilang media staff. Sobrang nagimprove ang communication skill nito hindi na ito masyadong mailap makipag-usap. Pero hindi rin naman ito madaldal ang maganda ay hindi na nito binabalewala kung may nagtatanong man sa kanya. Nitong mga huli napansin nila na medyo may pagbabago na talaga ang dalaga nakakasabay na ito ng pagtawa, nakita na rin nila na mainis ito at magsungit dahil lahat yun sa isang tao. Salamat dahil may isang matiyagang guro ang nagturo sa kanya ng mga bagay na ganoon. Hindi nila sigurado kung anong mayroon ang dalawa basta ang mahalaga sa kanila ay masaya ang kaibigan.

Si Kely naman ay nagiintern sa isang hospital na nirekomenda ng fiancee nito. Nagulat rin sila ng malaman na engaged na ang dalawa ni hindi nga nila alam na may relasyon ang mga ito. Sa araw-araw kasi'y parang aso't - pusa ang mga ito. Si Aldrich ang fiancee ni Kely ay nagaaral ulit para maging neuro surgeon na ito.

Ganito na ba talaga ang buhay nila? Parang nakakapanibago sa pakiramdam.

Parang may kulang...parang may mali. Parang mali na normal na ang lahat, hindi nila mawari kung nagooverthink lamang sila. Pero nararamdaman n nila na may hindi magandang mangyayari. Ang buhay nila ngayon ay patikim lamang.

Hindi sila mapanatag dahil kaya sa misyon nila na hindi natapos? Hindi ba't pinahinto na sila? bakit ba iniisip niya pa rin ang tungkol sa laboratory. Nakalabas na sila ng Mirai wala na silang kinalaman pa sa  kung ano man ang itinatago ng university na iyon.

————————————

Tristan's POV

"May nakatanggap kaming tip na may anumalya ang university na pinagtatrabahuan mo. Wala ka bang napansin na kakaiba?"

"Wala po."

Meron, ngunit hindi ko sigurado.

"Sabagay ano bang aasahan ko sa isang spy na ang puso ay nasa pambabae at pagtuturo"

Hindi ko naman talaga gusto ang magtrabaho bilang agent. Kung hindi dahil sa pakiusap ni ina hindi ko tatanggapin ang trabahong ito. Mas gusto ko na maging simpleng TRISTAN at hindi ang katauhan ni zilong. Pagod na akong ilagay sa alanganin ang buhay. Gusto ko ang tahimik na buhay kasama si Sofia.

"Hindi ko na gagawin ang anumang ipaguutos mo."

"I'm sorry, alam ko namang napipilitan ka lang. Sana naintindihan mo gusto ko na lumakas ka at gusto ko na sundan mo ang aking yapak."

"Dad. Sana naintindihan mo na magkaiba tayo. Hindi ako kasing husay mo sa field na ito. Pagtuturo ang gusto ko hindi ko pinangarap na gumaya sa iyo."

Naiintindihan ko naman na dahil nag-iisang anak lamang ako at lalaki pa. Gusto ni ama na saluhin ko ang posisyon nito sa trabaho bilang magaling na detective.

Pero hindi iyon ang aking linya. Mahalaga na dapat alam natin kung saan tayo sasaya at magiging kuntento sa buhay.

Hindi kasikatan at pera ang magbibigay ng kaligayahan sa tao. Ang kaligayahan ay nagmumula sa passion kung masaya at kuntento ka sa buhay ay iyon ang tunay na kaligayahan.

Ang aking ama ay dinarangal ng mga nakakakilala sa departamento isang magaling na detective na laging pinaparangalan, at gusto niyang matulad ako sa kanya.

"This would be the last. I'm about to retire I want you to bring honor in our surname. I'm going to announce your success."

"Fine. But this would be the last. I won't ever step in detectives agenda. I want my existence as Zilong to be buried without the knowledge of anyone. He shall rest in peace at the very least."

"Is that what you really want?"

"Yes"

"If that's the case then rest assured."

"I want you to take all the credits."

Ito na ang huli kailangan kong matapos, ang mission para sa ikatatahimik ng aking pamilya.

Natutuwa ako dahil napagdesisyunan na ng aking ama na magretiro na sa trabaho nito. Mahabang panahon rin ang ginugol ni ama para maabot ang pagiging magaling na detective.

Matutuwa tiyak ang kanyang ina sa oras na malaman nito ang pasya ni ama. Matagal nang nangungulila ang aking ina sa atensyon ng kanyang asawa. Pagkatapos nitong magretiro paniguradong bubuhos na ang oras nito sa pagaalaga kay ina.

Sana walang masamang mangyari sa akin sa misyon na gagawin.

Paano na lang si Sofia kung mapapahamak ako. Hindi ko siya kayang iwan mag-isa.

Hihintayin ko pang tuluyang makuha ang loob nito. Ramdam ko naman na hindi rin magtatagal tatanggapin rin niya ang aking pag-ibig...

Sana buhay pa ako kapag nangyari iyon.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon