FF#52: What happened that day?

18 8 1
                                    

3rd Person's POV

"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?"

"Dami mong tanong ang mahalaga ayan na," sagot ni Lav.

"Why don't you just answer my question?" Ani Flame ay hindi na lang kasi sagutin ang tanong niya.

"Cause' I'm not obliged to answer. Don't nag me such question cause' I never ask your 'whatabouts'."

Sabay inirapan ni Lavender si Flame. Sa isip ng dalaga ay bakit ba hindi na lang ito makipagcooperate at daming hanash sa buhay ng lalaking ito.

Una nilang pinuntahan ang binatang nagngangalang Carlo. Nakakatatlong doorbell na ay wala pa ring nagbubukas sa kanila.

"Mukha bang may tao? Sabi ko na nga ba palpak ka eh. Malamang hindi reliable ang source mo bakit ba ako nagpadala sa information mo?" Nakapameywang si Flame, naiinip na ito.

'Fuck! may tao ba o wala?' ani Flame sabay napahilot sa sintido.

"Ang sarap talaga batukan ng isang ito dapat ako na lang mag-isa nagpunta eh." Pabulong na wika ni Lav. 

Ani Flame, Bubulong pa eh; rinig niya naman.

"Edi iwan mo ako mag-isa dito pero halika muna pota sasakalin lang kita," wika ni Lav.

"Napakaarte ng lalaking ito ang sarap talaga sakalin!" Pabulong na wika ni Lav.

Hindi na lang ito pinansin ng guro at nagkunwari na lamang na hindi ito narinig.

"Tingin mo iiwan kita dito mag-isa? Pano kung mapahamak ka kakahintay edi kasalanan ko pa!"

"Kaya ko naman sarili ko hindi ko kailangan ng knight n' shining armor." Maangas na tugon ni Lav.

"Tingin mo naman gusto ko maging knight n' shining armor? Kung ikaw lang rin AHHAHAHAHA wag na uy!"

Ang arte talaga! kahit noon pa hindi sila magkasundo ng isang toh.

"Hindi naman kasi bagay sa'yo ang role na yun. Mas mukha ka pang damsel sakin." Nakapameywang na anas ni Lav.

"Ako damsel?!"

Naputol ang pagtatalo nila nang magbukas ang gate. Isang babaeng halos kaedad lang ni Flame ang sumalubong. Ito siguro ang asawa ni Carlo base sa nakalap na impormasyon ay nag-asawa na ito.

"Sino po sila?"

"Dito po ba nakatira si Carlo Romualdez?" Magalang na tanong ni Lav.

"Oo, bakit nyo hinahanap ang asawa ko?"

"Gusto sana namin siya kausapin pakisabi importanteng bagay," sagot ni Lav.

Naguguluhan ang babae napataas ang kilay nito kay Lav.

Inakbayan ni Flame si Lav, Nabasa kasi nito ang tingin ng ginang. Malamang iniisip siguro ng babae na kabet o kung ano pa man si Lav.

"Ano na naman ang drama ng isang ito? Bakit may pag-akbay pa? (-_-)" pabulong na wika ni Lav.

Hindi nito pinansin ang pagkontra ni Lav.

"Pakisabi tungkol kay Kyohei," singit ni Flame sa usapan.

Hindi man naiintindihan ay sumunod ang ginang/ Pumasok ito sa loob at sinabing maghintay sila at ipapaalam muna niya sa asawa.

"Bakit mo ko inakbayan kanina? Chansing ka ah!"

"Akala ko nagets mo ang point hay babae ka pa naman akala ko ikaw ang unang makakapansin."

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon