Hindi lang sila basta estudyante.
Hindi lang sila basta guro .
Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat.
Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala.
Dalawa lang...
"Yes as long as makakuha kami ng ebidensya na maglalaglag sa kanya ay tapos na ito."
Iyon mismo ang problema nila. Paano nila ito sisimulan at mas lalong matatapos nga kaya nila? Sana ay patnubayan sila ng maykapal nakabaon na naman sa hukay ang paa nila.
Matapos mag usap ay nagkita sina Lav at Sof sa may garden ng hotel. Niyakap nila nang mahigpit ang isa't - isa. Nagulat sila ng may tumikhim sa bandang likuran.
"Let's go, magsisimula na ang meeting."
Nakasuot ng pormal ang dalawang kaguruan. Talagang naka tie at suit pa ang mga ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tahimik na sumunod sina Lav at Sofia. Pagkapasok sa function room ay nakapaikot na ang mahahalagang tao. Mga negosyante, ang investor na magiging kasosyo ng may-ari ng mirai, ang kawani ng Ched at mga pribadong sektor , ang may-ari ng mismong lupa na gagawing university, ang may-ari ng mirai, isa na lamang ang hinihintay upang pormal na makapagtakda....
"Good morning! Am I late?"
Sabay-sabay na bumati ng magandang umaga ang lahat sa kararating lamang na si Mr. Dizon — ang mayor ng lokal.
Ang kanilang target.
Kailangan nilang makakuha ng pagkakataon upang madikitan ito at maikabit ang nanomicro na makakapagrecord ng pag-uusap at makakapagturo kung nasaan man ito.
Hi-tech naman na ang mga equipment nila kaya mas malaya silang nakakakilos kapag nadikit na sa katawan ng target ay hindi ito mapapansin. Hindi ito masakit ngunit siguradong makapit ito sa loob ng isang araw hindi rin halata dahil para lang itong nunal sa balat sa sobrang liit ay hindi paghihinalaan.
Wala itong kasamang body guard nakakapagtaka naman. Masyado itong kampante dahil sa sobrang mahal siya ng taumbayan at bukod pa roon ay pinapangatawanan nito malamang ang reputasyon na simple at responsableng alkalde.