FF#46: Comfort

16 8 1
                                    

3rd Person's POV

"Sir, pwede po ba na umuwi ako ng maaga ngayon?"

"Pero may gagawin ka pa. Importante ba talaga ang dahilan mo?" sagot ni Mr. Topaz

"Dadalawin ko lang si Gian."

"Kung ganoon ayos lang ba sa'yo na samahan kita?"

"Huh? Bakit ka naman sasama?" Ano naman trip ni mang Topaz?

"Gusto lang kita samahan."

"ah...ok"

Nitong mga nakaraan nawewerduhan na si Sof sa kilos ni Topaz landi. Parang may nag-iba nawala ang makulit at play boy vibes nito at ang natira ay ang isang vibe ng guro na maalalahanin.

Mas naging seryoso rin ito at madalas nahuhuli niya na malalim ang iniisip.

Hindi kaya may nadisgrasya itong babae? At since playboy siya ayaw niyang panagutan?

Hay loka na ata siya, tama bang pagisipan niya ng kung ano ang guro.

"Mahal mo pa rin talaga siya ano? Sana lahat may gf na kayang magtiis sa sitwasyon."

"Wala ng ibang magaalaga sa kanya. Mabuti siyang tao hihintayin ko lang na gumaling siya yung kaya niya na ulit mag-isa," sagot ni Sof.

"You mean?"

"Makakahanap rin siya ng iba na makakatanggap sa nakaraan niya. Hindi ko kayang makipagrelasyon sa taong may kinalaman sa pagkamatay ni ate."

Totoo naman, hindi niya pa kaya.

"Kung ganoon bakit mo siya dinadalaw at inaalagaan? Kung sa huli iiwan mo rin siya?"

"Dahil mahal ko siya pero hindi sapat na rason yun para magstay ako sa relasyon namin." tapat na sagot ni Sof.

"Naguguluhan ako sa;yo. Ang labo naman bakit ba pinapahirap niyo ang concept ng love? Kung mahal mo edi magstay ka."

Ay wow! galing pa talaga sa kanya na di marunong mag-stay.

"Hindi mo talaga maiintindihan babaero ka kasi."

Pabirong wika nii Sof, hindi naman kasi siya pikon kapag binibiro na babaero, kasi aminado naman ang binata.

"Aray! Grabe ka naman magseseryoso na nga ako para hindi mo ako tinatawag na babaero."

"Imposible, ikaw pa ba?" natatawang wika ni Sof.

"Gusto mo malaman kung kaya ko? Edi subukan natin."

"Puro ka biro sir, ewan ko sayo."

Sa isip ni Tristan ay sino ba nagsabi na nagbibiro siya? Nasa harap niya na ang babaeng gusto niya seryosohin. Ang kaso pagmamay- ari na ito ng iba. Wala siyang nagawa kundi panoorin na alagaan ni Sofia si Gian. Tulala lang ito samantalang ang dalaga ay nagkekwento kahit hindi naman ito naririnig ng binata.

Nakaranas ng depression si Gian kaya kinailangan nito na sumailalim sa pangangalaga ng mental health hospital. Samantalang ang tiyuhin nito ay nasa kulungan at nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

"Babalik ako sa susunod na linggo sana pagbalik ko nakakapagsalita ka na."

Humalik ang dalaga sa noo ng binata bago tuluyang lisanin ang institusyon.

Naisip ni Tristan na kailangan niyang pasiyahin kahit papano ang dalaga kaya naman dinala niya ito sa amusement park.

"Bakit sa amusement park?"

Ano bang trip ng isang toh? Ano sumama ang guro niya sa mental hospital ngayon naman dinala siya nito sa amusement park.

"Wala lang gusto ko lang maglaro samahan mo muna ako."

"Seryoso ka sir? Bata ka ba?"

"Alam mo ba nong bata ako never ako nakapaglaro sa mga park masyadong mahigpit ang parents ko gusto nila puro aral ang gawin ko. Ni hindi kami namamasyal."

Malungkot pala ang kabataan niya.

"Edi maglaro tayo dun tayo sa slide."

Nawili sila sa paglalaro masaya pala ang maging bata ulit. Masaya pala balikan ang simpleng bagay gaya ng paglalaro.

Kapag tumanda na kasi masyado na tayong seryoso sa buhay nakakalimutan na natin kung paano maging bata. Mahalaga na hindi natin maiwala ang sense na pagiging bata dahil ito ang magtatakas sa atin sa panahong nasasakal na tayo sa mundo ng pagiging mature.

Sa kabilang banda ay dapat alam natin kung kelan tayo dapat maging bata at kung kelan tayo aakto ayon sa edad dahil masama ang lahat ng sobra.

"Sir naman wag mo naman masyadong lakasan ang pagtulak."

Pambihira naman itong lalaking ito hindi ba niya naisip na baka mahulog ako? Takenote ay hindi pa talaga siya lubusang magaling dahil sa pagkakabaril sa kanya pero nabawi niya na ang lakas kahit papaano.

"Kapag nafall ka edi sasaluhin kita."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sof. Hindi niya namalayan na lumuwag ang pagkapit niya sa hawakan ng swing kaya naman kamuntik siyang mahulog ng itinulak ni Tristan ang swing.

"Bakit bigla ka namang natulala diyan?"

bakit nga ba?! Pinili na lamang niyang hindi sumagot. Sa kabilang banda naman ay naupo sa katabing swing ang kanyang  guro. HIndi niya mawari kung bakit parang may kakaiba sa tingin nito.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon