It's about time to make everything right. It took her six months to form an alliance with international leaders. Malaking tulong ang pagiging reyna ni Lavender mas madali niyang nakukuha ang mga impormasyon na kailangan niya.
Limang buwan nang wala sa palasyo ang Hari dahil sa mga diplomatikong usapin na pinupuntahan nito. Pasalamat lang din talaga si Lavender dahil mas mahalaga sa kanyang asawa ang royal responsibilities nito.
Siya ang humaharap sa malawakang meeting gaya ng mga usapin sa WHO (World health org) at iba pang organisasyon na may kinalaman sa politika at internasyunal na usapin.
Marami na sa kanyang kaibigan ang napahamak dahil sa kanya at sa laboratory na iyon.
Una si Kely hindi pa rin ito nagigising. Pagkatapos ay nitong bago lamang ay nabalitaan niya mula kay Clyde na kritikal ang lagay ni Sofia nadamay rin si Tristan at pareho silang nasa hospital at wala ring may alam kung mabubuhay pa ang mga ito.
Hindi niya alam ang buong detalye ng pangyayari. Ang alam niya ay tumungo ang mga ito sa laboratory para hanapin ang bagay na makakatulong sa kanilang idiin ang kanyang ama at ang ilan pang mga kasabwat ng ama.
Kahit pa nalaman nila kung nasaan ang laboratory at kung anong sekreto nito. Hindi sila basta-bastang makakakilos kailangan ng timing para tuluyan na itong maidisclose sa buong mundo kasama ng maitim na plano ng kanyang ama at ng mga bansang gustong madominate ang maraming bansa.
Sinabi lahat sa kanya ni Eiffel ang lahat. Gumagawa ng isang weapon ang kanilang ama na kung saan marami sa bansa ang lulubog sa utang at hihina ang ekonomiya ng mga bansang maaapektuhan.
Tatlong bansa ang kasangkot sa maitim na balak na ito ( Saudi arabia, Uk at China).
Sa tulong ng nagngangalang Samuel, isang chemist na pinagkakatiwalaan ng mga lider ng nabanggit na bansa. Isang virus ang ipapakalat at palalabasin na natural phenomena ang nangyayari ngunit ang totoo ay isa ito biomed weapon ng makasariling bansa.
Ang pinakamaapektuhan nito gaya ng bansang pilipinas ay siguradong malulubog sa utang lalo pa't ang pangulo ng bansang ito ay tila aso ng malalakas na bansa. Wala itong pakialam sa nasasakupan.
Hindi kung sino lang ang kalaban nila isang pagkakamali lang ay masasayang ang nasimulan nila. Masasayang ang mga sakripisyo.
Sa tulong ng mga kaibigan niya ay nakakakuha siya ng mga ebidensya sa anumalyang nagaganap. Iipunin niya ang lahat upang magamit sa pagpapabagsak.
Hindi na siya nahihirapan dahil hindi na limitado ang kanyang galaw. Nakuha na niya ang tiwala ng hari...naniwala si William na tinanggap na niya ang kanyang kapalaran.
Ang totoo'y pasekreto siyang nakikipagpalitan ng mensahe kay Flame. Kailan lamang niya nalaman na lumipad patungong U.k ang binata kung hindi siya inabisuhan ni Eiffel na narito sa bansa ang taong matagal na niyang hinihintay ay hindi niya malalaman.
Nagawa nilang magkita ni Flame ng isang beses at hindi na iyon naulit pa. Dahil alam nila kung gaano kadelikado ang sitwasyon na pinasok nila.
Naniniwala sila na darating din ang araw na malaya silang magkikita. Tinutulungan siya ng kanyang ate at ng binata para malaman kung anong nangyayari sa labas ng palasyo.
Kailangan niyang ipunin lahat ng bulok na pamamahala at hikayatin ang mga tao na mag-alsa upang tuluyan ng mabuwag ang monarkiya at mapalitan ng mas malayang pamamahala.
Iyon lang ang paraan upang matakasan niya ang pagiging reyna.
Taliwas sa nakikita ng lahat hinangaan ng hari ang didikasyon niya na tulungan ito sa pamamahala. Ang hindi nito alam ay may mas malalim na dahilan si Lavender. Hindi niya ugali ang humarap na dalawa ang mukha ngunit kailangan niya iyon upang magtagumpay.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
ActionHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...