3rd Person's POV
"Mabuti naman nakauwi ka na grabe pinagalala mo kami bakit kanina ka lang nagtxt?" bungad ni Lav.
"Kanina lang ako nagising."
"Kumain ka na ba?" Singit ni Clyde
"ah , oo. kumain na ako nag init ng buffalo si sir."
"Sir?" Sabay pa na tanong nila Lav at Clyde
"May sinabi ba akong sir? Siri ang sabi ko."
Muntik na siya roon ah, ano na lang ang sasabihin nila sa kanya kapag nalaman nila nakatulog diya sa condo ni Mr. Topaz. Tumingin siya sa orasan, may oras pa para matulog. Nagset siya ng alarm dalawang oras bago ang klase. Ipinikit niya ang kanyang mata upang makapagpahinga saglit.
Nakarinig siya ng hagikhik mukhang masaya ang mga ito. Mula sa kalayuan ay natanaw niya ang dalawang bulto, isang lalaki at isang babae.
Nakatalikod ang mga ito kaya hindi niya makilala kung sino. Lumakad ako palapit at kamuntik matalisod, biglang humarap ang dalaga.
Ate?!
Nakangiti ito sa kanya. May ngiti rin sa labi ang hawak nitong sanggol. Napatingin si Sof sa gawi ng binata nanatili itong nakatalikod. Naisip niya na ito malamang ang ama ng bata.
Ito kaya si Don? Imposible dahil may edad na ang napangasawa ng kanyang at ang kasama nito ngayon ay mukhang di nalalayo sa kaniyang edad.
Isang hakbang at nabitak ang lupa na kanilang kinatatayuan. Nahulog sila sa kawalan, si ate at ang sanggol ay unti-unting naging abo.
Naiwan si Sofia na nahuhulog mag-isa, ito na ba ang kanyang katapusan?
Panaginip lang, panaginip lang ang lahat. Paulit-ulit ang laman ng panaginip niya parati siyang nahuhulog sa kawalan. Marahil ay masyado niyang iniisip ang pagkamatay ni Sophie kaya hanggang sa panaginip ay dinadalaw siya nito.
Kinuha niya ang picture frame ng yumaong ate.
Niyakap niya ito...'kunting hintay pa ate'
Matapos ito pagmasdan ay ibinalik niya ito sa side table kung saan ito nakalagay.
Naligo, kumain at nagsipilyo siya bilang paghahanda sa pagpasok sa eskwela.
Siya na lang pala ang naiwan sa unit. Nauna nang pumasok ang kanyang mga kaibigan.
Himala na wala man lang siyang narinig na kahit ano mula sa kanyang kasintahan. Marahil ay marami itong ginagawa maigi pa na hindi niya muna ito gambalain.
Hihintayin niya na lamang na kusa itong tumawag o mag-iwan ng mensahe. Isa pa may gagawin rin naman siya kaya quits lang sila.
Ganun naman talaga sa isang relasyon hindi niyo mundo ang isa't-isa. Mahalaga ang pagrespeto sa personal na oras ng bawat isa. Matuto tayong unawain at 'wag ariin ang isang tao.
"Sorry," wika ng babaeng nakabunggo kay Sofia sa hallway.
Namukhaan niya ito, isa sa tinuturuan ni Mr. Topaz. Kung tama ang kanyang pagkakaalala ay presidente ito ng kabilang block.
"Sandali hindi ba ikaw ang presidente ng kabilang bloc?"
"huh? Ah oo ako nga. Ikaw yung S.A ni sir Paz?"
"Oo, iabot ko sana sa iyo ito para sa bloc niyo iyan. Pa'kibigay na lang sa akin pagkatapos ng klase ninyo. Iyan na rin ang magiging attendance ng bawat isa."
"Sure! Salamat ah nagmamadali pa naman ako hindi naman pala papasok si sir," natatawang wika ng babae.
Late na naman dumating ang unang subject. mabilis lang dumaan ang oras namalayan niya na lang na uwian na. Ibinilin nga pala sa kaniya ni mang Topaz na iuwi muna ang mga activity. Panay ang tingin niya sa cellphone baka sakaling nagparamdam na si Gian. Sa halip ibang mensahe ang kanyang natanggap.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
ActionHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...