FF#50: Haunted

17 6 3
                                    

3rd Person's POV

Habang patungo sa Mirai ay biglang sumagi sa isip ni Clyde kung bakit tila wala naman talaga silang mahanap. Napakahirap hanapin ng bagay na iyon. Pero hindi nila ito susukuan dahil malaki ang utang na loob nila sa ginang.

Papasok na sana siya sa klase nakasalubong niya ang isa sa kanyang guro sa unang klase.

"Clyde magsulat ka na lang dito sa logbook. Hindi raw papasok si Ma'am Valderama. Dalian mo at ipapasa ko pa ito sa office bilang attendance natin."

Pagkatapos niyang mag-attendance ay umupo siya saglit sa damuhan malapit sa lawn tennis field. Humiga siya saglit sa damuhan akmang pipikit na siya nang may liwanag----este ang maaliwalas na mukha ng gurong si Juslin ang bumungad sa kanya.

"Bakit bigla ka na lang pala nawala that time?" Bungad ng binata atsaka ito umupo sa tabi ni Clyde.

Akala ni Clyde ay hindi na ito maguusisa dahil matagal naman na nangyari 'yun. Ang araw na iyon ay noong hinahanap pa nila si Zae. Bakit bigla naman itong nagtanong tungkol sa biglaang pag-alis niya.

"Huh?! Wala ano natatae lang ako"

"Weird ka rin pala minsan," wika ni Juslin.

Ano ba namang klase palusot ang sinabi niya. Nakakahiya hindi na ba gumagana nang maayos ang utak niya?

Bigla niyang naala aniya ay sayang ang pagkakataon na iyon hindi niya inabutan ang kanyang hinahabol ng araw na iyon.

Para itong multo nagpapakita kung kelan lang nito gusto at nawawala na lang bigla.

Kelan kaya ulit magpapakita ang hayop na iyon.

Sisingilin niya ito dahil buhay ang kinuha kaya buhay din ang kapalit.

"Lutang ka na naman."

"Wala kulang siguro ako sa pahinga."

"Nahihirapan ka ba alagaan si Addy? Pasensya ka na kung sa iyo ko siya hinahabilin kapag wala ako. Tingin mo dapat na ba akong kumuha ng nanny para kay Addy?"

"Hindi naman sa ganun para ko na ring pamangkin si Addy."

Natahimik silang dalawa at parehong lumikot ang mata. May mali ba siyang nasabi? Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin?

"Ah...ano tungkol sa nanny hindi ba mas maganda kung tatanungin mo muna sa Addy?"

"Sa tingin ko hindi niya gusto na may mag-alaga sa kanya bukod sa akin at sa iyo."

Mailap kasi ang bata pili lang ang pinapansin nito. Malabo nga na makasundo nito kung sakali man na ikukuha siya ng nanny. Dapat siguro unti-untiin ni Clyde ang paglayo sa pamilya ng guro. Baka isang araw bigla na lang siyang mawala na hindi man lang nagpapaalam kay Addy at kay Juslin.

"Wag ka mag-alala hindi naman ako biglang mawawala kaya dapat sanayin ko siya na huwag masyadong dumepende sa pag-aalaga ko," ani Clyde.

"Hindi ka na ba namin makikita pagkatapos ng school year na ito?"

"Hindi malabong mangyari iyon. Hindi ko naman kayo kakalimutan sana 'wag niyo rin akong kalimutan."

"Kung makapagsalita ka naman parang hindi na tayo magkikita. May social media naman mas madali tayong makakapag-usap kung sakaling sa malayo ka na titira."

'Tama ka naman Juslin ang kaso ay baka nga hindi na tayo magkita o kahit mag-usap.'

"Sir, may klase na pala ako. Mauna na po ako."

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon