FF#42: Confused (Sof)

18 8 1
                                    

3rd Person's POV

Kanina lang kausap ni Sofia ang mommy ni Kely. Ayon sa ginang ay mahirap talagang kalkalin ang kaso ng kanyang ate. Bukod sa walang saksi ay wala ring record na may naganap na suicide.

Kasalukuyan nitong kasama si Gian. Kahit nasa harap niya ang binata ay wala naman ang kanyang wisyo, lumilipad ito sa malayo.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" ani Gian. Ipinatong ng binata ang palad nito sa noo ni Sofia para pakiramdaman kung may lagnat ba ito o wala.

"Wala pagod lang siguro ako," matamlay na wika ni Sof.

"Pinapahirapan ka ba ng ungas mong prof?" Medyo matigas na pagkakasabi ng binata.

"Huh?! Naku hindi, ano ka ba hindi lang naman sa school umiikot ang oras ko."

"Kasali ba ako sa pagikot ng oras mo?"

"Syempre naman. Halos kasali ka na sa schedule ko."

Totoo naman kasi madalas sila lumabas hindi niya na sigurado kung masaya pa ba siya. Sumagi na sa isip niya na baka infatuation lang ang naramdaman niya sa nobyo. Natuwa siya sa ideya na subukang pumasok sa relasyon. Pero hindi rin naman malabo na mas lumalim ang nararamdaman niya dahil may charm ang binata.

Kaya lamang inisip niya mali pala dahil hindi puwedeng magkaroon ng kahati sa oras ang kanyang trabaho. Una pa lang ay dapat hindi niya muna sinubukan. May kung ano kasi sa binatang ito ang humihila sa kanya at kumukumbisi na mapalapit siya rito.

Ngunit sa kabilang banda ay magiging masaya na rin siguro siya dahil kahit paaano ay naranasan niyang magkaroon ng karelasyon. Siguro nga kailangan niya nang timbangin kung hihiwalayan na niya ito o magpapatuloy pa.

Nandito na siya sa sitwasyon na ito. Ayaw niyang saktan ang binata gayong mabait naman ito sa kanya. Romantiko ito at sinsero sa bawat lambing nito sa kanya.

Sigurado siya na interesado siya kay Gian simula pa lang noong unang makita niya ito sa coffe shop. May parte sa kanya na gusto niyang ipagpatuloy ngunit natatakot siya na baka dumating ang panahon na kailangan na niyang mamili.

Matalino siyang babae ngunit bakit tila hindi niya naisip na darating siya sa punto na may maiiwan siya at masasaktan.

"Siya nga pala gusto pa kita kilalanin. Naiintindihan mo naman siguro na mahalaga sa isang relasyon ang pagkilala sa isa't - isa bilang pondasyon"

Namutla ang binata at tila hindi mapakali, naging malikot ang mga mata nito.

May mali ba siyang nasabi?

"T-tama ...saan mo ba gusto magsimula?" di mapakaling wika ni Gian.

"Hindi ko alam mas gusto ko makilala ka na hindi nagtatanong. Hayaan natin ang tadhana ang gumawa ng paraan" sagot ni Sofia.

"Kumg ganoon ang pananaw mo, hayaan mo na ako na lang ang magtanong"

"Sige. Tungkol saan ba?"

"Ano ba ang tingin mo sa akin?" Anas ni Gian.

"Alam ko naman na masyado pang maaga para sabihing mabait ka at faithful. Bukod pa roon tingin ko masipag ka at sweet."

"Mabuti naman at ganoon pala ang tingin mo sa akin. Masaya ako na marinig ang mga iyon mula sayo."

"Tingin mo ba tama ang pagkakakilala ko sayo?" untag ni Sof.

"Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na iyan."

Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Gian. Sinundan nang mahinang pagngiti.

"Kung sakaling----"

Matamang hinintay ni Sof ang susunod na sasabihin nito ngunit wala ng kasunod pa.

"Never mind. Sa susunod na lang hindi ko rin sigurado kung dapat ko sabihin."

"Naiintindihan ko pero sana masabi mo sa akin kung ano man iyon. Hindi naman kailangan ngayon kung handa ka na nandito lang ako."

"Kung iiwan mo ako sana 'wag biglaan pwede ba paunti-unti."

Natawa na lamang si Sofia, bakit naman ganoon agad ang naiisip nito samantalang hindi pa sila umabot ng taon, iniisip na agad ang hiwalayan. Isa pa hindi siya ang tipo ng babaeng nangiiwan ng walang dahilan.

"Baka ikaw pa ang mang-iwan, kayong mga lalaki kung magpalit kayo ng gf parang nagpapalit lang kayo ng damit"

Ewan niya ba biglang pumasok sa isip niya ang guro na tinaguriang womanizer. Ang totoo ay hindi niya maitatanggi na totoo talaga ang pagiging womanizer ni Topaz landi.

Ilang beses niya na bang nakilala ang mga gf nito na halos linggo lang ang pagitan.

"Halika na nga masyadong malungkot ang ambience rito. Lumipat tayo sa masaya...maglaro na lang tayo ng arcade," paanyaya ni Gian.

"Sandali hintayin mo ako, restroom lang saglit."

Habang nasa restroom ay nagretouch siya ng pulbo at naglagay rin ng kaunting liptint. Nag-iwan siya ng mensahe kay Topaz landi, wala lang kinamusta niya lang ang tungkol sa tulong na sinabi nito nong nakaraan na nag-usap sila. Palabas na siya ng restroom nang matanggap niya ang mensahe ni Topaz landi. Kinakabahan siya at hindi mapakali sa mensahe nito, simple lang ang laman.

'May kailangan kang malaman. I'll talk to you when I'm done with my business.'

Matapos mabasa iyon ay agad siyang lumabas ng restroom. Pinaghintay niya nga pala si Gian.

"Mahaba ang pila, alam mo naman pag cr ng girls."

"Ayos lang hindi mo naman kasalanan na mahaba ang pila."

Magkahawak kamay silang nagtungo sa quantum.

"Ang galing mo naman pala bumaril bull's eye lahat!" Bati ni Gian.

"Expert na ako sa ganitong laro." Palusot niya dahil ang totoo sisiw sa kanya ang paghawak at pagputok ng baril.

Napansin ni Sof na kanina pa panay lingon ang binata sa paligid. Marahil ay pareho sila ng naiisip. Kanina niya pa napapansin na may sumusunod sa kanila, may nanonood ng bawat galaw nila.

"Pwede ba na ihatid mo na lang ako sa condo? Biglang sumama ang pakiramdam ko."

"o-okay, mabuti pa nga magpahinga ka na muna."

Inihatid ng binata ang kanyang kasintahan. Ang totoo ay pabor siya sa ideya na pauwiin muna ang kasintahan dahil hindi maganda ang kutob niya, pakiramdam niya ay may matang sumusubaybay sa kaniya.

Kaninong tauhan? Bakit siya pinasusundan?

Hindi kaya nawalan na ng tiwala ang kaniyang tiyo dahil sa sunod-sunod na palpak niya sa trabaho. Kung gayon hindi malabong ipatumba siya nito.

Hindi siya pwedeng mamatay ngayon pa na may tao siyang gustong protektahan. Sawa na siya sa buhay na nakasandal sa kanyang tiyuhin.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon