FF#20: Childhood buddy (K x A)

58 18 39
                                    

3rd Person's POV

Nakasumbakol na naman ang mukha ni Kely paano ba naman mapipilitan na siyang pakisamahan ang kababata na parang laging may regla. Makita pa lang ang mukha niya sira na araw ng dalaga. Mas lalo pa kapag ibinuka na nito ang bungangang wala man lang pasintabi sa talas ang dila.

"You're 10 minutes late," wika ni Aldrich sabay tingin sa relo nito.

Hayan na naman si sungit, hindi agad siya naka-react kaya hindi niya napansin na nakapasok na pala si Aldrich sa sasakyan.

"Ano pa bang tinatanga mo riyan?" Untag ni Aldrich habang nakataas ang kanang kilay.

Teka lang naman kasi diba?! Sinisigurado ko pa nga na walang tao sa paligid. Mahirap na machismis pa ako na nakikipaglandian sayo! Which is definitely not true and will never be!

Inirapan ni Kely ang lolo niyong masungit. Mula sa side mirror kita niya ang inip na mukha ng university doctor.

"Ito na nga eh papasok na nga diba? boss -panginoon- amo! Hindi makapaghintay tinitingnan pa nga kung may tao sa paligid eh."

Pabalabag na sinara ni Kely ang pinto ng kotse. Matapos na maupo sa tabi ni boss-panginoon ay ine-start ng binata ang engine ng kulay violet na renault kwid na neto lamang binili ng mommy nila.

"Napaka daya ako motor lang tas itong si sungit kotse binigay ni mommy," bulong ni Kely.

Awittt yun mga mamsh!

"Ano naman kung may makakita na magkasama tayo?" Tanong ni Aldrich.

"Bobo ba siya? Malamang chismis ang aabutin namin," ani Kely sa sobrang hinang tinig.

"Shunga ka ba? kala ko ba matalino ka syempre machichismis tayo tapos ano kakalat na sa buong school tapos ijujudge na ako ng mga estudyante tas pati ibang prof tas kakalat na outside ng school tas ano dudumugin ako at aawayin ng mga chararat mong admirers," dakdak niya na halos walang pahinga sa bawat salita.

Natahimik saglit si Kely. Akala niya kung ano na gagawin ni sungit umisod kasi ito palapit sa kanya, pala'y ikakabit lang ang seatbelt.

hmmm...

'Ang bango ng lolo niyo mga sis!'

Sinulit niya ang pagsinghot sa pabango ni Aldrich. Napansin iyon ng binata kaya gumuhit ang kuryusidad sa mukha nito. Sa isip ng doctor na kasama ni Kely ay, 'nababaliw na naman ba ang babaeng ito?'

Wala naman masayadong naramdaman na awkwardness si Kely tuwing ganto kalapit sa kanya si Aldrich. Kunsabagay ay hindi naman ito kwento sa isang romance book o di kaya'y pelikula na madalas nababasa at naririnig ika nga napakacliche na nang ganoong pangyayari.

"Masyado ka nasobrahan ng imahinasyon."

"Anong nasobrahan? Bubu posible kayang mangyari iyon. Ganoon ka-advance ang utak ko."

"Ewan ko sa iyo.  Anyway, kumain ka na ba?"

Napatutop si Kely sa kanyang bibig sabay sabing, "Hoy! Pafall ka, grabe ka!"

Napakunot ng noo ang lolo niyong masungit.

'Don't tell me hindi niya alam yun? Eh meme starter pack yun sa fb.'' Tanong ng isip ni Kely.

"huh?" Naguguluhang wika ni Aldrich.

'ay engot nga, may facebook naman siya 'bat di niya alam iyon?'

"Don't tell me 'di mo alam 'yun?" ani Kely habang iniisip kung tatawa na ba siya.

"Sinaunang tao ba siya at hindi niya man lang iyon alam?" Bulong na Kely sa hangin.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon