FF#51: Reminisce

17 7 5
                                    

3rd Person's POV

"Ano nga ba ang masakit? Ang maiwan dahil niloko ka ng taong minahal mo o ang maiwan hindi dahil pinili niyang saktan ka kundi dahil ito ang dinikta ng tadhana? Higit na nakadudurog ng puso ang habangbuhay na pagkawala ng isang taong inaasahan mo na makakasama mo sa pagbuo ng iyong pangarap at pamilya." Sandaling huminto sa pagsasalita si Lav.

"Sa isang kisap mata ang dating kamay na iyong kinakapitan ay kapwa na malamig at walang buhay. Ang dating mapupungay na mata na tila hinihigop ang iyong pagkatao sa kung saan ay habang buhay na nakapikit."

Kusang pumatak ang luha ng dalaga ng matapos ang pamamahagi nito ng karanasan at aral sa isang foundation para sa mga taong sumasailalim sa rehabilation for depression and grief.

Ito ang mga taong hindi maipagpatuloy ang laban sa buhay dahil sa naranasang trauma ng pakikipaghiwalay sa asawa, mga taong namatayan ng kapamilya at mga taong nakakararanas ng anxiety for attachment and relationship.

Naalala na naman niya si Kyohei, tanggap naman niya na wala na ito ngunit 'di maitatangging apektado pa rin ang dalaga sa pagkawala nito lalo pa't hindi ito nabigyan ng hustisya.

Hindi niya maiwasang magbalik tanaw at alalahanin ang masasayang araw na kanilang pinagsaluhan.


Si Lavender ay lumaki sa kanilang kasambahay sa Pilipinas samantalang ang kanilang magulang ay dumadalaw lamang mula China dahil hindi nito maiwan ang negosyo at posisyon sa politiko. Lalo pa noong napabilang ang ama sa politboro. Masaya naman sila noon tipikal na pamilya ngunit habang tumatagal ay lumalayo ang kanilang loob lalo pa't bibihira na lamang dumalaw ang kanilang magulang.

Dalawa lamang silang magkapatid ang panganay na si Eiffel Margauxx ay sumama sa mga magulang nila sa China, simula nang umalis ito ay wala na siyang naging balita pa sa kanyang ate.

Ngunit bago pa ito umalis ay nagkaroon sila ng samaan ng loob dahil sa isang lalaki. Kung bakit ba naman kasi sa isang tao pa sila nagkagusto sa laki ng populasyon ng lalaki bakit sa isang tao lang?

Mas nauna magkakilala ang kanyang ate at si kyohei. Nauna naman nakilala ni Lav si Flame. Birthday noon ni Flame inaya siya nitong umattend hindi naman siya tumangi. Nang araw ding iyon ay isinama ni Kyohei si Eiffel pinakilala sila sa isat-isa.

Unang kita pa lamang ni Kyohei ay nahulog na agad siya sa kapatid ng kaibigan. Pareho silang maganda ngunit masasabi ng binata na may kakaiba kay Lavender na hindi niya makita sa ate nito.

Nalaman ng ate ni Lav ang relasyon nila simula noon hindi na siya nito kinausap at tuluyan na ngang lumipad patungong China.

Gayundin naman si Flame naging awkward na ang lahat sa kanila lalo pa noong lumipat ito ng lugar matapos grumaduate ng maaga. Simula noon wala na silang balita sa isa't -isa ni hindi alam ng dalaga kung ano ang trabaho at naging buhay ni Flame.

Naging sentro ng buhay ng dalaga ang pag-aaral at ang nobyo nitong si Kyohei. Nakakapanghinayang ang ilang taong pinagsamahan nila kung nabubuhay lamang ito ay mag-siyam na sana sila, masaya at patuloy na nagmamahalan.

Naalala niya pa ang mga bagay na laging ginagawa nito sa kanya. Kahit pa senior niya ito ay gumagawa ito ng paraan na mahatid siya sa klase at masundo. Inabutan siya ng unang batch ng K-12 samantalang graduate na si Kyohei.

kung hindi talaga kaya ng schedule nito ay isa lamang sa mga ito ang nagagawa ng binata. Kapag naman break ay sabay sila lagi. Bihira lang sila makapagdate dahil lagi itong busy sa hindi niya malamang dahilan inisip na lamang niya na busy ito sa pagmamasteral.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon