3rd Person's POV
" Good morning!"
Parati namang bumabati sa klase si Marc bago magsimula ang klase. As usual titingin muna ito sa gawi ni Zae.
Sa isip ni Zae ay anong problema ng tukmol nniyang guro ang sarap batuhin.
"Magkakaroon tayo ng team building sa susunod na linggo. Aprubado na ito ng dean ng department at ng may-ari ng university."
Team building?!
Ang pinaka ayaw niya sa lahat kada taon ay nagheheld ang bawat department ng bullshit na activity.
Nagpaplastikan lang naman ang lahat.
Naghiyawan ang mga tangang estudyante.
Sus! excited sila magaksaya ng oras.
"Mind you lahat dapat ay kasama dahil parte ito ng requirements niyo sa akin."
(-_-*")
Bakit ba may mga requirements na walang kwenta? Ano naman ang matutunan riyan?
Naboboryong na siya sa klase kaya naman nang marinig niya ang mahiwagang buzzer ay nauna na ang dalaga na lumabas. Nagtulakan pa ang ibang kaklase niya, isang hindi sinasadyang pangyayari. Natulak siya nang bahagya. Mabuti na lang at parati siyang kalmado kaya malabong magkaroon ng gulo.
Pero deep inside, binaril niya na ang bwesit na nanunulak.
Mabuti nga ba ang pagiging kalmado niya? Bakit halos mamutla ang babaeng nakabunggo sa kanya? Huwag mong sabihing natatakot ito sa kanya? Hindi nga siya nakangiti pero hindi rin naman nakasimangot, ano bang problema ng isang iyon?
Nakakatakot ba siya?!
Isa sa rason kung bakit ayaw niya pumasok ay dahil maraming nakakairitang tao siyang nakikita. Hindi naman pwede na hindi siya mag-aral dahil sa petty reason na iyon. Ang edukasyon kahit bullshit na ang sistema nito ngayon batayan pa rin ito sa pagkuha ng matinong trabaho. Hindi naman pwede na habang buhay na baril ang hawak niya.
Kahit saang angulo tingnan ang kinikita niya ay galing sa dugo ng mga nagiging target. Pero hindi rin naman siya nagsisisi na patayin ang mga hinayupak na iyon. Sabihin na lang natin na tumutulong siya sa paglilinis ng kalat.
Saan ba magandang tumambay na walang tao?
Naglakad-lakad si zae sa university, ang totoo ay marami pa siyang hindi napupuntahan dahil ayaw niya maglibot. Lumang fountain ang spot na nakita niya na perfect pagtambayan. Matutulog muna siya sa isa sa malalaking puno na nakapaligid. Siguro naman hindi na siya mahahanap ng guro na iyon. Nakakasawa na ang pagbuntot nito sa kanya.
Guro ba talaga siya? Wala na bang natitirang kahihiyan sa katawan ng isang iyon?
Kung assumera lang talaga ang dalaga, iisipin niya na may gusto sa kanya ang gunggong na iyon. Pero siyempre hindi naman siya tanga para hindi malaman na imposible iyon.
BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AçãoHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...