3rd Person's POV
Sa kanilang lima si Sofia ang may pinakamainit na atensyon sa paghahanap kay Mr. Black. Samantalang si Lav ay may ibang mas inaasakaso katunayan pagkatapos ng klase ay sinubukan ulit nila hanapin si Enzo. Ngunit hindi pwedeng hulihin dahil malalaman nito na may nag-uungkat pa sa pagkamatay ni Kyohei. Siguradong lalo lamang magtatago ang mga kasangkot kailangan nilang maisa-isa ang mga ito hindi maaring si Enzo lang ang tanging lead ng paghahanap.
"Hindi ka ba oorder ng maiinom?"
Inirapan ni Lavender si Flame, istorbo. Ani Lavender hindi ba nakita ni Flame na busy siya sa paghahanap. Nagpokus na ang dalaga paglinga sa paligid at tila umuusok na ang ilong niya sa kahihintay.
"Mukhang hindi na 'yun darating"
'Ano bang sinasabi mo diyan?! tsk! Hindi pwedeng hindi siya dumating.'
"Pwede ba tumahimik ka na lang? Hindi ka nakakatulong," anas ni Lav na hindi man lang nilingon si Flame.
"You know what?!...hindi ako nagpunta rito para magsayang ng oras, hindi mo ba nahalata malamang na hindi na iyon bumalik dito."
Galit na binagsak ni Flame ang hawak na kopa, sabay lumabas ng resto bar.
Ayaw man aminin ni Lavender sa sarili, mukhang tama naman si Flame malabo na ngang bumalik pa si Enzo. Marahil nga ay totoo ang hinala nila na isa ito sa mga kasangkot, kaya takot na itong magpakita pa.
Padabog at talagang masama ang loob ni Lav nang lisanin ang resto bar. Napasimangot siya nang maalalang 'di niya pala dala ang motorsiklo, magtataxi na lamang siya. Sakto namang nakakailang hakbang palayo sa bar ay napansin niya ang lalaking nakasandal sa labas ng mercedez na pula. Nilampasan niya ito at nagkunwaring walang nakita.
"Paris!"
'Matapos mo ko awayin tatawag-tawag ka ngayon.'
"WHAT?!" Nakataas ang kilay niya na humarap sa binata.
"Ihahatid na kita."
"Kala mo sa'kin bata? Never mind may pambayad ako sa taxi."
'Di ko kailangan ng tulong mo, kaya ko umuwi mag-isa.'
"Pwede ba 'wag ka na mag-inarte hindi kita type kung iniisip mo na nagiging mabait ako sa'yo."
'Bakit sinabi ko ba na type mo ako. Mabait ka na sa lagay na iyan?!'
"Mabait ka na sa lagay na iyan?"
"Fine, siguraduhin mo na hindi ka late sa klase ko bukas."
'Ewan ko sa iyo, dami mo sinasabi.'
Padabog na isinara ni Flame ang pinto ng kotse. Ini-start nito ang makina at nagsimula ng magmaneho.
"Buti nga umalis na ang kumag, bad idea siguro na nakikipagtulungan ako sa isang iyon. Mukhang malabo ang team work sa amin," reklamo ni Lav.
Habang nag-aabang ng taxi ay may lumapit na tatlong binata kay Lav. Kanina pa niya nararamdaman ang mga ito. Kung sakaling mambastos ay kaya niya naman ipagtanggol ang sarili.
'Subukan lang talaga nila, makakatikim sila ng upper cut at flying kick sa akin.'
"Aba't maangas ka tsong!" Agad niyang inikot ang kamay ng binatang humawak sa kanyang balikat.
Sumugod naman ang dalawa pa. Sa lakas ng sipa ni Lav ay tumilapon ang isa, samantalang ginamit niyang kalasag ang binata, in short kawawiii ang isang ito na tumatanggap ng lahat ng sipa't suntok ng sariling kasama.
BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AcciónHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...