3rd Peson's POV
Nakatanggap ng mensahe si Clyde mula sa kanilang lady boss. Ngayong araw din pala makukuha ang mga baril at iba pang deadly weapon na gagamitin nila sa pagtatrabaho. Si Zae ang kumuha ng mga armas. Illegal ang transaksyon na iyon kaya kailangang maingat ang bawat galaw.
"Tapos ka na ba?" Nagmamadaling tanong ni Kely.
"Yap. Okay na ba ang tracking device mo?"
"Ayey! Bitch ikaw functioning pa ba sos mo?" Pabalik na tanong ni Kely.
"Siraulo, bitch ka riyan."
May kanya-kanya silang suot na tracking device para matuntun ang isa't-isa. Ang lahat ay funded siyempre ng kanilang ladyboss. Mayroon din silang SOS device in case na kailangan ng tulong ay malalaman agad. Dahil ang motto nila sa friendship ay walang iwanan at hindi nila ipagpapalit ang samahan higit kanino man at higit saan ano man.
"Let's go girls susunod na lang daw sila," hudyat ni Sofia.
Kanya-kanyang angkas sila sa mga motor na exclusive pang inisyu sa kanila ni lady boss. Nilalaro na lang nila ang kahabaan ng Maynila dahil wala namang ngipin ang batas ng Pilipinas ni hindi sila makukulong, tamang tapal lang ng pera.
Napaisip si Clyde kung ano ang mali? Ang sistema o nagpapatakbo ng sistema? Baka kaya ang mga tao ay hindi na naniniwala sa pagbabago dahil sawa na sa nakakasukang pangako ng bawat nauupo.
"Hintayin muna natin sila rito," utos ni Clyde.
Hindi rin naman nagtagal dumating na rin ang iba pa, mukhang napalaban pa ata ang dalawa.
"Mag-iingat kayo, girls hindi natin kilala ang kalaban natin. Kanina lang ay may isang van ang balak manambang sa amin nagkamali sila ng kinalaban ayun tulog lahat," paalala ni Lav.
Iba ang gamit nilang mukha para hindi agad sila makilala. Ang gamit na ito ay tinatawag na CIA mask technology. Gamit nila ang tinatawag na 5 seconds mask. Ang five second mask ay gamit sa pagdedesguise dahil convenient at talagang hindi mahalatang peke ang mukha ng nagdadala.
Bukod sa pagbabago ng mukha ay iba rin ang pangalang gamit at mahigpit na ipinagbabawal ang mabanggit ang totoong pangalan ng kahit isa sa kanila.
"Plan A?"
Tumango si Lav bilang pagsang-ayon. Pagpasok pa lang sa loob ay sinalubong sila ng ingay ng tugtug at ingay mula sa mga naglalandian na kulang na lang ay magsex sa mismong table. Hindi na bago ang ganito, sa klase ng trabaho nila normal na may ganitong tatambad na eksena.
Gaya ng napagusapan, si Zae ang makikipag negosasyon para sa mga armas. Pagkatapos ay itatago niya sa sekretong hideout nila.
Silang apat ang bahalang manlansi sa target.
Isang tao lang naman ang target.
Mula sa entablado ay kita na agad ang target, may kasama itong dalawang men in black tuxedo.
Pasayaw silang lumapit sa mga ito —sina Kely at Lav.
Samantalang naiwan si Sofia sa lamesa, normal itong customer kung titingnan lingid sa alam ng nakakararami ang panganib na nagbabadya. Pigil ang hininga kahit na marami na silang naalpasang panganib sa trabaho ay hindi nila maiiwasang kabahan.
Paano kung may sabit ang misyon marami ang madadamay hindi sila pumunta upang magsaya at mag aksaya ng oras sa pag-iinom at pakikipagflirt. Narito sila para tapusin ang nakaatas na trabaho.
Pasimple silang nakikinig sa usapan ng mga ito. Mamaya pa ay nagpasya ang mga ito na paalisin ang mga dalaga. Agad naman silang tumalima, ang hindi alam ng mga ito ay may kinabit silang tracking device na sa sobrang liit nito ay hindi na mapapansin.
Nakaabang na silang lima sa likod ng bar dahil doon magaganap ang palitan ng pera at ng mga epektos. Saktong i-aabot na ito sa isang Chinese. May kasama itong dalawang Amerikano na private guard pala.
Pinaputukan nila ang kamay nito dahilan upang mabitiwan ang dalang case. Tumilapon ito sa kalayuan agad namang gumulong si Kely para kunin ito, pinaambunan naman sila ng tingga ng kalaban. Hindi naman pwedeng wala silang ganti kaya pinaulanan din nila ang kalaban. Sapol sa noo ang isang bodyguard.
Tinamaan naman ni Lavender sa dibdib ang isa, nakatakbo ang chinese personnel. Hinabol ito ni Lav samantalang sinigurado na ni Kely na hawak nito ang case.
Naiwang mag-isa si Clyde, hindi nito mahagilap kung nasaan ang dealer. Bigla na lang may namaril mula sa likod ng dalaga. Gaganti sana siya ng putok bigla na lang may humandusay sa sahig. Sinubukan niya pang habulin ang anino ng namaril, walang hiya may sa pusa ata nawala agad.
"Roka," sigaw ni Lav.
"Copy!"
Tumakbo na si Clyde papunta sa motor at walang habas niyang pinalipad ang sasakyan. Napansin niya na may sumusunod sa kanya kaya nagpasirko - sirko siya sa makikipot na daan hanggang sa makakita ng pwedeng pagtaguan. Hindi siya makadiritso sa hideout under the name of Roka.
"Shit!*" Napamura siya ng makapa na wala sa bulsa ang surveillance dash cam na ginamit kanina sa operation. Anong nangyari sa kanya matapos ang ilang buwang pahinga pumapalya na ba siya?
Huminga siya ng tatlong beses bago marahang inilabas ang kalahati ng mukha. Nang masigurado na wala na ang taong iyon ay lumabas na siya at ligtas naman na nakarating ng Roka.
"Anong nangyari?" Usisa ni Lav.
"May nakasunod sa akin hindi naman niya ako namukhaan, bukod sa nakasuot ako ng helmet ay nakaibang katauhan ako."
"All is well, let's have some rest."
Nagtanggal na sila ng suot na make-up and skin-tonned distorting mask. Sa Roka na muna sila magpapalipas, hapon pa ang shift ng pasok nila bukas kaya may pahinga pa silang ngayong araw.
Hanggang sa pagpikit ay iniisip pa rin ni Clyde kung sino ang may-ari ng anino. Hindi niya pa matukoy kung babae o lalaki, kung hindi dahil sa taong iyon ay may tama na siya ng baril.
Nagpapasalamat pa rin siya kung sino man iyon sana lang kung magkakadaupang palad sila ay hindi bala ang maging daan.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AksiyonHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...