3rd Person's POV
Itutuloy nila muli ang misyon sa Mirai. Ngayong si Lavender na mismo ang sumuong sa mas malaking panganib. Ikinasal ito sa Crown prince na ngayon ay hari ng bansang U.k.
Hindi nila alam kung anong balak at kung ano ang dahilan ni Lav sa desisyong iyon. Natatandaan nila na bigla itong bolang nawala at muling nagparamdam sa kanila noon sa pamamagitan lamang ng pagtawag.
Mas malaki na ang tsansa na mahuli nila si Samuel at ang laboratoryo nito dahil sa mga impormasyong pasekretong ibinibigay sa kanila ni Flame at nang iba pang galamay ng ina ni Kely.
Hindi pa rin nagigising si Kely, magaanim na buwan na itong walang malay. Heto siya kasama si Marc dinalaw nila si Kely upang tingnan ang sitwasyon nito.
Wala pa ring pagbabago.
Naging malapit sila ni Marc masyadong natutuwa si Zae sa presensya nito. Pero walang namagitan sa kanila sadyang malapit lang sila sa isa't-isa.
Wala naman siyang pagsisihan kung sakaling layuan niya ito.
Wala silang pinangako sa isa't-isa.
Sa palagay niya ay ito na ang tamang pagkakataon para putulin ang ugnayan nila.
Sa loob ng chapel ay nagdasal sila para sa kaligtasan ng mahal nila sa buhay. Ipinagdasal rin niya ang gagawin niya sa araw na ito. Kung ano mang masakit na salita ang mabitiwan niya ay sana mapatawad siya ng maykapal.
Kung may kasinungalingan man siyang masabi ay sana mapatawad siya hindi lamang ng diyos kundi pati ang taong masasaktan niya sa kanyang desisyon.
"Saan mo gustong kumain?"
"Sa dati na lang," sagot ni Zae.
Nagtungo sila sa 'out of the box', isang coffee shop na may designated na area kung saan pribadong makakapag-usap ang mga gustong makapagsarili. Mayroon din parte kung saan ay may tipikal na set-up ng coffee shop, lamesa at sofa.
Pinili ni Zae ang pampribadong lugar. Tatapusin niya ang lahat sa araw na ito. May rason siya kung bakit gusto niyang putulin ang lahat hindi lang ito dahil bigla lang niya naisip.
"May problema ba?"
"Ito na sana ang huling pag-uusap at pagkikita natin."
"Grabe hindi ka lang natutong makisalamuha ah. Marunong ka na rin mag joke. May camera ba dito? Is this a prank?" wika ni Marc
"No, I don't do such silly things."
"Ano bang nangyayari sa'yo?"
"I'm tired of being with you. Go back to Claire I know you still want her."
"Have you secretly meet her?" Usisa ni Marc.
Hindi nagkausap sina Zae at Claire kahit isang beses.
"I don't know why you are acting strange today. Claire and I are no longer in a relationship. I don't like to confess at times like this but I have no choice. Scarlette Zae Lakspur, I like you."
Hindi agad siya nakaimik bakit pa siya umamin? Pinapahirap lang niya ang lahat.
"I'm sorry. I don't feel the same way."
Tumayo na siya at lumabas sa coffee shop. Hindi agad nakahuma ang binata nabigla siya sa naging tugon ng dalaga. Huli na nang maisip niyang habulin ito hindi na niya mahagilap ang dalaga.
Samantala sa loob ng taxi ay hindi mapigilan ng dalaga na tumulo ang luha. Hindi naman talaga niya gustong lumayo kay marc pero mas mabuti na yung ganito.
BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
ActionHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...