FF#53: Kyohei's life (Explanation)

17 8 2
                                    

3rd Person's POV

"Pre! Wag mo kalimutan mamaya wag kang mahuhuli. Kita-kits!" Wika ni Carlo.

"See yah later!" Sagot naman ni Kyohei.

Si Carlo kaibigan ni Kyohei since elementary kung nasaan ito ay naroon rin siya. Wala siyang ibang kaibigan dahil hindi naman sila malapit sa isa't-isa ng kanyang half-brother.

Pero hindi naman siya nito binubully dahil sa anak siya sa labas. Suplado lang talaga si Flame katunayan ay tumutulong naman ito kapag hinihingan niya ng tulong.

May sarili silang mundo wala siyang alam sa kung anong pinagkakaabalahan ni Flame. Gayundin naman si Flame sa kanya.

Magkaiba sila pagdating sa galing at talino.

Malinaw sa kanya na hindi niya kayang abutin ang mga achievement nito gaya ng pagiging dalawang beses nitong naaccelerate noong elementary siya naman ay isang baitang lang ang nalampasan kaya naman mas nauna ito grumaduate ng isang taon.

Madalas iyon ipagyabang sa kanilang tahanan at tahimik lang niyang tinatanggap ang simpleng pasaring ng ina ni flame mabuti na lang at nariyan lagi ang ama nila upang umawat.

********

Kanina ay unang araw rin ng pag pasok nila bilang freshmen sa **** highschool. Pagkatapos ng klase ay nakagawian nila ang maglaro ng dota nakikipagpustahan sila para magkapera at makapagrelax sa pamamagitan ng paglalaro.

Pagmamay-ari ng kuya ni Carlo ang maliit na computer shop. Minsan ay nagbabantay si Carlo, minsan ay siya ang nagbabantay kapalit ng libreng gamit ng internet.

"Open time nga sa no.8," wika ni Eiffel.

Agad naman siyang tumalima sa costumer. Nakasuot ito ng uniporme ng ****Highschool.

Maganda ito mukha nga lang suplada.

Simula nang araw na iyon ay parati niyang nakikita ang babae. Katunayan ay 5 beses na magkasunod na araw niya itong nakikita.

Aniya regular costumer na ito noon pa man.

Bakit kaya palagi itong mag-isa? Sobrang sungit siguro kaya walang gustong maging kaibigan siya or the other way around, ayaw niya mismo makipagkaibigan.

Siya siguro ang tipo na mas gustong kaharap ang computer kaysa makipag-usap sa kapwa.

"Peede bang pakisave muna ng pc makikigamit lang ako ng restroom."

Nagchat ito gamit ang server kaya naman nagrply rin siya na babayarin pa rin nito ang nabawas na oras.

Hindi na nagrply pa ang costumer malamang ay nasa restroom na ito.

Kaya naman ay ginawa niya muna ang assignment para tuloy-tuloy ang laro niya mamaya. Hinihintay rin naman nila ang iba pang kapustahan. Isa pa wala si Carlo malamang ay nautusan na naman ito sa kanilang bahay.

Bigla namang may nagpop na msg sa kanya.

Nagreply na ito, "May pambayad ako wag kang mag-alala."

'Ang sarcastic ng isang iyon, nagalit ba siya?'

Ipinaalala lang naman niya ang polisiya ng computer shop.

Hindi na lang niya pinansin maya-maya ay nagbayad na ito.

"Parang nakita na kita dati sa *****Highschool?"

"Oo, freshmen ako"

"same...Section mo?"

"1-A"

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon