FF#57: Claudette's reason (explanation)

17 8 2
                                    

3rd Person's POV

Matapos ang kaguluhan sa party ng pamilya nila Aldrich ay sa pribadong hospital na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Claudette dinala ang dalaga. Ito ang unang pagkakataon na sinugod si Kely sa hospital. Ito ang unang pagkakataon na natakot ang lahat na baka mawala si Kely.

Naiwan ang ginang sa chapel ng hospital. Walang ibang tao kundi siya at ang kararating lamang na si Clyde.

"Tungkol ito sa lalaking iyon," ani Clyde sabay iniabot ang laman ng brown na envelope na naglalaman ng mukha at patunay na si Samuel ang hinahanap niya.

Nakatingin at tahimik lamang ginang. Napansin ni Clyde ang pag-aalinlangan sa mata ng ginang.

"Papatayin mo ba siya kung magkrus uli ang landas ninyo? Kung may pagkakataon papatayin mo ba talaga siya?"

Ano bang pinag aalala ng ginang?

"Alam niyo po ang sagot sa katanungan na iyan."

Tumulo ang luha ng ginang...

"Mababawasan ang tiwala mo sa akin sa sasabihin ko. I have my reason hindi ko gusto itago sa iyo. Ipangako mo na wala kang ibang pagsasabihan."

Humugot muna siya ng malalim na hininga.

"Pangako."

"Ang totoo matagal ko nang alam na nasa paligid siya...nagkita kami---"

Alam ni Clyde na papakalmahin niya ang sarili  pero hindi niya ito mapigil. Napatayo ang dalaga sa sobrang galit. 

Anong ibig sabihin ng pagkikitang iyon?

"Malaki ang pinag-iba niya mas lalong malayo siya sa taong nakilala ko noon..."

Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan si Clyde.

"Si Samuel dati kaming magkaeskwela sa Mirai magdadalawang taon pa lang naitatag ang university. Malayo ang estado ng buhay namin tagapagpamana ako ng kompanya samantalang siya ay scholar mg university. Nagkaroon kami ng relasyon dahil sa tutol ang pamilya ko tumakas ako matapos namin makagraduate ay naglive-in kami.

Kinalimutan ko lahat ng nakasanayan ko at namuhay ng payak. Noong una masaya ngunit ng tumagal ay nag-iba siya, simula noong nag-uuwi siya ng malaking halaga sa hindi ko alam na klase ng trabaho ay nag-iba ang takbo ng kanyang pag-iisip.

May isang pangyayari ang tuluyang nagtulak sa'kin upang bumalik sa aking pamilya. Sa pagbabalik na iyon may kulang na bahagi ng buhay ko tinangay niya ang anak namin." Mahabang salaysay ni Claudette.

Hindi  makapaniwala ang dalaga sa mga narinig na rebelasyon.

"Ang pakiusap ko sa iyo huwag mo siyang patayin. Siya lang ang susi upang mahanap ko ang aking anak," wika ng ginang.

"Tulungan mo ako na mahuli siya at piliting ilabas kung nasaan man ang aking anak. Ipauubaya ko na sa iyo ang lahat..gawin mo kung anong nais mo. Hayaan mo lang ako na mahanap muna ang aking anak," dugtong pa nito.

Iyon pala ang dahilan ng lungkot sa mata nang. Ngayong alam niya na ang totoo paano niya maipapangako na pananatilihing buhay ang taong iyon kung ang kalamnan niya nagsusumigaw na patayin ang ginoo. Bakit ba napakakomplikado ng lahat. Paano huhulihin ang taong mailap at tila isla na lulubog lilitaw.

Nagpaalam na siya sa ginang aniya ay magpapalamig lang siya ng ulo sa labas ng hospital.

Naiwan naman ang ginang na nakayuko at lumulipad ang isip sa araw na mli silang nagkita ni Samuel sa loob ng napakahabang panahon.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon