3rd Person's POV
Mas maingat na ang kilos ng bawat isa nararamdaman nila na nakakatunog na ang kung sino man na may grupong lihim na nakamatyag sa kanilang aktibidades. Hindi sila basta-bastang makakagalaw sa umaga kung kaya't nakatuon ang kanilang atensyon sa akademiko.
"Good morning, class!" Bati ni Mr. Topaz.
Bumati lamang ito, hindi na nagtawag pa isa-isa. Nagpapasa na lamang ng piraso ng papel at iyon na ang magsisilbing attendance. Maagang natapos ang klase dahil madali lang naman ang lektyur sa araw na ito at ayon pa kay Mr. Topaz ay gamitin nila ang natitira pang oras sa pagrereview. Para sa susunod na klase at maghanda rin para sa unang mahabang pagsusulit.
"Ms. Swift, maiwan ka."
Nagpanting ang tainga ni Sofia. 'Excuse me? Bakit ako ang maiiwan? Huy! ah, Ayaw ko ng ganyang pahiwatig.'
"Sir?"
Nang masigurado na wala na ang iba pang estudyante, umupo ang guro sa table.
'hala! teka bat ang gwapo niya? Wait nga ano ba lumalabas ang tinatago kong landi sa katawan.'
"I'm actually looking for S.A and I think you suit well in that position, what'd you think?" wika ni Mr. Topaz.
Kailangan niya na ba maging S.A hindi kaya maging sagabal lamang ito?
Sa kabilang banda maari niya rin sigurong magamit ang pagkakataon kung sakali lalo na sa pag-iimbestiga, ngunit hindi pa rin garantisado ang kanyang spekyulasyon.
"Do you need to hear my response right now? Sir?"
"Not necessary, how about this whole week?"
"Alright, thank you, sir."
"Once you've made up your mind, come see me in my office."
Naiwan si Sofia nag-aayos ng gamit habang ang iba niyang kaklase ay malamang na nasa kabilang building na.
Habang naglalakad ay napadaan siya sa lumang gymnasium, wala ng napapadaan sa daang iyon dahil sa kabila na dumadaan ang mga estudyante. Dahil nga mas gusto niyang napag-iisa ay sinadya niya na ito ang daang tahakin. Ang daan ng lumang gusali na kasalukuyang nasa ilalim na konstraksyon.
May isang oras pa naman bago ang sunod na klase wala naman sigurong masama kung sisilipin siya sa loob. Kung seswertihin ay baka may madiskubre pa na kahina-hinala.
May narinig siya na parang nag-uusap, nakakainis lamang dahil hindi niya makita kung sino at ilan ang eksaktong bilang ng tao sa likod ng mga boses na nag-uusap. Sinubukan niya na sumilip ngunit masyadong maliit ang butas na kahit ang isang mata niya ay hirap na makakita.
"Thank you. Mr. Black, hanggang sa muli."
"Napakahusay sino ba namang magaakalang ang kilalang unibersidad na ito ay isa rin..."
Maririnig niya na sana ang kasunod na sasabihin kung hindi lang talaga may ingay na sumira.
"Secure the area!" Galit na wika ng nilalang na tinatawag nilang Mr. Black.
Lumakas ang pintig ng puso ni Sofia, kinabahan siya bigla. Lagot siya nito, yawawers talaga pagnahuli siya.
Agad siyang tumakas halos patakbo niyang tinungo ang labas ng bldg. Sakto namang pagkalabas ay malalaking hakbang ang ginawa niya, sobrang pagmamadali ay halos matalisod ak at medyo napatumba sa balikat ng napadaan.
"Sorry."
"What happened? bakit mukhang hingal na hingal ka?" Usisa ni Mr. Topaz
"Malelate na po ako, excuse sir."

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AcciónHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...