FF#15: That man... (CLYDE)

65 18 29
                                    

3rd Person's POV

Pinagsisihan nila ang pagpasok ng maaga. Nawala sa isip nila ang tradisyon ng Mirai na tuwing unang lunes ng buwan ay nagdaraos ng ceremony na talaga namang nakakabagot. Katunayan nga nakahanap nang pwesto si Lav para matulog. Sanay naman ang bruhang iyon kahit anong posisyon ay nakakatulog ito, masandal lang ay tulog na agad.

Samantalang si Sofia naman ay naglabas na lang ng aklat. Mas gugustuhin pa nito na magbasa kaysa makinig sa mga kawani ng paaralan. Para sa kanila ay magiging normal na araw lamang ngayon at sa mga susunod pang araw. Sapagkat wala muna silang misyon ibig sabihin ay magiging pansamantalang couch potato student sila. Dahil wala pa rin balita sa misyon nila sa Mirai kaya naman normal na mag-aaral muna sila.

"Bwesit naman kaya nga ko pumasok ng maaga para makatulog ako sa classroom," reklamo ni Kely.

Tahimik at nakikinig lang sa gilid si Zae.

"Nasaan si Clyde?" Tanong ni Sofia.

Ang totoo ay nagpaalam si Clyde na sasamahan nito ang pamangkin ng guro sadyang hindi lang nila narinig,  puros nabuburyong na kasi ang mga ito sa ceremony. Dinala ni Addy si Clyde sa hanay ng faculty, bahagyang  napaatras pa ang dalaga.  Napansin ito ng bata kaya naman nagtanong ito kung ayos lang ba si Clyde. Alanganing ngiti lang ang naging tugon ng huli.

'Seriously what's wrong with this people?!' ani Clyde.

Malamang nasa isip ng mga mapanghusgang tao na nilalandi niya ang guro. Napabuntong hininga na lamang si Clyde, hindi naman niya kasi naisip na pupuntahan ni Addy si Juslin. Ang paalam ng bata sa kanya ay sa car park ang punta nila kaya naman sinamahan niya dahil medyo nagaalala rin siya sa kalagayan ng bata.

Nagkaroon ito trauma na mag-isa sa hindi masyadong matao na lugar. Iniisip nito na baka balikan siya ng ex-bf na isang adik.

Naisip ni Clyde na baka may kung anong masamang mangyari sa bata. To be honest, naaawa siya kaya naman pumayag siya sa pakiusap ng guro na tulungan itong bantayan at hangga't maaari ay tulungan din siyang alagaan ang bata.

Naiintindihan naman niya mahirap maging ama't ina sa bata kaya nga siguro wala nang oras pang mag-asawa ang lalaki kahit na nasa tamang edad na ito.

"May I have the key?" Wika ni Addy kay Sir. Juslin.

Inilahad ni Addy ang kamay at matapos makuha ang susi ay hinila niya ang kamay ni Clyde, patungo sila sa carpark.

"Tita, don't go anywhere," saad ni Addy bago tumungo sa hamper ng kotse.

Kahit na naaasiwa sa tawag ng bata sa kanya ay marahan na lamang na tumango si Clyde. Siya ay sumandal sa itim at makinang na mercedez benz.

"Here! tita I hope you like it."

Hindi na siya nabigla, sa tuwing makikipagkita si Addy ay laging may ibinibigay sa kanya.  Katunayan ay masyado na ata siyang naiispoiled ng bata.

"Masyado mo na ako iniispoiled, ito na sana ang huling pagkakataon na makakatanggap ako ng materyal na bagay mula sa iyo."

"Pero tita si tito Jus naman nagpapabigay niyan."

Huh?!?!

Bakit naman siya bibigyan ng bracelet ng guro?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit naman siya bibigyan ng bracelet ng guro?

Bago pa siya makapagtanong ay tumunog na ang bell. Agad siyang hinila ni Addy pabalik sa campus. Nagpaalam na ang bata na mauuna na ito sa kabilang parte ng unibersidad, patungo naman si Clyde  sa kanyang klase.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa dalaga ang bracelet sayang at hindi niya makokompronta ang guro. Bukas pa ang klase nila nakakahiya naman kung pupuntahan niya pa ito sa faculty.

"Good morning class."

Mabuti na lamang at naunahan niya ang bugnutin nilang guro.

"Good morning, Ma'am."

Nagsimula nang magdiscuss, nakinig naman ang lahat dahil kung hindi ay may kalalagyan ang index card ng mahuling lumililipad ang utak sa klase nito.

Napatingin siya sa gawing bintana dahil nasa ikalawang palapag lang ay kitang kita ang tao sa baba. Malinaw na sumaludo sa kanya si Juslin, ang guro na siyang nagbigay palaisipan. Hindi niya alam kung nasa wisyo pa nga ba siya, basta na lang niyang itinaas ang kaliwang kamay. Kumislap ng bahagya ang bahaging iyon dahil na rin sa tama ng liwanag sa bracelet.

Nababaliw na ata siya. Pumasok siya sa paaralan para mag-aral, bukod sa misyon ay pag-aaral rin talaga ang tuon niya. Nasa paaralan siya upang may matutuhan hindi para matutong ituon ang atensyon sa guro na sadyang mabait lang talaga. Bago pa siya mahuli ng guro na kasalukuyang nakaharap sa pisara ay humarap na ulit si Clyde sa pisara na animo hindi nalihis ang atensyon.

Mabilis ang takbo ng oras parang kanina lang ay nasira ang araw nilang magkakaibagan sa ceremony. Natapos na ang tatlong klase niya ngayong araw. Nasa kanya ang pasya kung uuwi na para magpahinga o hihintayin niya pa ang mga kaibigan niya. Sadyang gabi pa ang uwi nina  Lavender at Sofia.

Maglakad-lakad muna siya sa kahabaan ng Pureza. Suot ang wireless na earphone ay naglakad siya na para bang sa buwan ang tunguhin. Tahimik ang lugar talaga namang nakakarelax sa pakiramdam lalo pa't sinabayan niya ito ng paboritong tugtugin.

Sa daan ay may nakasabay siyang dalawang dalaga sa tantya niya ay mas bata sa kanya ng tatlong taon. Nagjojogging ang dalawa kaya naman mas mabilis na nakalayo ang mga ito.

"Ay potek! Nakanang! Buti hindi ako nadapa. Hindi pala nakatali ang sintas ng isa kong sapatos," bulalas niya nang mapansing hindi nakaayos ang kanyang sintas.

Tumigil siya at yumuko sandali para iayos ito. Nagtaka siya ng mapansing wala na ang dalawa. Napakibit balikat na lamang si Clyde. Aniya ay baka lumiko na o di kaya ay binilisan ng mga ito ang takbo.

Binalikan niya ang motorsiklo na iniwan niya sa parking area ng university.  Tinakbo niya ang kahabaan ng kalsada. Malas pa at inabutan ng traffic na talaga namang sakit na ng bansang Pilipinas.

Lumikot ang kanyang mata, napadako ito sa side mirror ng Maroon na Ford expedition. Nanlaki ang mga mata niya, hindi siya sigurado ngunit sinasabi ng kanyang intuition na hindi siya nililinlang ng mata.

Kamuntik na siyang mawalan ng balanse sa gulat. Sakto namang umandar na ang mga sasakyan hindi na siya nagdalawang isip pang sundan ang kotse. Hindi niya hahayaang mawala sa paningin ang pakay.

Sadyang pinaglalaruan ata siya ng tadahana kung kailan malapit na niyang madikitan ay naabutan pa siya ng stop light samantalang nakatawid na ang kanyang sinusundan.

Sigurado siya na tinulungan ito ng demonyo dahil impossibleng gabayan ng diyos ang kampon ng kadiliman na gaya ng taong iyon.

'narito pala siya sa bansang ito napakaliit nga naman ng mundo. Sa lahat siya ang huling gugustuhing kong makita!'

Ang multo sa kanyang buhay.

Ang dungis sa kanyang pagkatao.

Kung magkakaharap man sila ay sisiguraduhin niya na mabubura ang isang iyon sa mundo.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon