3rd Person's POV
Sa isang bulaluhan sila kumain ng gurong si Tristan. Di mapakali ang dalaga dahil hindi na nabuhay pa ang kanyang cellphone tila nasira na nga siguro.
Napakamalas naman, bakit ngayon pa siya nasiraan ng cellphone?!
Gustong- gusto na ni Sofia na makausap si Gian ngunit wala ang kanyang cellphone hindi naman niya maaring gamitin ang para sa kanyang misyon.
Magkaiba ta may limit ang bagay na gagamitin niya. Natural na hiwalay ang para sa personal niyang buhay. Hiwalay ito sa gamit niya sa trabaho.
Hindi niya isasaangkalan ang misyon para sa kanyang landi lamang.
"Kanina ka pa balisa may iniisip ka ba??" Usisa ni Mr. Topaz.
"Huh? Wala lang ito sir. Nasira kasi itong cellphone ko hindi ko alam paano ko kakausapin mga kaibigan ko," sagot naman ni Sofia.
"Here, makitxt ka muna sa akin." Inilabas ng guro ang Iphone 12 at ipinatong iyon sa lamesa.
"Sir, no need nakakahiya wala naman din akong importanteng sasabihin sa kanila."
Ang totoo kasi ay nahihiya rin talaga siya mamaya pa ay malaman nitong may natitipuhan siya. Ayaw niyang tuksuhin s'ya ng guro. Mas gusto niyang tingnan siya ng guro na seryoso at walang kakayahang mag kainteres sa lalaki.
"Nga pala sunod-sunod ang meeting na pupuntahan natin kasama natin si Mr. Chen ng CPSPA."
Tumango lamang ang si Sofia mabuti naman at makakasunod na si Lavender. Si Mr. Chen ang dean ng college of political science and public administration na sya namang guro ng kaibigang si Lav, student assistant ng propesor.
Kung tama ang impormasyon ng kanilang lady boss ay maigi nga na mag-ingat sila hindi sila maaring sumablay. Ayon sa ginang ay darating ang isang sindikato na nagbebenta ng mga bata.
Mga batang nawawala at lilitaw lamang na may nakapaloob na pera sa loob ng wakwak na tiyan. Ang walang hiyang halang na ito ay nagtatago sa katauhan ng isang opisyal na nakaupo sa pamahalaan. Kahit saan sila magpunta ay tila laging may gulo.
"Gusto mo pa ba? Magsabi ka lang."
Napangiwi ang dalaga sa sinabi ng kanyang guro nagmukha tuloy siyang tanga kanina pa pala sya sumasandok ng sabaw wala naman na palang mahihigop pa. Bakit ba naman kasi wala siya sarili.
"he~he~ ubos na pala."
"Naiilang ka pa rin ba sa akin? I mean, I know naman gwapo ako 'wag mo naman sana ipahalata ang iyong admiration."
Nanlaki ang mata ng dalaga nagpanting ang tainga nito.
Gwapo??? Well, totoo naman...
Ipahalata ang what?!!?! A-D-M-I-R-A-T-I-O-N?! Pweeh mahiya-hiya naman siya ano! Giit ng isip ni Sofia.
"Now if you may excuse me, I don't like having conversation with conceited guy."
Sabay tayo niya kung ganun lang rin mauuna na lang sya sa hotel. Total nasa bayan naman na sila kahit papano ay mapapara naman na siguro siyang grab o taxi.
'Ang lalaking iyon napakahangin talaga hindi porke gwapo sya ay magkakagusto na sa kanya lahat. Pwes ibahin niya ako hindi ako nadadaan sa mukha lang. Ang gusto ko ay iyong maginoo at may laman ang utak hindi puro hangin lang.' Maktol ng isip ni Sofia.
"Masyado ka namang seryoso, dear student."
Nakahabol pala ito sa kanya sabagay mas malalaki ang hakbang ng binata kumpara sa kanya.
"Hindi ako nagpunta rito para makipagbiruan sa guro."
"Masyado ka namang seryoso kaya wala kang boyfriend."
"Sino nagsabing wala akong bf?"
Mataray na sagot niya ang totoo nasa isip nya ay mauuwi rin sa romantikong relasyon ang mayroon sila ni Gian. Hindi naman siguro masamang maghangad na makaramdam ng pag-ibig. Pagkatapos ng misyon niya ay gusto niya rin dumanas ng normal na buhay.
"Dear student wag na masungit sanaol may jowa. Tena at nang makabalik na tayo ng hotel."
"Sanaol ka riyan, eww jologs," pabulong na wika ng dalaga.
Bagama't ang sabi ng dalaga ay hindi sya sasabay sa guro ngunit nauwi pa rin siya sa passenger seat ng binata.
Wala silang imikan sa loob ng kotse.
Akmang matutulog ang dalaga nang marinig niyang may kausap ang binata. Inisip niya na baka may kinalaman ito kay Harsce natatandaan niyang kahina-hinala ang kilos ng mga ito. Medyo hindi niya marinig ang usapan bukod sa nahihirapan syang makinig habang nagtutulog-tulugan.
"Hintayin lang muna natin ang order mula sa taas."
Nakaearphone pa isang banda lang tuloy ang naririnig niya. Hindi niya marinig ang sinasabi ng kabilang linya.
"Huwag niyong papakealaman muna iyan, those are secret weapons."
Secret weapons???
"I'll be there hahatid ko lng sa hotel itong student ko."
'So may pupuntahan pala siya malamang tungkol iyon sa secret weapon.' singit ng isip ni Sof.
"F*ck you pre! AHAHAHAH baka gusto mo mapatay ako ni Alondra."
'Alondra?? Gf niya siguro...'
Tahimik na ulit sa loob ng kotse ngunit ang isip ng dalaga ay hindi matahimik.
Sa kabilang banda ay sinigurado na muna ni Tristan na tulog na ang dalaga bago niya sinagot ang tawag ng isa sa kasamahan niya. Ang hindi nito alam ay nagkukunwari lamang itong tulog.
Pinaalam lamang nito na dumating na ang bagong kagamitan nakikipagkita ito sa kanya sa isang lumang warehouse. Matagal na itong nagtatrabaho sa pamilya nila kaya naman nakakabiruan na nya ito. Katunayan ay kanina lamang inaalaska siya nito na nambabae na naman at bago si Sof na kanyang estudyante ang bagong trip niya ang kanyang sagot ay ayaw niyang malagot kay alondra.
Si Alondra ang anak ng may-ari ng resto sa loob mismo ng hotel na tinutuluyan nila. Hindi naman niya ito gf pero parang ganun na nga panay ang lapit sa kanya nito kaya naman ay sinakyan na rin niya ang pang-aakit nito. Pagkatapos ay babalik rin siya sa isa pa nyang kafling sa Manila.
Pansamantala ay si Alondra muna ang pampapalipas oras niya. Wala naman siyang pakialam kung mahuli sya ni Alondra na nagloloko hindi naman rin siya magseseryoso sa babae. Alam niyang hindi sya pwede magseryoso.
Simula nang tinanggap niya ang trabahong ipinilit sa kanya ng ama ay nangako siya na hindi na lamang bubuo ng sariling pamilya, para saan pa ang pamilya mailalagay lamang niya sa kapahamakan ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
ActionHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...