Ipinakilala ni Robert si Jade sa kanyang pamilya kaharap ang asawa niyang si Diana, ang panganay na anak na si Donna, at ang bunsong anak na si Rod.
"This is Jade. Ang....kapatid niyo."
Nagulat ang magkapatid samantalang si Diana ay pinipigilan niyang lumuha, saglit na tumahimik pero di na niya napigilan at sinigawan niya si Robert.
"Hindi pwedeng malaman ng kompanya na may anak ka sa labas! Ano na lang ang sasabihin ng ibang business partners natin?! Binibigyan mo ng kahihiyan ang mga anak mo Robert! Lalo na ako!"
Gulung-gulo ang isip ng mga anak ni Robert lalo na ang pitong taong gulang niyang anak na lalaki.
"Dad? What is happening? Ano po yung anak sa labas? Is she our long lost sister?"
Tahimik lang si Robert lalo na si Jade na nakatingin lang sa ibaba at nakasimangot. Si Donna naman ay Nalungkot at nasaktan sa kanyang nalaman.
"Dad what the hell is this?! Did you cheated on mom?! How dare you bring her here!"
Tumulo ang luha ni Diana at tumakbo naman si Donna papunta sa kanyang kwarto. Si Rod naman ay lalong na-confuse dahil narinig niya ang salitang "Cheated".
"Sinabi ko sayo Diana na maging kalmado ka. Alam mong dadating si Jade dito pero...."
"Pero ano?! Sa tingin mo magiging kalmado ako? Lalo na at nakikita ko sa muka ng bata'ng yan ang nanay niya!"
"Enough Diana! Napag usapan na natin ito. Ang sabi ko sayo tulungan mo akong magpaliwanag sa anak natin diba? Pero nagalit ka sa harapan ng mga anak mo."
Si Jade naman ay punong puno ng galit at lungkot ang kanyang mga mata dahil galit na galit ang mag-ina sa kanya.
"You expect me to do that Robert? Ang sabi ko sayo rentahan mo siya ng bahay at huwag ipakita sa mga anak ko."
"But she's my daughter! My own flesh and blood too."
Hindi na nagsalita si Diana at hinatak niya si Rod papalayo kila Jade at Robert. Tiningnan ni Robert si Jade at hinimas niya ang likod nito pero hinawi ni Jade ang kamay ng kanyang ama.
"Jade... Halika. Ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo. Huwag kang mag alala, makakapag usap din tayo ng mga kapatid mo mamayang dinner."
Tahimik lang si Jade at sinundan niya si Robert. Pagpasok ni Jade sa kwarto ay agad niyang sinaraduhan si Robert at nilock ang pinto. Napabuntong hininga si Robert at naisip niya na gusto munang mapag isa ni Jade kaya hinayaan na lang muna niya ito.
"Jade.. Anak, kakatok na lang ako mamayang dinner."
Umupo sa kama si Jade at binuksan ang bag at kinuha ang litrato nilang apat ng mommy at step-dad niya kasama ang bunsong kapatid na lalaki. Hinimas niya ito at nilagay sa table malapit sa kama niya.
Nagchichismisan naman ang mga kasambahay nila Robert sa kusina at may kanya-kanyang version ng storya ang bawat isa.
Maria (Cook)
"Abay, narinig niyo ba yung sinabi ni ma'am? Anak sa labas yung dalang dalaga ni ser."Luci- (Labandera)
"Sa tingin ko, naanakan ni ser yung kabit niya tapos wala nang pera yung kabit ni ser kaya pinadala dito yung bata."Chito- (Driver)
"Kabit? Parang malabong magkaroon ng kabit si ser kasi sa araw araw na pag da-drive ko sa kanya, ang destinasyon lang namin ay opisina at bahay yun lang."Manang Loleng- (Ang yaya ni Robert simula pagkabata)
"Ano ba kayo! Nagchichismisan pa kayo diyan baka marinig kayo nila ma'am mapalayas pa kayo bigla diyan. Bilisan ninyong magluto at maghain malapit na'ng hapunan."
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Teen FictionLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...