Chapter 14// Getting to know each other

878 22 0
                                    

Tom's POV

Maaga akong naghintay sa tapat ng mansyon nila Jade. Nagtext ako sa kanya pero hindi siya nagrereply.

Cold mode nanaman siya.

Buti na lang naayos na ni kuya Oscar ang kotse ko at maihahatid ko na ng maayos si Jade.

Bumukas ang gate nila.

Lumabas si Jade.

Ang  ganda niya. Parang nag slow-motion ang lahat.

Medyo wet ang hair dahil kakaligo lang.

Nakasuot siya ng black and white stripes at naka jumper. Fit sa kanya kaya makikita mo ang magandang kurba ng katawan ni Jade at naka white sneakers din siya.

Lumabas ako sa kotse at nanlaki ang mata niya nung nakita ako.

Nilapitan ko siya at sinuot ko sa kanya ang varsity jacket ko.

"Gusto ko yang suot mo pero maraming mata ang titingin sayo."

Ang cute ni Jade. Innocent look mode again.

Hinawakan ko ang kamay niya at parang nahiya si Jade dahil hindi na siya tumingin sakin.

I lead her to the car.

This feels so good.

Sabay kaming papasok ni Jade.

Siya na ang nagbukas ng kotse at parang naiilang siya pag nagiging sweet ako sa kanya.

Why?

Dapat masanay na siya.

Pinandar ko ang kotse.

Ang tahimik.

"Uhm.. Nagtext ako sayo ah, di ka nanaman nagrereply."

"Naubos na yung load ko."

Ano ba yan.

"Edi i-chat mo ako."

Naalala ko wala nga palang social media accounts si Jade.

"Gumawa kana kasi ng Facebook, instagram, or twitter para kahit wala kang load may contact pa din tayo."

"Ahh.."

Nakakainis naman ang sagot ni Jade. Sobrang cold niya at hindi naman ako pwedeng magreklamo kasi hindi pa naman kami official.

Pero pinreno ko ang kotse at napakapit siya sa seatbelt.

"Alam mo Jade, bakit ba ang cold mo sakin?"

"So.. Sorry."

Sorry? Yun lang?

"Simula nung nag kiss tayo ganyan ka na."

Namula siya nung sinabi ko ang 'kiss'

"Okay ganito na lang.. Kailangan nating mag GTKEO."

"GTKEO?"

"Getting to know each other."

Tumango lang sakin si Jade.

"Uhm... May naging boyfriend ka na ba?"

Nanlaki ang mata ni Jade sa tanong ko.

"Wala pa."

Kaya pala... First time lang niya pag nagkataon na maging official na kami. Pero hindi ko maiwasang mapangiti lalo na, nalaman kong wala pa siyang nagiging boyfriend.

I'm so lucky.

"Alam mo Tom, male-late tayo sa ginagawa mo."

"Ang aga pa Jade. Lagi ka ngang advance ng isang oras pumasok eh. Tapos ang gagawin mo lang magbasa ng libro. Tapos pag break time, sa room ka lang kakain or pupunta ka sa library para ipagpatuloy ang pagbabasa mo ng libro."

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon