Chapter 33// Outdoor

117 4 2
                                    

Donna's POV

This is it.

Sa wakas, magkakasama na ulit kami ni Jose. Section by section ang magkakasama sa bus kaya medyo naiinis ako kasi hindi kami magkasama ni Jose sa biyahe. Ang haba pa ng biyahe 4 to 5 hours depende pa sa traffic yan.

Natulog muna ako kasi hindi din ako nakatulog sa sobrang excited ko sa outdoor na ito. Ginising na lang ako ni Mandy nang makarating na kami.

Pagbaba ko sa bus ay nakita ko kaagad si Jose at niyakap ko siya. Nung makita ko si Charlie na bumaba sa kabilang bus ay humiwalay kaagad ako kay Jose. Nagkita kita na din kami nila Jade at nagsama sama kami kahit na by section ang grupo. Ang ganda dito sa Zambales at ang lawak ng facility nila at ang lawak ng lupain dito siguro kami magtatayo ng tent.

Pinapasok muna kami sa malaking Gym at doon muna kami pinakain. Ang ganda ng basketball court nila sobrang linis at kintab. Batch one pa lang kami pero napaka rami na namin. Nagtabi-tabi kami nila Jade at nagsalu-salo sa masarap na pagkain na binigay sa amin.

Si Charlie, talagang nakatitig siya sakin habang kumakain at talagang naiirita ako sa kanya. Hindi ko muna pinapakita na sweet kami ni Jose dahil baka isumbong niya ako kay Daddy. Sa dinami rami ng babae bakit pa kasi ako ang nagustohan niya? Maganda naman talaga ako pero nakakapagtaka, bakit biglang naging ako ang nagustohan niya samantalang obvious naman na si Jade talaga ang gusto niya?

"Wag mo na lang siyang pansinin." Pabulong sakin ni Jade. Siguro napansin niya na panay ang tingin sakin ni Charlie. Hindi ko na lang pinansin ang lalaking yun kaya kumain na lang ako ng kumain dahil nagutom din ako sa biyahe.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay nagpaakilala na samin ang mga hosts dito sa Outdoor namin. Nag pray kami at kong excersice para mabuhayan ang mga kaloob looban namin. Hinati hati kami bawat teams at bubunot kami ng color at kung anong color ang nabunot namin, yun ang magiging team namin. Hinati kami base sa rainbow colors dahil sa sobrang dami namin. Nabunot ko ay purple napangiti ako ng mabunot ni Jade ang purple. Dahil nga mas matimbang ang barkada, nakipagpalit ng team yung ibang students para lang magkasa sama silang magkakaibigan at ganun din kami.

Twenty persons bawat isang team at buti na lang pasok kaming magkakaibigan. Malalaki yung tent na binigay samin kasya limang tao bawat isang tent pero anim kaming nagkasya sa loob. Ako, si Jade, Sher, Mandy, Carol, at Tina. Hiwalay ang boys sa girls. Magdidilim na nang matapos naming itayo ang tent dahil na din sa paghaharutan namin. Buti na lang at marunong magsindi ng apoy si Jade at Jose, at kami pa lang ang unang nakakapag luto sa lahat ng teams.

Naninibago ako kay Dave, sobrang sipag niya ngayon ha at siya pa ang nagbabantay ng sinaing namin sa kawayan. Kanina pa siya tahimik at wala siyang nilapitan ni isang babae dito. Nilalagnat ba siya? Si Gabe naman, bakit umiiwas siya kay Tina? Ang layo niya ngayon kay Tina akala ko pa naman okay na sila. Parang nangangamoy one sided ito ha. Naaawa tuloy ako kay Tina dahil pansin na din niyang iniiwasan na siya ni Gabe.

Sinuot sakin ni Jose ang jacket niya at nilagyan niya ako ng mosquito patch. Napaka sweet talaga niya at napaka swerte ko. Napatingin ako kay Tom at Jade at sweet din sila na sabay nag-iihaw ng hotdog na binaon namin at nakaakbay pa talaga si Tom kay Jade. Ang mga friends ko naman ay panay ang pa-picture kay Jeremy grabe, ginawa ba namang photo shoot itong tent namin.

Ang saya nito. Sabay sabay kaming kumakain, nagtatawanan at nag aasaran. Ito na ang pinakamasayang araw ko kasama ang taong mahal ko at wala na akong mahihiling pa.

May narinig kaming pumito at pinabangon kami sa tent at Isa siya sa mga host dito.

"OMG naman, ang aga 6am pa lang." Reklamo ko

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon