Jade's POV
Sa awa ng diyos ay nakapasa naman kaming lahat na magkakaibigan sa entrance exam. Ang hirap turuan ni Donna pati mga minions niya ang dami nilang reklamo buti na lang kung ano yung tinuro ko sa kanila yun yung lumabas sa exam. Paano pa kaya kung hindi ko sila tinulungan?
Palihim naman kaming nagkikita ni Tom at sa park kami madalas magkasama. Doon ko na din siya tunuturuan para sa entrance exam. Thanks god at nakapasa naman siya.
Baka mapahiya pa siya kung hindi siya makapasa sa University na tinaguyod ng great great grand father niya.
Pumunta kaming lahat sa University para mag enroll at makita kung anong section namin at schedule. Halos pare-parehas kami ng course dahil na din mga business person ang mga magulang nila.
"Ayan, ito na yung section natin."- Sher
"OMG! Magkakaklase pa din tayo! Hahaha! -Mandy
Panong hindi nanaman sila magkakasama eh parehas lang sila ng mga puntos.
May anim na section sa kursong kinuha namin. Pang apat na section sila Donna, Sher, Mandy, at Carol. Sa pang limang section naman ay sila Dave, Gabe, Tom at Jose. Yup, Dito din sa DVU mag-aaral si Jose.
"Ayos, magkakasama pa din pala tayong tatlo mga bro." - Gabe
Nagulat sila nang makita nilang tumitingin ng list ng section ni Jose.
"Jose?" -Donna
"Hello" - Jose
"Di....dito ka mag-aaral?"
"Oo.. awa ng diyos nakapasa naman ako." -Jose
"Ayos pala yan teka, may nakita akong Jose sa list ng section namin. Ikaw ba yun?" -Tom
"Oo ako nga."- Jose
"Ayos pala, welcome sa DVU." -Dave
"Hoy, kayong tatlo, wag na wag ninyong tuturuan ng kalokahan yang si Jose ha. Yari kayo sakin." Alam ko kasing maloko ang dalawang kaibigan ni Tom. Kay Tom may tiwala ako, pero sa dalawa niyang best friend na babaero, hindi.
"Buti na lang kasama namin ni Tina si Jade. Kahit paano may kaibigan pa rin kami sa section namin." -Jeremy
"Edi kayo na ang star section." -Carol.
"Haaay.. meron pa tayong two weeks bago mag start ng klase dito sa DVU. Ang bilis talaga ng bakasyon." -Mandy
Napansin kong tahimik si Tina. Napatingin siya kay Gabe pero umiwas naman ng tingin sa kanya si Gabe. Magkaaway ba silang dalawa? Bakit parang nag-iiwasan sila?
"Ang mabuti pa, kopyahin na natin ang mga schedule natin. Tumatakbo ang oras mamaya dadami na ang tao dito." Nilabas naman nila ang mga notebook at pen nila at sinunod ang sinabi ko.
***
Bago kami umuwi ay pumunta muna ako sa CR at nakita ko si Tina na nagpupunas ng luha."Tina, Are you alright?"
"Sobrang nakakahiya Jade."
"What do you mean?"
"Nahihiya na akong sumama sa inyong lahat. Napaka-awkward na kasi."
"Bakit? Inaway ka ba nila? Sino sa kanila? Sabihin mo lang sakin."
"Wala namang nang-away sakin. Ano kasi.... Si... Pano ko ba sasabihin sayo."
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Novela JuvenilLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...