Tom's POV
Haaaayyy! Ang sarap ng tulog ko. Napansin kong wala na si Jade sa kama nya at 7am na nung tumingin ako sa orasan. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Ang ganda ng sikat ng araw na tumatama sa aking muka at matatanaw mo ang ranch malapit dito pero....... Si moreno kasama ang Jade ko... May bitbit silang pinamili at nagtatawanan.
Nawala ang ngiti ko at agad akong naghilamos at toothbrush. Nagsuot ako ng blue T-shirt at grey sweatpants. Bago ko sila salubungin ay inayos ko muna ang buhok ko.
"Ehem! Good morning."
Nagtinginan lang sila moreno at Jade.
"Uhm... Wala ba akong maitutulong sa inyo?"
"Wala na pre, okay na ang lahat."
Sagot ni moreno sakin. Pre? Anong pre? Ang corny ng tawag nya sa akin ha. Dinaanan lang nila akong dalawa at sinundan ko sila papuntang kusina.
"Jose, Jade, kumain na kayo ng almusal. Salamat nga pala ang aga ko tuloy kayong nautusan." -Mom
"Okay lang po ma'am." -Jose
"Anong ma'am ka diyan, ate tere na lang para mas bata pakinggan." -Mom
"Ahm.. Sige po ate tere." -Jose
"Alam mo ang cute cute mo.." Pinisil ni mommy ang pisngi ni Jose. Ano bang cute don? Parang wala naman. "Oh, ikaw naman Tom kailan mo balak tumulong dito?" What?! Pagdating sakin masungit talaga si mommy? Nakakainis ha. Pag kay Jose ang bait bait nya tapos may pa pisil-pisil pa ng pisngi tapos sakin masungit? So unfair!
"Di pa ko nag aalmusal mom."
"Niligpit mo na ba yung hinigaan mo?"
"Hindi pa."
"Ligpitin mo na."
"Pero mom, kakain muna ako."
"Ligpitin mo na sabi." Sabay pinanlakihan ako ng mata ni mommy.
Wala na akong nagawa kaya sinunod ko na lang siya.So ayun, tiniklop ko yung kumot at kinuha ko ang unan at binalik sa kwarto namin ni kuya Oscar
Pagbalik ko sa kusina ay nagtatawanan sila mom, dad, Jade, at moreno habang kumakain ng almusal. Umupo ako sa tabi ni Jade at naglagay ng hotdog sa pinggan ko.
"Anong pinagtatawanan nyo?" Nagtinginan silang apat sabay tawa nanaman.
"Alam mo anak, nakwento ko kasi last year nung nagbakasyon tayo sa Baguio, naihi ka sa kama. Kaya tinanong ko si Jade kung naihi ka eh, buti naman at hindi." Nagtawanan nanaman sila.
"Mom?!" Grabe nakakahiya feeling ko nagblush na ko dahil nag init ang muka ko.
"What?! Tinanong ko lang naman kasi baka paglabahin mo pa ako ng sapin at kumot mo dito." Im shookt! Nakakainis talaga si mommy at ayaw nilang tumigil ng kakatawa.
Tahimik lang ako habang kumakain at lahat sila ay nagkwe-kwentuhan. Pagkatapos ay nagligpit ako ng pinagkainan at nilagay ang mga ito sa lababo. Sabi ni mom maghugas daw ako ng pinggan kung hindi, hindi kami gagamit ng wifi.
Ang galing mang black mail ni mommy.
"Ahm.... Pre, ako na lang ang maghuhugas?" Lumingon ako kay moreno tapos ngumiting aso pa sakin. "Hindi na, magagalit sakin si mom." Hindi na sya kumibo at iniwanan nya ako sa kusina.
"Tulungan na kita." Lumapit sa akin si Jade at napatitig nanaman ako sa kanya. "Ako ang magsasabon baka mamantika pa pag ikaw ang nagsabon. Ikaw na lang ang magbanlaw." Grabe, wala akong naisagot at napangiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Teen FictionLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...