Chapter 13// Kasi nagseselos ako. hindi mo ba halata? Nagseselos ako.

989 30 1
                                    

Jade's POV

Hindi naging maganda ang gising ko...

Napuyat ako kakaisip sa charlie na yan kung bakit niya ako ini-istalk saka nag-alala din ako kung bumuka ba yung tahi niya kasi namilipit siya sa sakit ng tagiliran niya.

Nagiging mas aware na tuloy ako kung may sumusunod ba sakin o hindi eh parang sira tuloy ako kakaobserba sa paligid ko.

Teka, ang daming tao naman sa gate ng school namin.

Anong meron?

Nakipag siksikan ako sa mga tao para lang makapasok sa gate.

At nagulat ako sa nakita ko..

Si Charlie, may hawak na bulaklak at lahat ng mga estudyante kinukuhanan siya ng letrato.

Para akong na-stock sa kinatatayuan ko at paano ako makakatawid nito? Nasa tapat siya ng gate.

Papasok na ba ako? Mamaya na kaya?

Hinahanap ba niya ako? Kasi lumilibot ang mga mata niya na parang may hinahanap.

Wag kang titingin sakin

Wag kang titingin sakin

Wag kang titingin sakin

Oh my gosh nakita na niya ako.

"Jade! Nandiyan ka lang pala." Napaka malas ko naman at lahat sila ay nagtinginan sakin. Sinabi nang wag na niya akong susundan eh ang tigas talaga ng ulo.

Lumapit si Charlie sakin at inabot ang flowers tapos naghiwayan pa lahat ng estudyante. Mas na schock ako nung lumuhod sa harap ko si Charlie.

"Jade.. I'm so so sorry. Saka salamat dahil niligtas mo ang buhay ko." Naghiwayan ulit ang lahat at para akong nilalamon ng kahihiyan.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nakaluhod siya sa harap ko at ang daming tao sa paligid namin tapos inaabot pa saakin ang flowers.

"Tanggapin mo na! Tanggapin mo na! Tanggapin mo na!" Hiyawan nilang lahat. At ano pa nga bang dapat kong gawin para lang matapos na to? Edi kinuha ko na yung flowers pero padabog tapos naghiyawan nanaman sila.

Hindi ko napansin na... Nandito na pala si Tom at nasa likuran siya ng mga nakapalibot na estudyante samin. Nagsalubong ang kilay niya at.. Nagseselos ba siya?

Sana hindi...

dahil walang kahulugan ang pagkuha ko ng flowers.

Promise wala lang to.

Pero pakiramdam ko na guilty ako. Nag worry tuloy ako.

At bigla na lang umalis si Tom...

Aalis na sana ako para sundan si Tom pero humarang si Charlie.

"Teka saan ka pupunta Jade?" Lintek ka naman Charlie, hindi ko na nakita si Tom. Bigla na lang siyang nawala. "Alam mo, Charlie, okay na sige na pinapatawad na kita. Pero.. Marami pa kasi akong gagawin." Siguro naman naiintindahan ako ni Charlie dahil napangiti na lang siya sa akin na parang nagsasabi na "Okay sige naiintidihan ko." kaya iniwan ko siya at pumasok na ako sa loob ng school.

Pagpasok ko sa classroom, lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.

Si Tom nakatingin sa flowers na hawak ko at nakasimangot.

Umupo ako sa armchair ko. Si Tom naman ay lumingon sa bintana at nakahalumbaba.

Hindi niya ako pinapansin.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon