Chapter 10//Prank Gone Wrong

951 21 0
                                    

Jade's POV

Nagising ako alas singko ng madaling araw at pumunta ako sa rancho. Naisipan kong maglinis ulit dito dahil ilang araw ko nang hindi ulit naaasisako ang paglinis dito. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Daddy.

"Ikaw lang ang naglinis nito?"

"Tinulungan ako ni Jose."

"Aahh.."

Tumahimik si Dad at parang nahihirapan siyang makipag-usap sakin dahil hindi naman kami close. Never pa niya akong naka kwentuhan dahil lagi siyang busy sa work at lagi din naman akong nagkukulong sa kwarto ko.

"Ahm.. Alam mo ba na mahilig sa mga hayop ang mommy mo?" Tiningnan ko lang siya pero hindi ako kumikibo. Alam ko naman na pet lover talaga si mom. "Ahm.... May naalala ako, nakwento niya sakin dati nung.... Araw ng fiesta, binili daw siya ng tatay niya ng dalawang sisiw. Isang kulay pink at isang kulay green. tapos inalagaan daw niya yun hanggang sa lumaki at mangitlog at mgakaroon ng mga sisiw. Hanggang sa dumami ng dumami at lumaki sila ng lumaki, binenta na niya yung mga itlog sa mga kapit bahay nila. Pati sa school namin dati nag aalok ng itlog yun para pangdagdag baon niya tapos ako yung number one suki niya." Hindi pa din ako kumikibo sa kanya. Ewan ko ba, wala talaga ako sa mood makipag kwentuhan sa kanya.

"Gusto mo bang lagyan na natin ng mga manok ito? Saka, ano pang gusto mong idagdag? Baka, kambing, baboy or-" And I cut him off.

"Nakausap ko na yung abogado ko. Malapit ko nang makuha yung perang tinabi sakin nila mommy. At dun ako kukuha ng panggastos sa pagkuha ng mga hayop. At dun na rin ako kukuha ng pang-tuition ko. Alam ko na kung paano mabuhay ng mag-isa at kung paano i-handle ang ranchong ito dad. At plano kong hindi na bumalik sa mansyon at dito na lang ulit ako titira kung saan ako lumaki. Wag kayong mag-alala, babayaran ko lahat ng naigastos ninyo sa akin."

Tumahimik ulit si Dad at umiling siya sa akin.

"Resposibilidad ko yon bilang ama mo na pag-aralin kita. Jade, anak, please, wag mo naman akong itulak palayo sayo. Please anak, Ikaw na lang ang natitirang alaala ng mommy mo sakin."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa pagwawalis. Sa totoo lang, ayoko nang magkaroon ng koneksyon sa kanya lalo na kay princess Diana.

"Jade, hayaan mong alagaan kita."

"Paano? Kay Rod pa nga lang lagi kayong walang oras tapos gusto mo akong alagaan?"

Napaisip siya sa sinabi ko. Ano pang silbi ng pag-aalaga niya sakin kung lagi naman siyang wala.

"Jade please, alang alang kay Janna."

Wow, that sounds funny but at the same time, very irritating kasi nakukulitan na ako sa kanya at hindi niya mapansin na ayoko siyang kausapin. Napangiti ako, ngiting may halong inis.

"Alang ala? Inalala niyo ba siya nung naghirap siyang ipagbuntis ako? Alam niyo bang nag exist ako sa mundong ito? Hindi diba? Uhm, why? Because you're a coward. You left her. Ganun lang kadali sayo yun eh. Kasi takot kayong mawalan ng mana, takot kayong mawalan ng pera. Hindi ko na hiniling sa diyos na makilala kayo sa totoo lang. Okay na ako sa kung anong meron ako. Saka bakit ba kayo pumunta dito? Hindi ko naman kayo kailangan dito eh."

Binalibag ko ang walis at tinalikuran ko si Dad pero nagulat ako kasi nasa likuran ko pala si Donna. Kanina pa kaya siya nandito? Narinig ba niya ang pinag-usapan namin ni Dad? Pero ang mga mata ni Donna, may halong curiosity at awa. Mas lalo akong nainis kaya nag walk out na lang ako.

Pumasok ako sa bahay at nakasalubong ko si Tom na parang nay gustong sabihin pero hindi ko siya pinansin at nagkulong ako sa kwarto ko.

May kumatok sa pinto ko pero hindi ako sumasagot. Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Tom.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon