Jade's POV
Hindi ko akalain na magkikita kami ni Tom sa park. Nauntog ako sa matigas niyang dibdib at nung tumingala ako sa kanya, ngumiti siya sa akin.
Ngayon ko pa lang natitigan ng malapitan ang muka ni Tom. Dark chocolate eyes, mahaba ang mga pilik mata, manipis at mapula ang labi. But wait, bakit ko ba tinititigan ang muka niya?
Tinulak ko siya ng malakas pero tumatawa pa siya. Baliw na ba siya? Lumayo ako sa kanya pero sinundan at hinarang niya ako. Parang bata si Tom at ano bang pake niya kung saan ako pupunta? Naiinis ako sa kanya dahil ayaw niya akong padaanin at pilit pa din niya akong hinaharang.
Hanggang sa may umiyak na batang lalaki. Naligaw siya at hinahanap niya ang mommy niya. His name is Paolo at tinulungan naming hanapin ang mommy niya. Walang kibo si Tom at nakangiti lang siya the whole time. Bakit siya masaya? May nawawala na ngang bata nakangiti pa siya? Baliw na talaga ang lalaking to.
Dumating ang magandang babae at niyakap niya si Paolo. Siya na siguro ang mommy ni Paolo dahil magkamuka sila. Niyaya niya kaming sa resto nila pero tumanggi ako kasi gusto ko nang umuwi. Pumayag naman si Tom at wala akong choice kundi ang sumama sa kanila.
Habang hinihintay namin ang food namin, tinanong kami ni Mrs. Chan kung ano ang drinks namin. Pumipili pa ako sa menu pero....
"Ahm... Iced tea na lang po sakin Mrs. Chan at chocolate milkshake para kay Jade." Alam niya na yun talaga ang pipiliin ko at confident siyang hindi ako pipili ng ibang drinks. "Inorder na kita kasi bukod sa gatas at milktea, alam kong favorite mo din ang chocolate milkshake."Is he spying on me?
He look so happy at feeling niya nagde-date kami. May pagka isip bata minsan si Tom pero bagay naman sa kanya. Wait a minute, bakit biglang naging cute siya sa paningin ko? No no no... This cannot be.
"Ano ba Jade?!" Nagulat at nagising ang diwa ko nung sinigawan niya ako.
"Ha?" Oh boy, Napansin niyang tinititigan ko siya and his eyes... His looks.. Parang nakita ko na dati. All of a sudden naging familiar ang face niya pero hindi ko maisip or maalala kung sino yung kamuka niya. Basta, ang hirap i-explain na parang nakita ko na siya dati."Jade.. Seryoso ako... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Palagi kitang naiisip at hindi ako makatulog ng maayos dahil dun. Kabisado ko na lahat ng mga paborito mong pagkain at ang mga binabasa mong libro. Alam kong ayaw mo ng hot sauce sa burger mo, hindi ka pala inom ng soft drinks at palagi kang nakikinig ng music sa cellphone mo kapag maingay na kaming lahat sa classroom."
Bakit ba niya sinasabi to sakin? I'm confused. Every little detail sakin ay napapansin niya at alam niya ang mga gusto at ayaw ko. Why Tom?
"Minsan tinatanong ko ang sarili ko, bakit ba lahat na lang ng mga ginagawa mo napapansin ko? Minsan iniisip ko, nakakainis ka, mataray, suplada, at masungit. Pero totoo naman talaga yun."
Okay na sana eh, kailangan pa niyang sabihin sakin kung gaano ako nakakainis?
"Pero nung nakita ko kung paano mo ako niligtas, yung first day mo sa school na tinulungan mong pulutin yung snacks ni Tina, kung paano mo kami tinulungan magreview,"
Ahm.. Hindi ko dapat kayo tutulungan dahil naipit ako sa situation that day eh.
"At kung paano mo pinatahan si Paolo kanina? Masasabi kong, may mabuti kang puso. Hindi nakikita ng iba yun kasi masyadong strong ang personality mo."
Wow.. Marunong pala pumuri ng tao si Tom? All I know is sarili lang niya ang pinupuri niya. And I'm overwhelmed sa lahat ng sinabi niya sa akin.
"Jade... I.... I... I like you."
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Novela JuvenilLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...