Chapter 22//So Sick

781 19 8
                                    

Donna's POV

"Wow.. T and the company." Nakatingin sakin si Jade nung sinabi niya yun. Buwist ka talaga Tom nagsama ka pa ng dalawang bodyguard at yaya.

Sinarado ni Jade ang pinto ng malakas at ni-lock niya ito. "Wag na wag mo silang papapasukin. Paalisin mo yang mga yan dito." Tumango ako kay Jade at natatakot ako sa maga mata niyang nag-aalab sa galit. Ang mga mata talaga ni Jade ang panakot niya kasi isang tingin pa lang, manginginig ka na.

Biglang bumuhos ulit ang ulan ng malakas. Kumakatok si Tom at naawa ako kahit na may silong ay malamig naman sa labas. Hindi ko pwedeng buksan ang pinto dahil hindi sila welcome dito at nag gate-crashing sila sa bakasyon namin. Sumama pa yang yaya Audrey na yan talagang mag-iinit ang ulo ni Jade.

Bumalik ako sa sala at ininom ko ulit ang hot chocolate ko. "Donna! Jade! Please, pwede bang makisilong muna diyan sa inyo?!" Sigaw ni Tom. Naaawa na talaga ako sa kanila.

"Sino ba yung sumisigaw na yun? Bakit ayaw niyong papasukin?" -Jose

"Si Tom." -Jade

"Si Tom? Aba eh papasukin ninyo kawawa naman malakas ang ulan." -Ate Nene

"Ang kapal talaga ng muka ng lalaki na yan at pumunta pa dito?! Teka, tuturuan ko lang ng leksyon yan." -Jose

"Hayaan mo na Jose. Hindi mo alam kung ano ang tunay na nangyari samin kaya wag mo na lang siyang pansinin." -Jade

Biglang kumulog at natakot ako baka kasi makidlatan ako dito. Puro bukid pa naman dito kila Jade. Kulog pa din ng kulog at nakatingin lang kaming lahat kay Jade.

"Fine! Papasukin niyo na. Pag tumila na ang ulan palayasin niyo din sila kaagad!" Nakonsensya din si Jade at umakyat na lang siya sa kwarto niya.

Binuksan ni ate Nene ang pinto at pumasok sila Tom. Medyo naanggihan na sila ng ulan. May mga kotse naman hindi pa sila sumilong doon mga shunga talaga.

"Aba eh maupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng mainit na tsokolate." -Ate Nene

"Uy Donna! Musta? Si Jade Okay lang ba?" Binati ako ni Gabe at napatingin ako kay Jose at tila hindi maganda ang tingin niya kay Gabe. Lalo na kay Tom.

"Pag tumila na ang ulan, umalis na kayo." -Jose

"Teka, Jose, bro chill ka lang. Kakadating lang namin." -Tom

"Dahil yun ang utos no Jade." -Jose

"Bakit ba parang mainit ang ulo mo bro?" -Tom

"Sinong hindi mag-iinit ang ulo eh nagdala ka pa ng babae mo dito. Nung una patay na patay ka sa pinsan ko tapos mababalitaan ko na lang na may ibang babae ka na? At ang kapal din ng muka mong dalin siya dito!" Nilapitan ko si Jose at hinarang ko ang braso ko sa kanya dahil baka kung ano pa ang magawa niya kay Tom.

Napatingin si Tom sa dalawa niyang kaibigan at umiwas sila ng tingin. Ganun din si Audrey napatingin na lang sa baba.

"Pero Jose hindi ko nam-"

"Gaya ng sinabi ko, pag tumila na ang ulan umalis na kayo." Si Jose naman ngayon ang nag walk out. Grabe ang intense akala ko susuntukin na ni Jose si Tom nakakatakot pala siyang magalit.

"Tom, come here." Hinatak ko si Tom papunta sa kusina. "Bakit ba sila nandito? Nagdala ka pa ng bodyguard saka yaya!" Pabulong ko sa kanya. "Hindi ko alam. Ang totoo talaga niyan ako lang ang pupunta talaga dito. Nagulat na lang ako sumunod pala silang tatlo." Jusko yari talaga ako kay nito mamaya ang titigas talaga ng mga bungo nila.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon