Jade's POV
Ang saya ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya.
At kay Tom ko lang naramdaman ito.
First impression ko kay Tom ay chickboy, mahilig magpa-cute at super kulit.
Siya lang yung lalaking nagtiyagang kulitin ako. Hindi niya ako titigilan ng daldal kapag hindi ako sumasagot. Lagi niya akong nilalagyan ng pagkain sa bag minsan inaabot niya sakin at hindi niya ako tatantanan kapag hindi ko tinatanggap.
Hanggang sa nasanay na ako.
Hindi ko alam kung bakit pero nasanay na ako sa pangungulit niya.
Kahit na tahimik ako, hindi niya ako tinitigilan ng kwento akala niya hindi ko siya pinapansin pero ang totoo, nakikinig ako.
Pinakikinggan ko ang lahat ng sinasabi niya.
Dinala niya ako sa Rave flower park ang ganda sa lugar na yun. My favorite part is yung sunflower garden hindi dahil hinalikan niya ako doon, kundi yun ang pinakapaborito kong bulaklak.
Sobrang sweet niya sa akin.
Ang akala niya sobrang cold ko sa kanya pero hindi niya alam kung gaano niya ako pinapakaba.
Kapag nagiging sweet siya sa akin, nahihiya ko at hindi ko alam kung bakit.
Hindi niya alam kung anong pakiramdam ng kuryenteng nararamdaman ko kapag hinahawakan at tinititigan niya ako.
It tingles my stomach.
Hindi ko masabi ang lahat ng nararamdaman ko kapag kasama ko siya dahil nalulusaw ako sa mga mata niya. Nalulusaw ako sa mga salitang binabato niya sa akin.
Hinatid ako ni Tom sa mansyon at parang ayaw ko pang umuwi.
Ayaw ko pang umalis sa tabi niya.
Pero kailangan. Kaya nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na ako sa loob ng mansyon.
Pagbukas ko ng pinto ay nakataas ang kilay ni princess Diana sa akin and why is Daddy giving me a judgy look? Like he's disappointed? Si Donna, hawak ang cellphone at parang nagwoworry.
Bakit kaya?
"Bakit umabsent ka ngayon Jade? Nakita ko ang post ni Tom at magkasama kayong dalawa. Tumawag ako sa iskwelahan niyo at wala nga kayong dalawa ni Tom doon. Yan na ba ang napapala mo kapag inlove ka? Nasisira ang pag-aaral mo?" -Diana
Uh oh, yari ako.
"Ngayon mo lang ginawa to Jade. Hindi ka naman ganito diba? Yung Jade na kilala namin aalis lang para mag-aral tapos uuwi lang sa bahay. Kung aabsent ka, sabihin mo akin hindi yung ganyan akala ko pumasok ka pero hindi pala." -Daddy
Mahinahon lang si Daddy pero feeling ko, nadisappoint ko siya. Hindi sapat ang sorry ko sa kanila kaya tumahimik na lang ako.
"Simula ngayon, hinding hindi ka na didikit sa lalaking yun. Hindi ka na makikipagkita sa kanya naiintindihan mo? At hindi ka puwedeng magboyfriend hanggat hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Kung alam mo lang kung gaano kabarumbado dati yang Tom na yan. Binibilog lang niyan ang ulo mo para makuha ka." -Daddy
"Hindi siya ganun. Nag iba na siya Dad I know na nagbago na siya." Sobra akong nainis sa sinabi ni daddy kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong ipagtanggol si Tom.
"Sa umpisa lang yan sweet sayo. Pagugulingin ka lang niyan sa palad niya hanggang sa makuha na niya ang gusto niya sayo."
Anong ibig sabihin ni dad dun?
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Ficção AdolescenteLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...