Chapter 9//Christmas

1K 26 0
                                    

Jade's POV

Ang bilis ng araw at lahat kami ay naghahanda para salubungin ang pasko. Masaya ako dahil sinamahan nila ako dito sa bahay. Feeling ko, hindi na ako nag-iisa at para kaming isang pamilya dito sa bahay.

"Oh my gosh! 12 o'clock na! Merry Christmas!" -Tita Tere

"Merry Christmas everyone! Eto ang regalo ko para sayo Jade, at para sayo Tom." Inabot sakin ni tito Thomas ang regalo nya saakin. Dumating si Jose at may bitbit siyang regalo at leche flan. "Jade! Merry Christmas! Regalo ko nga pala para sayo. Pinabibigay nga pala ni inay itong leche flan. Pagpasensyahan mo na at hindi na nakapunta dito si inay kasi sumasakit nanaman yung rayuma niya." Nakita ko si Tom na medyo nainis nung nakita niya si Jose at lumabas siya ng bahay. "Uhm.. Salamat Jose. Paki sabi kay tita Nene okay lang salamat sa leche flan at paki sabi Merry Christmas."

Lumabas ako at pumunta ako sa bakuran. Nakita ko si Tom nakapamulsa at sinisipa-sipa ang lupa. Kinalabit ko siya at nanlaki ang mga mata niya nung humarap siya sakin. "Merry Christmas Tom." Napanganga siya sa regalong bitbit ko para sa kanya. "Akala mo siguro nakalimutan ko na ang regalo ko sayo no?" Ngumiti siya at kinuha ang regalo. Agad niya itong binuksan at kinuha sa loob ng kahon ang binurda kong red sweatshirt.

"Wow! Jade! San mo nabili to?"

"Binurda ko yan. 1 year ago. Pero.. Tinapos kong burdahin yan sa loob ng limang gabi."

"Wow.. Pero bakit ngayon mo lang ulit tinuloy?"

"Kasi... Regalo ko sana kay lolo yan kaya hindi ko na tinapos. Kaso, naalala kita. Tinapos ko yan para sayo."

Bigla akong niyakap ni Tom at heto nanaman ako, nanigas na parang yelo. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba kapag ginagawa niya sakin ito.

"Thank you Jade. Sobra kong Naapreciate ang effort mo para tapusin ito. Okay lang naman sakin kahit wala kang gift. Ang mahalaga sa akin ay makasama ka ngayong pasko.. At bagong taon."

Humiwalay siya sa akin at hinubad ang damit niya at Agad akong tumalikod.

"Ayan Jade! Terno na tayo."

Humarap ako sa kanya at bagay na bagay sa kanya ang binurda ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Humarap ako sa kanya at bagay na bagay sa kanya ang binurda ko. Ang cute niya kasi para siya bata. Wait, cute? Naapreciate ko na ba ang ka-cutan niya? Well, dahil naman yun sa damit niya no so walang malisya yon.

 Wait, cute? Naapreciate ko na ba ang ka-cutan niya? Well, dahil naman yun sa damit niya no so walang malisya yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon