Tom's POV
Excited akong pumasok ngayon dahil makakapag-usap na ulit kami ni Jade.
Pumunta muna ako sa gym at nakausap ko ang dati kong coach dahil pumayag na si daddy na bumalik ako sa team kasi matataas na ang grades ko.
Yun din kasi ang gusto ni Jade.
Tiningnan ko ang IG ni Jade at may 4.5k followers na siya at may bago siyang post. Ni-repost niya ang kuha sa kanya ni Donna.
Ang ganda niya sa picture.
Half face lang dahil naka side view at nagbabasa lang siya ng libro.Ang caption lang niya ay ang username ni Donna at ang dami na ding likes at comments. Siguro pinilit siya ni Donna na magpost ng picture.
Kasi sobrang hilig kumuha ng stolen shots ni Donna. Minsan matatawa ka sa mga hitsura ng mga nakukuhanan niya.
Habang nag-iiscroll ako sa cellphone ko ay may nakapabangga akong babae.
"Sorry miss, okay ka lang?"
Nakatitig lang siya sa akin at parang kinakabisado niya ang bawat parte ng muka ko.
"Miss? Okay ka lang ba?"
Sa wakas ay natauhan na siya.
"So...sorry."
"Ako ang dapat mag-sorry dahil ako ang nakabangga sayo."
She's cute. Payat na mahaba ang buhok at maputi. Naka white dress siya at may hawak na envelop.
"Uhm.. Magtransfer na kasi ako dito. Sa pasukan dito na ako mag-aaral.. Uhm.. Anyway, saan ba dito yung Registrars office?"
"Wala ka bang kakilala dito?"
Umiling siya sa akin.
"Kung saan ka pumasok kanina, kumaliwa ka tapos diretsuhin mo lang yun may mababasa ka nang registrars office."
"Salamat."
Sinunod niya ang instructions ko.
Sabagay malapit na ang bakasyon kaya mas maganda na maaga na siyang mag-enroll.
Naisipan kong lumabas para bumili ng pagkain namin ni Jade.
Pero may nakita akong hindi maganda.
Si Charlie kinakausap niya si Jade.
My Jade.
Agad akong lumapit sa kanila pero humarang sa daan ko si kuya Chito.
Nakita ako ni Charlie at Jade. Dumistansya ng kaunti si Jade kay Charlie pero lumapit pa din tong Charlie sa kanya.
"Jade, salamat ha." Bakit nagpasalamat si Charlie kay Jade? at pinatong pa niya ang kamay niya sa balikat ni Jade. Doon nag-init ang ulo ko pero tinanggal ni Jade ang kamay ni Charlie sa balikat niya.
"Layuan mo si Jade." I warned him. Pero dumikit parin siya kay Jade at inakbayan. Nanlaki ang mga mata ko sa galit.
Lumayo si Jade sa kanya. I know na walang ibig sabihin yun kay Jade pero nilulunod ako ng selos ko.
"Don't touch her." Ngumiti sa akin si Charlie na may halong pang-iinis. "Bakit anong gagawin mo?" Pinipilit ba akong hamunin ng lalaking to?
"Tom, pumasok na lang tayo sa loob." Gumitna sa amin si Jade pero hinatak siya ni Charlie palayo sa akin.
"Kuya Chito, this is unfair. Siya puwedeng lumapit kay Jade tapos ako hindi?" Reklamo ko kay kuya Chito.

BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Roman pour AdolescentsLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...