Chapter 31//So Weird

1K 16 5
                                    

Donna's POV

Ang hirap, may report pa ako sa Friday. Marunong naman akong mag salita sa harap ng maraming tao kaso, baka mapahiya lang ako kasi ang hirap ng topic na napunta sakin.

Haaayyy! Ano ba yan!

Mag-isa na lang akong pumunta sa library kasi, hindi naman din ako matutulungan ng mga kaibigan ko baka pag kasama ko sila dito, hindi ako makapag concentrate at mauwi sa daldalan ang mangyari samin.

"May problema ba? Mukang hindi ka mapakali." Si Charlie pala yung lalaking nasa likod ko. Umupo siya sa tabi ko at sinilip ang binabasa ko. "Report?" Tanong niya sa akin.

"Yup... may report kasi ako sa friday. Ayaw ng prof ko na ang sasabihin ko, ay manggagaling lahat sa Google o sa librong ito. Gusto niya may sariling explanation ako yung tipong ano ang pagkakaintindi ko sa topic na napunta sakin. Nahihirapan na tuloy ako hindi pa naman ako magaling dito."

"Hindi mo naman kailangang kopyahin lahat ng nasa Google o sa librong yan. Kukuha ka lang naman ng idea tapos saka mo iexplain."

Tama si Charlie kaso, hindi ko alam kung bakit ayaw gumana ng utak ko at talagang kinakabahan ako.

"Akala mo lang kasi ganun lang kadali yun. Para sayo siguro, madali kasi matalino ka."

"Gusto mo.... Tulungan kita?"

"Ha?" Totoo ba to? Dati panay ang buntot niya kay Jade tapos ngayon tutulungan niya ako?

"Kung ayaw mo okay lang. Nakaka istorbo na siguro ako sayo. Sige aalis na lang ako."

"Wait,"  hinawakan ko ang braso niya. Nabigla lang ako kaya binitawan ko na siya.

"Tutulungan mo talaga ako? Baka.. makaistorbo lang ako sayo. May gagawin ka pa ba?"

"Wala naman na. Actually, vacant namin ngayon."

"Ahh.. edi kay Jade na lang ako magpapatulong vacant niyo naman pala eh."

"Ahh ehh.. m...magkasama yata sila nila Tina kakain yata sa labas. Nakita ko lang sila kanina."

"Ahh ganun ba. Naku, baka nakakaistorbo na ako niyan sayo ha. Anong gusto mong kapalit? Food?"

"Ah eh wala naman. Bored lang kasi ako one and half hour ang vacant namin. Promise okay lang sakin."

"Sure ka ha?"

"Oo nga."

Mukang hulog ng langit sakin ngayon tong si Charlie at talagang gusto niya akong tulungan. Ang bait talaga niya.

Natulungan naman ako ni Charlie at nasulat ko na lahat ng sinabi niya sa notebook ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay i-rehearse ang mga sasabihin ko sa harap ng classmates at prof ko. Buti na lang talaga nandito din si Charlie. Thank you G talaga!

"Kung may tanong ka lang, text mo na lang ako nabigay ko naman na sayo yung number ko."

"Salamat talaga Charlie ha. Hulog ka talaga ng langit."

"Naku, wala yun. Uhm.. matagal na bang nag-i-stay sa inyo si Jade?."

Bakit naman niya tinatanong?

"Sorry Donna kung marami akong tanong ha. Sobrang close niyo na kasi kaagad."

"Natural kapatid-" Oops.. nag pause ako bigla. "Kapatid na kasi ang turing namin sa isa't isa." Grabe, muntik na yun.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon