Tom's POV
Habang nagpi-piknik kami nila mommy sa park, nakita ko nanaman yung batang babae. Umiiyak nanaman siya.... Mag-isa at nakaupo sa bench.
Nakita ko na siya dati sa funeral na pinuntahan namin nila mom. Oh yes! Si star girl. Tinawag ko siyang star girl dahil sa binigay niyang star keychain sakin. Grabe ang lungkot at hagulhol niya dati nun.
Nilapitan ko siya at inabutan ko siya ng tissue.
"Bata.. Ikaw nanaman?" Tumingin siya sa akin at namukaan niya ako. Pinunas niya ang tissue sa mga luha niya at narinig kong kumalam ang sikmura niya. Nagugutom na siguro siya at buti, may bitbit akong hotdog at inalok ko siya. "Oh, kunin mo. Nagugutom ka na kasi."
Yung expression ng muka niya, ang cute. Ang ganda ng mga mata niya.. Nagkikislapan na parang mata ng pusa. Ang tagal niya akong tinitigan tapos kinuha din niya yung hotdog na inalok ko sa kanya.
Pinagmamasdan ko lang siyang kumain hanggang sa maubos niya ang hotdog. Tapos bigla nanaman siyang umiyak.
"Hoy, tahan na. Everytime na magkikita tayo lagi ka na lang umiiyak." At lalo pang lumakas ang iyak niya. Grabe hindi ko talaga alam ang gagawin ko nun.
"Oh my god.. Pinaiyak mo ba siya?!" Nilapitan siya ni mommy at pilit na pinapakalma. "What happened to you? Did my son hurt you?" Umiling siya at patuloy pa ding umiiyak. "Asan ang parents mo? Are you lost?" Tumango siya at niyakap siya ni mommy. "Wait, you look familiar. Anak ka ba nila Eric?" Tumango ulit siya at sa wakas, tumigil na din siya sa pag-iyak.
May matandang lalaki na lumapit sa amin at niyakap niya si star girl at kinarga.. "Diyos ko po buti na lang nahanap na kita."
"Tito Vito? Buti na lang nakita siya ng anak ko at kanina pa siya umiiyak." Kilala pala siya ni Mommy at talagang nag-alala yung matandang lalaki. "Salamat Trina. Nagyaya kasi tong batang to na pumunta dito sa Park. Bumili lang ako ng pagkain tapos bigla na siyang nawala."
Pagkatapos.....
Nagising na ako.
Ilang beses ko na siyang napapanaginipan. Kamusta na kaya siya? Siguro maganda na siya ngayon at mas matangkad na. Iyakin pa din kaya siya? Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.
Buti na lang weekend na at ang sarap mag relax ngayon. Hinawi ko ang kurtina ng bintana ko at medyo makulimlim ang kalangitan at ang malamig ng panahon.
Wag naman sanang umulan balak ko pa naman gumala ngayon. Pumunta ako sa kitchen at nakita ko si mommy na hinahanda ang breakfast ko.
"Good morning. Ang aga mo bumangon ngayon ha."
"Good morning mom."
"Kumain ka na ha. Aalis na ako may aasikasuhin pa kami ng daddy mo."
Di tulad ni Dad, hindi workaholic si mom. Gusto ni mommy na siya palagi ang nagluluto ng breakfast ko at palagi siyang nagbibigay ng time at attention sakin.
Hindi kasi kami close ni Dad. Palagi siyang nauuna kay mommy pumasok sa work tapos pag day-off naman niya, palagi siyang nasa office niya.
He never spent a day with me. Palagi na lang si mommy ang nakakasama ko lumabas or makabonding. Bumabawi sakin si dad sa pamamagitan ng pera. Binibigay niya lahat ng gusto ko at lahat ng kailangan ko. Laging sobra ang allowance ko every week at kada taon, laging brand new at expensive ang car ko.
Pero hindi iyon ang kailangan ko sa kanya...
Kahit isang araw man lang... Maging tatay siya sa akin..
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Teen FictionLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...