Jade's POV
Ilang araw na ang lumipas at medyo magaling na ang kaliwang paa ko dahil yun sa marahang pagmamasahe ni Jose. Nailalakad ko na siya ng maayos at diretso pero, may times na nahihirapan ako. Di bale na, gagaling din naman to kaagad eh.
Nagkatay ng baboy sila tito Thomas at ni-letchon nila ito. Gumawa ako ng biko at palitaw dahil gustong gusto nila Rod at Tom ang lasa nito. Si Diana naman ay bumili ng pagkarami-raming prutas at mamahalin pa ang iba dito. Para sakin okay na yung dalandan, pinya, orange, at mansanas. Pero si princess Diana, kulang na lang magtinda ng prutas sa dami ng binili.
Tinulungan akong magluto ni tita Nene ng menudo, spaghetti, at ang paborito kong pancit palabok. "Alam mo Jade, kung nabubuhay ang nanay mo sigurado akong matutuwa yun kasi kasama mo na ang tatay mo. Saka, mabait naman si Robert sa totoo lang. Medyo tumanda lang ang itsura pero gwapo pa din." Pati si tita Nene kilala si Dad? "Paano niyo po nakilala si Dad?" Habang kumukulo ang menudo sinalin na ni tita Nene ang reno. "Aba eh, ako ang kasabwat ng mommy mo pag lihim na nagkikita silang dalawa. Kapag naaalala ko, kinikilig nga ako eh."
Napatingin ako kay Donna na malapit lang saamin at naghihiwa ng carrots para sa sopas. Alam ko na-awkward siya sa narinig niya.. Ako din naman eh. "Super sweet po ba sila dati?" Tanong ni Donna kay tita Nene. Si tita Nene naman hindi alam ang gagawin kasi hindi din niya napansin na katabi lang namin si Donna. "Kwentuhan niyo naman po ako. Hindi kasi pala kwento sakin si Daddy." Nagtaka si Donna dahil tahimik lang si tita Nene. "Promise hindi po ako galit..." Nagtinginan kami ni tita Nene at napakibit balikat na lang ako sa kanya.
"Ahm.. Eh.. Mabait kasi yang daddy niyo.. At.. Sobrang sweet at talagang niligawan ng isang taon ni Robert yang si Jana." Parang nagulat pa si Donna sa narinig niya. "Isang taon? Wow, grabe talaga ang effort ni daddy." Padabog na nilapag ni princess Diana ang repolyo sa lamesa. "Tapos ka na ba diyan Donna? Kanina mo pa hinihiwa yan ah. After that ito naman ang hiwain mo." Natahimik kaming tatlo at bumalik na lang kami sa pagluluto.
***
Five! Four! Thee! Two! One! Happy New year!!!!!"
Grabe ang saya ng count down namin dahil Kumpleto kami sa bahay. Kasama namin sumalubong ang pinsan ni mama na si tita Nene kasama ang tatlo niyang anak.
Sila Daddy at tito Thomas naman ay nagsindi ng fireworks tapos kami nila Rod, Tom, Donna, at Jose ay may hawak na lusis. Masaya kaming lahat.. Tapos nag picture taking pa kaming lahat. Hindi namin alam kung ano ang uunahin naming kainin dahil sobrang daming masasarap na nakahain.
Habang kumakain kami.... nagtatawanan kami at nagkwe-kwentuhan. Si Diana, sa wakas ngumiti na din siya. Siguro nakikita niyang masaya sila Donna at Rod... Pati na si Dad.
Habang nag-iinuman ang matatanda sa loob ng bahay, lumabas muna ako para panuorin ang iba pang nagpapaputok ng fiireworks.
"Happy new year Jade." Lumingon ako at si Tom pala ang bumati sakin. "Happy New Year din." Pinanood lang namin ang fireworks habang ang iba ay nagsasaya sa loob ng bahay.
"Jade...?"
"Hmm?"
"I'm happy.. I'm happy na naksama kita. Ito na yata ang pinakamasayang pasko at bagong taon na naranasan ko."
Nginitian ko siya kasi parehas kami ng nararamdaman. "Masaya din ako.. Salamat at sinamahan niyo ako." Napansin kong may sauce ng spaghetti si Tom sa gilid ng labi niya kaya pinusan ko ito gamit ang right thumb ko.
Tinitigan ako ni Tom at hinawakan ang kamay ko. Ang mga mata niya.. Sumasabay sa kislap ng mga fireworks. I felt something... Bumibilis ang tibok ng puso ko at ito na ba yung sinasabi nilang "butterflies in the stomach?" wait what? Attracted na ba ako kay Tom? No way.
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Novela JuvenilLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...