Jade's POV
Nakakainis.
Porket sinabi kong walang kami sa iba na niya ibabaling ang atensyon niya?
Hindi ba naisip ni Tom na kaya ko nasabi yun dahil kaharap si kuya Chito? Alam kong sumusunod lang sa utos ni daddy si kuya Chito at naiintindihan ko naman yun.
Pero inuna ni Tom ang pagkatoyoin niya.
Kaya lang natriger na tanungin ako ni Charlie dahil napaka over protective ni Tom.
Seloso.
Kaya lang naman kami magkasama ni Charlie dahil gusto na din niyang mag-aral sa Dela Vega University kaya, tinulungan ko siyang mag-inquire.
Yun lang at wala nang iba.
Tapos bigla na lang siyang magtatampo.
Ginawa ko naman ang lahat para magkaayos at magkausap kami pero nag-inarte pa siya.
At may yakap pang babae.
Sa harap ko pa mismo.
Umpisa pa lang ayaw na niya akong kausapin tapos ngayon, kukulitin niya ako?
Nakakainis talaga.
"Jade, let's go na." Sigaw ni Donna sa tapat ng kwarto ko.
"Coming!"
Naghalungkat ako sa drawer ko at wala na akong mahanap na panyo. Binuksan ko naman ang cabinet ko at nakita ko ang puting panyo na binigay sakin dati ng batang lalaki.
Ito na lang ang gagamitin ko.
Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa garahe dahil hinihintay na ako nila Donna.
Ang hirap talaga kasabay ni Donna nasasanay na akong late na pumasok.
Pagdating namin sa school ay nagmamadali kami ni Donna dahil umaambon na.
Pero may nakabunggo ako...
Yung babaeng yakap yakap ni Tom kahapon.
May hawak siyang payong at nagkatitigan kami. Napansin niyang nababasa na ako at pinayungan naman niya ako.
"Sorry... Jade."
She knows my name? Or baka sinabi ni Tom.
"It's okay. Kasalanan ko kasi nagmamadali ako eh."
Biglang nag-ring ang bell at nagmadali na akong tumakbo papasok sa classroom.
Medyo basa ako at hinahanap ko sa bulsa ko ang panyo pero parang nahulog yata. Gusto kong balikan yung panyo dahil mahalaga yun sakin pero pumasok na sa loob ng classroom ang adviser namin.
Napansin ni sir na nabasa ako ng ulan kaya inabot niya sa akin ang panyo niya.
"Wala ka bang dalang payong? Baka magkasakit ka niyan? Sige na maupo ka na at magsisimula na tayo."
Sinunod ko si sir at naupo na ako.
"Gamitin mo ang jacket ko Jade." Hindi ko pinansin si Tom at giniginaw ako sa lamig dahil nakabukas pa ang aircon sa room.
Pero sinuot ni Tom sa akin ang Jacket niya at para akong yelo na nanigas. Buti na lang nagsusulat ang adviser namin sa blackboard.
"Wag mong tatanggalin yan sisipunin ka." Hindi ko pa din pinansin si Tom. Ewan ko ba, naiinis pa din kasi ako sa kanya.
Babalikan ko na lang mamaya yung panyo ko. Sana walang ibang makakuha napaka espesyal pa naman sakin nun.
***
Hindi ko pa din mahanap yung panyo.
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Teen FictionLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...