Chapter 7 // Christmas Gift

1K 27 0
                                    

Tom's POV

Simula nung gumaling ako hindi na ako dinalaw ni Jade at ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Christmas party namin ngayon at siya na lang ang wala.

Nasaan na kaya siya?

Lahat kami ay nagsisimula nang kumain sa loob ng classroom namin. Wala tuloy akong gana kumain. Pinilit ko pa naman si Gabe na dayain ang bunutan na si Jade ang monita ko, at ako ang monito ni Jade.

Lumapit sa akin si Donna at may inabot siyang gift sa akin. Medyo maliit ang kahon at napaka ganda ng wrapper at mukang mamahalin.

"Tom, this is my Christmas gift for you." Nagtaka ako dahil hindi naman niya ako dapat bigyan ng gift. "Hindi naman ako ang nabunot mo diba?" Hindi ko alam pero bakit na hurt siya sa sinabi ko? "Paano mo naman nalaman na hindi ikaw ang nabunot ko? Saka paano kung ikaw talaga ang nabunot ko? Matatanggap mo ba ang regalo ko sayo?" Well that hit me. And I really don't know what to say.

Pinilit pa din niyang ilagay sa kamay ko ang regalo niya. Matagal niyang tinitigan ang malaking box na hawak ko na kulay blue ang gift wrapper at red naman ang ribbon.

"Look Tom, I know na si Jade ang gusto mo. It's obvious naman eh. Lahat sila alam na siya ang nagugustohan mo. Pero ito lang ang masasabi ko sayo... Wala kang pag-asa sa kanya. Napaka selfish niyang tao at never ka ninyang papansinin kahit na magmakaawa ka pa. Hindi mo pa lubusang kilala si Jade." Well that pisses me off. How dare she say that things to her "sister."

"I don't care Donna. Alam ko na napaka suplada niyang tao. Pero never kong narinig na may nilait or siniraan siyang ibang tao, at never siyang nagcomplain sa ibang tao including your family. She kept it. Kahit na alam kong masakit para kanya yon, tiniis pa din niya. I think sapat na yun para sakin kahit na hindi ko pa siya lubusang kilala."

Mahina lang ang pag-uusap namin para walang makarinig. Tahimik lang siya at parang mas lalo pa siyang nainis sa sinabi ko.

"Bakit pa kasi si Jade? Eh nandito naman ako?" Medyo naluluha na siya at medyo pabulong lang siyang magsalita. "I like you Tom." Oh boy, kaya pala parang laging galit siya kay Jade dahil gusto niya ako? "Bakit hindi na lang kasi ako Tom? Nagbibihis ako ng maayos at hindi na din ako girly manamit kagaya ni Jade, papansinin kita araw araw, pupunta tayo kung saan mo gusto at-"

"I'm sorry Donna. Pero si Jade talaga ang gusto ko."

Pinigilan ko na siyang magsalita dahil ayokong marinig ang mga sasabihin niya. Binalik ko sa kanya ang regalong binigay niya at lumabas ako ng classroom.

What a day...

Hindi naman ako nagugulat sa dami ng babaeng nagkakagusto sa akin pero, iba kasi yung situation. Baka mas lalong pag-initan ni Donna si Jade sa bahay nila lalo na ngayon na nireject ko si Donna.

But Jade is Jade. Alam kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya at yun ang mas lalong nagustohan ko sa kanya.

Nasa tapat lang ako ng classroom namin bitbit ang regalo ko at hinihintay kong dumating si Jade. Pero mahigit isang oras na akong naghihintay at wala pa siya. Totoo kaya na hindi siya pupunta? Pero ako ang nabunot niya. Baka sakaling ibigay niya ngayong araw ang regalo niya para sa akin.

Lumabas si Dave at nilapitan ako. "Bro, tara sa loob. Nagbubukas na kami ng mga regalo masaya to." Hinatak niya ako at nagbubukasan na nga sila ng regalo.

"Briefs?! Seryoso?!" Sigaw ni Henry kay Carol at nagtawanan ang lahat. "Ano ka ba?! Hindi ka kasi nag be-belt kaya nakikita namin yung brief mong kulubot na ang garter!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Carol.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon