Jade's POV
"Jade wait," hinawakan niya ang braso ko.
"Kung tingin mong pinaglalaruan ko lang ang feelings mo, layuan mo na lang ako." Hinatak ko ang braso ko at naglakad palayo sa kanya.
"Sige! Kung yan ang gusto mo layuan na natin ang isa't isa!"
Napahinto ako sa sinabi niya at lalo akong nainis.
"Fine!"
Naglakad na ulit ako palayo.
"Fine!" Hindi ko na siya pinansin at hindi na din niya ako sinundan.
Grabe, nasabi niya talaga yun sakin?
Tingin ba niya pinaglalaruan ko lang siya? Ang dami na naming pinagdaanan at iniisip niya talagang ganong tao ako?
"Jade? Jade! Teka, wait!"
Napahinto ako at tinatawag pala ako ni Charlie.
"Jade? Anong nangyari? May problema ba?"
"W....wala... Si Tom kasi."
"Nag-away ba kayo?"
"Nagselos kasi siya dahil may lalaking nagbigay ng rosas saakin. Pwede ba wag mo na lang akong tanungin? Gusto ko munang mapag-isa."
"Okay. Naintindihan ko."
Nilayuan ko si Charlie at baka makita pa kami ni Tom at mas lalo pang sumabog sa selos yun.
Naiinis ako!!!!
Naiinis ako kay Charlie na panay ang sunod, naiinis ako sa mga lalaking nangugulit sakin kahit alam nilang taken na ako at naiinis ako kay Tom na ang tingin sakin ay player.
Nakakainis!!!!
Wala na akong mapuntahan kundi ang theater. Mas maganda dito kahit medyo madilim, tahimik naman. Naisipan kong magbasa dito ng libro at naaninag ko naman ang binabasa ko.
Mahigit isang oras din akong nagbabasa nang may narinig akong umiiyak. Boses ng lalaki at medyo kinakabahan ako baka kasi minumulto ako. Sa stage nanggagaling yung umiiyak sa likod ng red curtain. Dahan dahan akong lumapit para silipin kung Sino ang lalaking umiiyak.
"He...hello? Ayos ka lang ba?"
Tumahimik yung imiiyak.
"Ayos lang ako iwan mo na lang akong mag-isa dito."
"Si...sigurado ka? May masakit ba sayo?"
Humagulgol nanaman siya ng iyak kaya nilapitan ko na yung lalaki at hinawi ko yung kurtina. Nakaupo yung lalaki at nakatakip ng mga kamay niya ang muka niya.
"Bakit ka ba umiiyak?"
Umupo ako sa tabi niya at pinunasan naman niya ang mga luha niya. He's cute. Moreno, makisig at mukang matangkad.
"Gusto ko nang mamatay."
"Bakit? Ano bang nangyari sayo?"
Tumulo nanaman ang mga luha niya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo na ang utak ko."
"Alam kong hindi naman tayo magkakilala. Pwede mo naman sabihin sakin kung ano ang problema mo. Promise makikinig lang ako. Pero kung ayaw mo, okay lang."
Tinitigan niya ako at pinunasan niya ulit ang mga luha niya.
"Ikaw si Jade Dela Cruz diba?" Kilala niya ako?
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Ficção AdolescenteLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...