Donna's POV
Naisip naming lahat na magpicnik malapit sa gubat. Maganda din yung idea na naisip ni Jeremy na doon kami mag overnight kaya ayun, gumawa kami ng tent.
Bawat isang tent dalawa o tatlong tao lang ang kasya sa loob. Ako at si Jade, si Sher, Mandy, at carol si Dave at Gabe, si Jeremy at Tom, at si Tina at Audrey. Hindi sumama si Jose dahil siya na lang daw ang magbabantay kay Rod.
Hindi namin sinama si Rod kasi pasaway na bata kaya ang alam lang niya bumili lang kami ng gamit. Magkatext naman kami ni Jose at ina-update naman niya ako about sa kapatid namin.
"Sino'ng katext mo?" Tanong sakin ni Jade napansin niya siguro na nakangiti ako. "Uhm.. wala natawa kasi ako sa post ng isang... FB friend ko kaya nagcomment lang ako." Lumabas si Jade sa tent at bumalik sa pag-iihaw.
It's 2:14 pm and the weather is good. Ang saya pala ng ganito sama sama kayo ng mga kaibigan mo except kay Audrey. May something talaga sa babae na yun at lagi siyang nakadikit kay Tom. Kanina gusto niyang magpaiwan pero inaya na siya ni Jade na sumama.
Pero kanina talaga desperada na siya magpaiwan. Sinabihan na din ni Jade ang friends ko na wag nang pag-initan si Audrey kaya siguro gustong magpaiwan.
Lumabas ako ng tent at tinulungan ko si Jade na mag ihaw ng bangus. Lumapit samin si Tom at Audrey at bitbit nilang dalawa ang mga hotdog at chicken wings na inihaw nila.
"Saan namin ilalagay to?" -Tom
"Dun na lang sa table na hinanda nila Tina." -Jade
Pawis na pawis si Jade at kinuha niya sa kanyang bulsa ang puting panyo at ipinunas sa pawis niya. Pansin kong nakatayo pa din sa harap namin sila Tom at Audrey at parehas nanlaki ang mga mata nila.
"Jade pati-" -Tom
"Ouch! Ah.. ang bigat ng mga chicken wings.. na..napapaso na din ako sa sobrang init ilagay na lang natin ito sa table Tom." -Audrey
"Sige tara na." -Tom
Pinagmasdan ko ang puting panyo na hawak ni Jade.. At naalala ko nung nasa CR kami pilit na kinukuha ni Jade at puting panyo kay Audrey.
May something ba sa puting panyo na yun?
At.. naalala ko din na may kinuwento din si Jade sakin about sa puting panyo. Hindi kaya dahil sa puting panyo kaya gustong magpaiwan ni Audrey?
OMG tama kaya ang iniisip ko?
Nagpatugtog naman ng malakas na music si Dave sa Bluetooth speaker niya. "Alright! Wohooo!" Grabe talaga tong si Dave partygoer kasi. Pati si Gabe ay nakisayaw kay Dave ganun din sila Sher, Carol at Mandy. Hinatak ni Gabe si Tina para makisayaw sa kanya si Jeremy naman panay ang kembot habang nagbabantay nag sinaing.
"Jade! Halika dito!" Inaaya siya ni Dave pero nginitian lang siya ni Jade at umiling. "Donna! Ikaw na lang!" Nainggit ako kay nakisayaw na din ako.
Ang saya namin nakisayaw na din si Tom at Audrey. Tiningnan ko naman si Jade at nginitian lang niya ako na parang sinasabi niya sakin na sige lang, okay lang ako dito magsaya ka lang diyan.
May dalang beer si Dave at nag inuman kami. Kasabay ng malakas na tugtog at masayang sayawan, nagkaroon din kami ng games. Inabot na kami ng dilim at nag bonfire kami.
BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Teen FictionLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...