Chapter 34// His Revenge

134 4 3
                                    

JADE'S POV

Monday na monday P.E class namin nakakatamad naman ang bungad ng week na to. Lahat ng section magkakasama sa P.E class at talagang ang sakit sa ulo pag maraming tao. Napansin ko si Donna na nakatitig sa cellphone niya at mga friends niya.

Pero...

ang itsura ni Donna, takot na takot at kagat niya ang kuko niya. Nilapitan ko siya at sinilip ko ang tinitingnan niya sa cellphone niya at maski ako ay nagulat sa nakita ko.

"J.... Jade... Sino ba tong gumawa ng page na to?" -Donna

"Cute couple spotted ang name ng page. At naka tag sa inyo ni Donna." -Mandy

Kitang kita sa page na ito ang mga picture namin ni Donna. Magkayakap si Donna at Jose sa Outdoor photos tapos magka holding hands at ang paghalik ni Jose sa noo ni Donna kuhang kuha din. At ang pictures namin ni Tom, magka holding hands din kami at naka back hug sa akin si Tom pero hindi naman masyadong clingy kagaya ng mga pictures nila Donna.

"Sino kaya ang gumawa ng page na yan at kayong apat nila Jose ang nandiyan?" -Sher

"At mukang bago pa lang ginawa kasi 79 likes pa lang ng page." -Tina

"Jade... Malamang nakita na to nila mommy. What should we do?" -Donna

Biglang nag ring ang cellphone ni Donna at ang mommy niya ang tumatawag. Malamang ay nakita na niya ang mga pictures. kabadong kabado si Donna kaya hindi niya sinagot ang mga tawag.

Napatingin ako kay Charlie at abot tenga ang ngiti.

Ngiting nakakatakot.

Siya kaya ang gumawa ng page?

"OMG!" Napasigaw si Donna

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"May nagtext sakin pero hindi ko kilala kung sino to.  Number lang." Binasa ko ang nagtext kay Donna at with all Caps pa na "THIS IS MY REVENGE"

"May nakaaway ka ba? Sino sa tingin mo ang gagawa nito sayo?"  Tanong ko sa kanya pero tumatawag pa din ang mommy ni Donna kaya mas lalo siyang natutuliro. Napapikit siya at nag isip tapos huminga siya ng malalim.

"Parang kilala ko na kung sino." -Donna

"Sino?" -Carol

"Si Charlie. Naalala ko bigla yung sinabi niyang pagsisisihan ko na ni-reject ko siya."

Sabi na eh.

Hindi ko na mahanap si Charlie at bigla na lang siya nawala sa kinatatayuan niya kanina. Nasaan na kaya siya?

Lumapit sa amin si Tom at Jose kasama din nila si Dave at Gabe.

"Jade... I'm sorry-" Pinigilan ko si Tom. "Wala kang dapat ihingi ng sorry Tom. Wala sa ating apat ang may gustong lumabas ang mga letrato natin."

"OMG nagtext nanaman siya!" Sigaw ni Donna.

"MAG-INGAT BAKA MAHULOG-Basa ni Donna sa nagtext sa kanya.

"Sigurado ka bang si Charlie talaga yan? Wala tayong evidence." - Sher

"Sino? Si Charlie?!" Pagalit na salita ni Jose.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon