Tom's POV
Napakagandang musika...
Nandito lang ako sa labas at pinakikinggan ang pagtugtog ni Jade ng piano. Napaka smooth at relaxing sa pakiramdam feeling ko, nakalutang ako sa alapaap.
Haaay... Ang bilis talaga ng panahon no? Dalawang linggo na kami dito at mamaya ay uuwi na kami sa Manila. Mami-miss ko ang masasarap na pagkain at street foods dito. Mami-miss ko din ang masarap na manggang hilaw at bagoong.
Narinig ko silang lahat na pumalakpak nang matapos tumugtog si Jade. Pumalakpak din ako dito sa labas.. ako lang mag-isa...
Isa-isa na silang lumabas ng bahay bitbit ang mga gamit nila. Nagpaalam silang lahat kay Jose at ate nene at ako? Kanina pa ako nakapag paalam at naka-ready na din ang gamit namin ni Audrey sa kotse.
Pumasok na kami sa kanya-kanya naming mga sasakyan at nagmaneho pauwi sa aming mga bahay.
***
"Mom? I'm home!"Kumaway sakin si mom pero may kausap pa siya sa telepono.
"Ahhh.. reunion ba? Oo naman namimiss ko na kayo eh... Sana nandito din ngayon si Jana. Mas masaya kung nandito siya." Paakyat na sana ako sa kawarto ko pero napahinto ako nung sinabi ni mom ang pangalan ng mommy ni Jade.
Naalala ko tuloy yung picture sa bodega.. at.. yung bahay nila Jade.. para talagang matagal na akong nanggaling dun eh.
"Sige na.. basta sa sunday ha. Bye." Lumapit ako kay mommy pinakita ko sa kanya ang picture na nasa cellphone ko. Oo, pinicturan ko ng palihim ang letrato ng mommy ni Jade. "Ito ba yung mommy ni Jade?" Tinitigan mabuti ni mommy ang cellphone ko. "Oo siya nga. Bakit?"
"Kasi... W...walang mga pictures doon sa bahay nila Jade nung pumunta tayo. Hanggang ngayon wala pa din. Para kasing nakita ko na yung picture na to eh..."
"Hayy.. Tommy, oo nakita mo yan. Yan yung letratong ganamit sa burol ni Jana sinama pa nga kita noon eh."
What?! Hindi kaya..... Pero.. si Audrey....
"Tom? Are you okay?"
"I'm fine mom. I'm just tired."
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at kinuha ko ang keychain na nakasabit sa kisame ko. Napaupo ako sa kama at nag-iisip..
Iniisip ko ang bahay nila Jade.. yung dating style ng bahay nila Jade.... Iniisip ko yung time na una kaming nagkakilala ni star girl. Yung time na binigay ko sa kanya yung puting panyo.. at nung.... Pinunasan ni Jade yung pawis niya gamit ang puting panyo...
Pero paano kung may puting panyo din si Jade at nag over react lang ako? Kahit sino naman mayroong puting panyo eh.
"Tom?" Kumatok si mom bago pumasok sa kwarto ko. "Kumain ka na ba?"
"Opo."
"Gumawa kasi ako ng palitaw. Sa wakas na perfect ko na din ang tinuro sakin ni Nene."
Tahimik lang ako. Oo naririnig ko si mom pero ang utak ko lutang.
"Tom.. are you alright?"
"Yeah.. yeah.. I'm.. fine."
Tumabi sakin si mom at hinawakan ang kamay ko.
"You're not okay son." Si mommy kabisadong kabisado niya talaga ako. Sabagay ganon naman talaga lahat ng mga nanay.

BINABASA MO ANG
I was made for Loving you
Dla nastolatkówLumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko papunta sa lips ko. Gosh.. Parang kinukuryente ang stomach ko. He's making me nervous. But I like it. Oh my gosh. Why do I like it? "Jade, I want to kiss yo...